Chapter 3

17.6K 325 3
                                    

Alas singko palang ng madaling araw ay gumising na ako, nagprito ako ng ham, tocino, itlog at longganisa. Gusto ko ang ganitong klase ng umagahan, I don't know why but I'm fond of it.

Pagkatapos ko magluto ay mabilis na akong naligo bago kumain. Nahagip ng mga mata ko ang pinto ng kwarto ni Havoc, kakatukin ko ba para yayaing kumain? Pero baka magsungit lamang iyon dahil maaga pa.

Umiling ako sa naisip at kumain na. Pagtapos ay bumaba na ako, pasado alas sais narin, pagkarating ko sa parking lot ay sumakay na ako sa aking kotse at pinaandar iyon patungong paaralan.

Pagkapasok ko ay may mga studyante naring mangilan-ilan since alas otso pa ang pasok ng mga ito.

"Good morning, Ms." napalingon ako sa nagsalita si Kristof iyon, ang 3rd year kong studyante mula Business ad.

"Good morning, Mr. Hans" bati ko, sumabay ito sa paglalakad sa akin sa may hallway.

"Akin na 'to, Ms." tukoy nito sa dala kong bag at libro. Sabi kong Ms. Ang itawag saakin dahil halos magkakaedaran lang din kami. May iba pa nga na mas matanda sa akin.

"Ako na Kristof" magaan kong tanggi.

"Sige na po Ms. Ang magagandang gaya niyo ay hindi dapat pinagbubuhat ng ganito" biro nito. Tumawa nalang ako at ipinaubaya nalang ang dala ko. Na agad ko ring pinagsisihan nang makita ko kung sino-sino ang nakatambay sa dulo ng hallway.

Bigla ay binundol ng kaba ang aking dibdib. Habang papalapit kami sa kinaroroonan nila ay lumalakas ang tibok niyon. Ang aga naman niya, akala ko ay tulog pa ito?

Napapikit ako 'ang bobo mo naman Serene!'

Iniwasan ko ang tumingin sa gawi niya dahil alam kung matalim na naman ang tingin sa akin.

"Good morning, Ms. Galvez" napapikit ako sa pagbating iyon ni Xane. Tumingin ako sa kaniya

"Good morning, Mr. Reyes" bati ko. Pilit kong iniiwas ang tingin kay Havoc na nakapamulsa at naksandal sa pader.

"Good morning din daw sabi ni Havoc, Ms. Galvez" tumingin ako kay Elijah na nakangising nakatingin sa akin. Sh*t! May alam ba ang mga ito? Malamang! Kaibigan lang namn ito ng aking asawa.

"U-uhmm good morning to everyone, I'll go ahead" mabilis kong kinuha ang libro at bag kong dala ni kristof bago naglakad na papunta sa aking opisina. Mag-isa lang ako rito, hindi ko alam kung bakit pero hindi nalang ako nagtanong.

Inayos ko ang sarili ko at naghanda na sa unang klase. Lalabas na sana ako nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Havoc na matalim ang tingin sa akin.

Bigla ay binudol ng kaba ang aking dibdib, nahigpit ang kapit ko sa aking bag nang pumasok ito. Napaatras ako dahil sa paglapit niya.

"W-what are you doing here Mr. Fajardo?" nauutal kong tanong habang paatras parin.

"What do you think, Serene?" mapanganib na tanong nito. Dumako ang aking mga mata sa magulo nitong buhok at bahagyang bukas na botones sa uniform sa bandang dibdib nito. Sh*t! Ang gwapo talaga!

"I asked you, didn't I?" hindi ko alam kung saan ko hinugot ang tapang ko na iyon.

Napatukod ang mga kamay ko sa mesa nang wala na akong maatrasan.

"M-may klase pa ako, Mr. Fajardo" nauutal kong sabi nang hapitin nito ang aking baywang. Nahulog ang aking bag at librong dala dahil sa bahagyang pagtulak ko sa matigas niyang dibdib.

Napapikit ako nang maamoy ko ang kaniyang pabango. Dahan-dahang hinaplos nito ang aking tagiliran, nagbibigay ng kiliti iyon sa akin katawan.

Ano ba ang nangyayare sa lalaking ito? Bakit lapit siya ng lapit sa akin? Ngayon ay nakayapos at hinahalikan na niya ako gayong ni pagtingin nga sa akin noon ay hindi niya magawa.

My Student, My Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now