Chapter 10

15.7K 273 38
                                    

"Amanda, kailan naging kayo ni Xane?" kuryusong tanong ni Janine. Ang daldal pala nito! Ang daming tinatanong, hindi ko siya naging studyante pero pakiramdam ko ay mabibigyan ko ito ng tres dahil sa sobrang ingay.

"Uhm.. Nung last friday lang" nahihiyang sabi nito, tumango naman si Janine bago tumingin sa akin.

"Ikaw Serene, kailan naging kayo ni Lance? Buti natatagalan mo? Sungit daw nun eh" natatawang tanong nito habang pinaglalaruan ang tubig na hanggang baywang.

"Uhm.. Matagal na, 10 months" sabi ko. Ten months na kasi ang nakalipas simula nang maging mag-asawa kami.

"Wow!" bulalas nito pa parang nagulat talaga. Tumawa naman ako tsaka umiling.

Ang lamig! Gabi na kasi.

"Nakita niyo ba yung post ni Xane last week? Yung nasa bar sila? Kasama ng mga jowa natin" sabi ni Janine na parang nanggigigil.

"Oo nakita ko!" segunda naman ni Lena, ang ganda ni Lena, mistisa at medyo singkit, matangos din ang ilong at medyo magka hieght lang kami. Ganon din si Janine, pang pageant ang beauty nito mas matangkad sa akin. Si Emerald naman ay parang anghel, ang ganda at ang liit ng mukha. Si Amanda rin, parang may lahi dahil brown ang buhok nito. Natural daw.

"Oo nga, nag comment pa si Serene" natatawang sabi ni Emerald.

"Oo, porkchop na Jett 'yan! Galit na galit talaga ako sa kaniya nun. Nakikipag break ako pero ayaw ng tae" naiinis na sabi ni Janine pero kami naman ay tumawa dahil tinawag niyang tae ang kaniyang nobyo.

"Ano pa nga ba siz, hindi ko talaga pinansin si Waytt hanggang sa nanigas siya sa labas ng bahay namin. Naawa naman ako kaya pinapasok ko nalang" kibit balikat ni Lena.

"Oo, tas sabi pa niya ni Jett na dare raw iyon ni Xane, naku! naku! Tuhurin ko talaga iyang boyfriend mo Amanda. makikita niya" tumango pa si Janine na parang nang aaya ng away. Tumawa kami sa inakto niya.

"S-sige.." mahinhing namang payag ni Amanda na ikinatawa naming lahat.

"O-oh.. Wait, look!" turo ni Emerald sa gawi nila Havoc na nagiinuman. Napalingon kami do'n, naningkit ang aking mga mata nang may makita kaming dalawang babae na halos luwa na ang dibdib habang papalapit sa gawi ng mga lalake.

"Tangna, kabog!" mura ni Janine habang naniningkit ang matang nakatingin lang din sa tinitignan namin.

"Sizzy, sino ang mga 'yan? Akala ko tayo-tayo lang?" tanong ni Lena tsaka yumakap kay Emerald. Nakalublob kasi kami ngayon sa tubig na haggang baywang lang naman.

"Si Hannah, yung lumalandi kay Lance tsaka kay Xane, tas si Verron ex ni Lance" sabi ni Emerald.

"Aba, mukhang may balak yata makipagjugjugan yung jowa mo Amanda. Alam ko babaero 'yan e." gatong ni Janine kay Amanda na nakatitig narin sa boyfriend nito.

"Nagbago na raw siya" mahina nitong sabi.

"Parang hindi naman" kontra ni Emerald.

"Luh luh, tignan niyo" napalingon kami nang magsalita si Lena at itinuro niya ang gawi nila Havoc.

Biglang nag-init ang aking dugo dahil sa nakita ko. Nakalingkis si Verron kay Havoc! Nakadikit ang dibdib nito sa braso ng aking asawa! Aba!

"Tinamaan ng lintik! Tignan mo si Xane, Amanda oh pangiti-ngiti pa." totoong turan ni Janine.

"Shockining siz, aba! Kumandong pa si Verron!" medyo malakas na sigaw ni Emerald. Bigla ay parang nagdilim ang aking mga mata. Parang gusto kong sumabunot ng pansit canton na buhok!

Akma sana akong aahon para sumugod nang pigilan ako ni Janine.

"Di 'yang uubra sis" suhestiyon nito na parang expert sa sinasabi.

My Student, My Husband (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon