Chapter 45

9.6K 175 4
                                    

Serene's POV

Bumuntong hininga ako sa kakulitan ng mga babaeng ito. Hindi ko maiwasang mapaluha ng makitang kong kinakain ni Lena, Amanda at Janine iyong singkamas ko!

Sarap na sarap pa sila sa prutas, isinawsaw pa talaga sa suka! Huli na nang makita ko sila, ubos na!

"Uy.. Sorry na, tahan na." Pangaalo sa akin ni Lena, katatapos lang kasi namin ni Emerald sa paggawa ng shanghai na nirequest pa nila. Nakalimutan kong naiwan pala iyong isang paper bag na singkamas sa living room. Limang piraso pa iyon at sobrang lalaki pero naubos nilang tatlo!

Kaya pala kumuha ng kutsilyo at platito kanina si Janine dahil bibirahan pala nila 'yung singkamas ko!

"Kasalanan niyo, alam niyo na ngang buntis eh" pangugunsensya ni Emerald sa tabi ko.

"Tae kasi itong si Lena, apaka buraot" paninisi ni Janine sa kapwa salarin.

"Hoy kasalanan mo 'no. Ikaw nga nag-alok sa amin ni Amanda, diba gurl?" Tumango si Amanda kay Lena. Nagsisihan pa sila! Wala naman sa akin iyon, pero ang lakas ng iyak ko siguro dahil sa hormones kaya ito na naman ang mood ko. Pero kasi yung singkamas ko.. Buti nalang hindi nila isinawsaw sa bagoong ko!

Hindi ko na talaga sila pababalikin dito pag nagkataon.

"Wala wala, inosente ako. Hindi ko nga alam kung anong prutas 'yan."

"Ah talaga ba Janine? Sa pagkakaalala ko naubos mo yung tatlo! Tig-isa nga lang kami ni Amanda. Siguro buntis ka rin 'no? Sungit-sungit mo eh" napatigil ako sa pagiyak at lahat kami ay tumutok ng tingin kay Janine.

Nanlaki ang mga mata nito tsaka mabilis na hinambalos ng throw pillow si Lena na tawa ng tawa.

"Sira ulo ka, anong buntis? May pills ako! Paano ako mabubuntis? Ang sabihin mo pinain mo sa'kin yung prutas!"

"Tangna bhie, nanisi kapa. Lagi ka kasi nakikipag jugjuggan sa jowa mo kaya ayan napapala mo. Takaw!" Natawa kami sa ginamit na salita ni Lena, ginaya nito ang laging sinasabi ni Janine.

Hindi natapos ang kumosyon sa pagitan ng tatlo kung sino ba ang may kasalanan, pero ang sabi ni Janine ay papalitan daw niya. Nagpabilis siya sa nobyo nito na agad din namang nakarating sa bahay.

Gusto pa sanang mag stay ni Janine kaya lang ay pinapauwi na ito ni Jett. Maski si Amanda ay sinundo narin ni Xane, ganon din si Emerald at Lena.

"Good bye gurl, take care" hinalikan ako ni Lena sa pisngi, yumakap naman ako sa kaniya at ganon din ang ginawa ko sa iba pa.

"Bye!" Kinuway ko ang aking mga kamay nang sunod-sunod silang nagsialisan sakay sa kotse ng mga nobyo nito.

bumuntong hininga ako at napatingin sa wrist watch ko habang pumapasok sa loob ng bahay. Mag aalas-sais na pero wala parin si Havoc.

Umupo ako sa sofa tsaka nagbukas ng isang pirasong singkamas. Nilantakan ko iyon habang naghihintay sa asawa ko. Lumipas pa ang ilang minuto nang nadinig ko ang pamilyar na ugong ng sasakyan sa labas.

Hindi na ako lumabas at hinintay nalang siya, iyon kasi ang bilin niya. Though lumabas ako kanina, sa tapat lang naman. Pero pag siya ang makakakita ay hindi pwede, na trauma na siya, ni ayaw nga niyang pumasok sa Azet kung hindi ko pa siya pipilitin.

"Baby?" Napangiti ako nang tawagin ako nito ng nasa pinto pa lamang siya. Wala pa kaming mga katulong, ang sabi niya ay magpapapunta raw siya ng limang katulong para maglinis kada isang linggo dito sa bahay.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya. "Hubby.." Yumaka ako ng mahigpit tsaka siya hinalikan sa labi.

"What took you so long?" Ngiting tanong ko. Itinaas niya iyong mga pagkain na pinamili ko sa kaniya, napatalon naman ako sa tuwa at mabilis na pinogpog ng halik ang buong mukha niya.

My Student, My Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now