Chapter 1

32.5K 463 15
                                    


"Kyahh! Lance baby, buntisin mo ako!!!!!"

"Waytt! Akin ka nalang!"

"Xane babe, panagutan mo ako!!!"

"Jett!! Ang gwapo mo!"

"F*ck me Elijah!!"

Sunod-sunod ang sigawan at hiyawan sa loob ng classroom ng pumasok ang grupo ng mga lalaking ito.

Tumingin ako kay Havoc na malamig ang tingin sa akin habang ang mga kaibigan niya ay nakangisi lang dahil sa mga papuri at tiling natatanggap. Late na naman sila! Ano bang pinaggagagawa ng mga batang ito?

"Easy girls, naiingayan si Ms. Galvez" maangas na sabi ni Xane, ang pinaka pilyo sa kanilang magkakaibigan.

Pinaseryoso ko ang aking mukha.

"You are late again" parang striktong sabi ko bago tumayo sa pagkakaupo.

Nagsiupuan ang mga lalaking sa likod at hindi ako pinansin. Panbihira!  Tumaas ang akin kilay nang makita kong nagsilapit ang mga kababaihan sa harap ni Havoc. Hello, may klase kaya ako!

"Sit properly class" ito ang problema kapag halos magkakaedad lang kayo ng mga studyante mo e. Hindi ka nila gagalangin, at minsan kapag nakikipagbituan ka sa kanila ay iisipin nilang kaibigan ka na nila. Nawawalang kabuluhan ang relasyon niyo bilang guro at studyante.

"Why are you late Mr. Cruz?" tanong ko kay Jett na sa tingin ko ay pinakamatino sa magkakaibigan.

Bigla ay parang gusto kong bawiin ang tanong ko nang dumako ang tingin ko kay Havoc. Masama ang ipinupukol nitong tingin nito sa akin. Nakakapangtaas balahibo!

"Woah.. Inosente ako Ms. Galvez" sabi nito at nagtaas pa ng dalawang kamay na animoy sumusuko.

"Hindi pweding lagi nalang kayong late" nilakasan ko na ang aking loob kahit masama ang tingin sakin nung isa.

"Just f*cking continue your discussion" napalunot ako nang magsalita si Havoc. Ang komosiyon ng iba ay natigil dahil sa lamig ng boses nito.

Kahit napipilitan ay ipinagpatuloy ko nalang ang pagtuturo. Napaka dominante talaga ng boses nito, isang salita lang ay napapasunod ni Havoc lahat ng gusto niyang pasunurin, kasama na ako doon!

"CLASS dismissed" kahit naman papaano ay may nakinig. Liban sa grupo ng aking asawa na nakikipaglandian lang sa mga babaeng ka-klase ng mga ito!

Graduating na ang mga ito! For pete's sake! Kung pwede ko lang bigyan ng singko ay gagawin ko kaso ay hindi pwede. Obvious naman na mayayaman ang mga ito, malalaki ang shares ng mga ito sa University kaya kahit mga tarantado ay nakakapasa parin.

"Fix yourself, we will visit Grandpa" bigla akong napaiktad sa boses na iyon. Lumingon ako at nakita kong si Havoc iyon, nakapamulsa at gwapong-gwapong nakatingin sa akin. Pero malamig iyon at parang sinusuri ako.

Mabilis akong tumayo at inayos ang aking buhok. "M-mauna kana" sabi ko sa kaniya, tumingin lang ito ng malamig. Alam niya kasing ayaw ko ng may nakakakitang magkasama kami, mahal ko pa ang trabaho ko!

Kahit naman nagsasama kami sa iisang bubong ay hindi ako umaasa sa yaman nito. Binabayaran ko lang ang utang na loob ko sa lolo nito. Ulila na akong lubos, inampon at pinag-aral ako ni Don Leo Fajardo, ang lolo ni Havoc. Hiningi nitong pakasalan ko ang kaniyang apo, hindi ako makatanggi dahil sa utang na loob kaya pumayag narin ako.

"Tss" iyon lang ang sabi nito bago nauna nang umalis. Huminga ako ng malalim bago ko kinuha ang bag ko at lumabas narin sa silid aralan.

Alas sais na ng hapon kaya nagsisiuwian narin ang mga studyante. Pagkalabas ko sa University ay pumunta ako sa nakaparadang Ferrari na sasakyan ni Havoc. Luminga-linga pa ako para masiguradong walang makakakita sa akin. Nang masiguro kong wala ay agad na akong pumasok.

Tahimik lang ako habang nakaupo sa driver seat ng magsalita ito "Do you have crush on Jett?" malamig ang boses nito na parang galit.

"W-wala" napapikit ako, lagi nalang akong nauutal pag kinakausap ko siya. Nakakahiya!

"Really? Then why you keep asking him whenever we're late?" nakangisi nitong tanong habang minamaniobra ang sasakyan.

Nagyuko ako ng ulo. "Kasi siya lang ang matinong kausap" mahinang turan ko. Ayukong tignan ang kaniyang gwapong mukha dahil sigurado akong galit na naman ito sa akin.

Lagi naman ganito si Havoc, kada salita ko ay nagagalit ito, laging nakaarko ang kilay na parang sinusungitan ako. Laging malamig ang titig sa akin. Hindi ko maintindihan kong bakit.

Pero baka siguro'y dahil pinilit siya ng kaniyang lolo na pakasalan ako. Baka ayaw niya sa akin kaya siya galit na galit. Malamang! Napilitan din kasi itong hiwalayan ang kasalukuyan nitong nobya dahil sabi ni Don Leo ay maging mabuting asawa raw ito sa akin.. Pero hindi naman! Napaka bossy!

"Do I look like joke to you then?" napakagat ako ng labi. 'Paano e lagi mo akong sinusungitan!' gusto kong sabihin sa kaniya. Pero 'wag na at baka iwan niya ako dito sa gitna ng highway.

"I'm talking to you Serene" dominanteng sabi nito, bakas sa boses ang pagkainis. Huminga ako ng malalim para iwaksi ang kabang nararamdaman ko.

Isang taon ang tanda ko sa kaniya pero kung makapag Serene akala mo'y limang taon ang tanda sa akin! Isa pa ay Teacher niya ako dapat ay hindi ako nito kinakausap sa ganitong tono!

Lumingon ako sa kaniya para sana magsalita "S-sorry" umurong ang dila ko nang makita ang lamig ng mga mata nito.

Napakagat ako ng labi para pigilan ang luha ko dahil sa inaakto niya sa akin. Nah! Magpasalamat nalang ako at hindi niya ako sinasaktan ng pisikal.

My Student, My Husband (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon