Chapter 11

14.5K 236 19
                                    

"Oh ayan na pala si ma'am!" napangiti ako sa sinabing iyon ni Emerald. Nasa isang cottage sila malapit lang sa hotel. Papalapit ako sa pwesto nila. Pinayagan na ako si Havoc kasi pinaalis na niya ang grupo nila Zack, pati narin sila Verron. Buti naman!

"Anong oras kayo natulog kagabi? Tinanghali ka ata?" natatawang tanong ni Janine nang makaupo ako sa tabi ni Lena.

Bigla akong namula dahil sa sinabi niyang iyon. "Ikaw Amanda? Nasa beach resort tayo, bakit ka naka padjama?" si Lena na kain ng kain.

"S-si Xane kasi" sabi nito habang umiinom ng buko.

"Tas ba't may pula diyan sa leeg mo? Patingin!" hinablot ni Lena iyong damit ni Amanda. Tumambad sa amin iyong leeg niya ng sobrang daming kiss mark!

"Lena!" natawa kami sa singhal na iyon ni Amanda. Kunting push pa at matututo na talaga ito.

"'Raulo talaga 'yang si Xane" sabi ni Janine

"Makapagsalita ka naman, halos sabay nga lang kayo ni Serene pagbaba e" natatawang turan ni Emerald.

"E kamusta naman yung alas dos kana natulog?" rebat ni Janine.

"Luh ala-una kaya 'yon" sabi ni Emerald.

"Sus, pare-pareho lang naman tayo. Marunong lang kayo mag lagay ng concealer samantalang si Amanda ay hindi. Tas tignan niyo nga may mga eye bags tayo. Kung mag lakad pa kanina si Serene ay parang penguin." mahabang lintanya ni Lena.

Nasapo ko ang aking ulo, Penguin talaga? Psh.

"Ano Serene, masarap ba?" excited na tanong ni Janine habang nakapangalumbaba pa sa lamesa.

"Oum.. Oo" wala sa sariling sabi ko.

"Grrr!" sabi ni Lena tsaka nagtawanan ang lahat liban kay Amanda at sa akin.

"Gaano kasarap?" tanong pa nito.

"Masarap nga, sobra-sobra" sabi ko na ikinatawa nilang lahat.

"Grabe ka ma'am, ang wild mo pala. HAHAHA" hindi magkamayaw ang tawa ni Emerald.

"Anong wild Emerald?" takang tanong ko.

"Born to be Wild" tawang sagot nito. Bahagyang hinampas ni Janine si Emerald tsaka tumawa. Nag apir naman si Emerald tsaka si Lena habang humahagikgik. Ang gulo!

Akala ko naman yung pagkain ang tinutukoy niya. Paano naging Born to be Wild?

"Masarap naman talaga ang pagkain" sabi ko.

"Opo, sobrang sarap" segunda sa'kin ni Amanda.

"Nakakamatay ba sa sarap?" tanong ni Lena kay Amanda. Tumigil naman ito sa pag-inom ng buko. Tawang-tawa parin si Emerald at Janine, maluha-luha na ang mga ito dahil sa kakatawa.

"Uhm.. Nakakabusog sa sarap" sabi nito tsaka ngumiti pa ng matamis.

"Ay bet!" pumalakpak pa si Janine habang tumatawa.

"Yung akin din sobrang sarap, ang laki pa tas ang taba!" palatak ni Lena sabay tawa. Nagsitawanan muli si Emerald tsaka Janine.

"Tae ka, Lena HAHAHAHA" napapahawak pa si Janine sa tiyan habang hinahampas ni Emerald sa sobrang tawa.

"Tawang-tawa" sabi ni Lena.

"HAHAHA yung akin din kasi ang laki, parang braso!" si Janine habang humahagalpak parin.

"Yung sayo Em?" tawang tanong ni Lena. Tumango-tango si Emerald.

"Oo ang laki din, parang braso tas may hikaw pa." tawang sabi nito.

My Student, My Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now