Chapter 19

10.3K 195 3
                                    

Nagising ako nang pakiramdam ko ay parang lumulutang ako sa ere. Agad kong minulat ang aking mga mata, nakita ko si Liam na buhat pala ako.

"Liam.." bulong ko dito.

"Continue your sleep" bulong nito.

"Saan tayo?" tanong ko sa kaniya.

"Sa bahay" sabi nito, pumikit nalang din ako tsaka pinagpatuloy ang pagtulog habang bihat niya. Pero hindi na ako makatulog kaya nung ilapag ako ni Liam sa sofa nang malaking bahay nila ay agad akong umupo.

"May gusto ka bang kainin?" tanong nito sa'kin.

Umiling ako "Tubig nalang Liam, thank you" mabilis itong tumango tsaka tumayo. Ako naman ay tinignan ang aking selpon kung anong oras na. Pagtingin ko sa screen ay tadtad ako ng tawag at text galing kay Havoc.

Huminga ako ng malalim, nati-tempt akong buksan ang mga messages niya. Kahit naman masakit yung nagawa niya kanina ay gusto ko parin malaman kung bakit niya ako sinaktan at sinabihang mahal kahit hindi naman pala.

Binuksan ko ang messages niya.

'F*ck Serene, where the hell are you?!'

'Baby.. Let me explain please..'

'It was not like you think, please Serene.. Where are you? Dang it! Mom planned that all, I did not know about it'

'Serene.. You're making me insane baby.. I'm going to check the CCTV. You making worried sick!'

Napapikit ako nang mabasa ang mga message niya, isama pa ang 38 missed call. Tinuloy ko ang pagbabasa, 30 mins narin ang nakakalipas sa mga messages niya.

'F*ck Serene! Why the h*ck you are with that Herara?! Did you just f*cking let him to touch you? Tang-ina naman Serene, nagpabuhat kapa'

Napalunot ako sa huling message na nabasa ko kay Havoc. Siya pa ang galit? Wala naman akong ginagawang masama, ngayon siya pa ang galit?

Tsk, wala namang bago Havoc Lance. Magseselos ka na akala mo mahal na mahal mo ako gayong hindi naman pala.

"Here's your water" bumalik ang aking wisyo nang magsalita si Liam. Kinuha ko iyong basong may lamang tubig tsaka nilagok ng diretsyo.

"Are you sure you don't want to eat? I bet you didn't eat at the party" bumuntong hininga ako tsaka umiling. Buti nalang nakita ako ni Liam, kung hindi ay baka hindi ko na alam ang gagawin ko.

"It's already 10, dito ka nalang sa bahay matulog. Wala sila mama ngayon, si Nana Ema naman ay maagang natutulog. Come, i'll show you the guest room" mahabang lintanya nito saka ako inalalayang tumayo.

"Thank you Liam, kung wala ka ay baka hindi ko na alam kung saan ako pupunta" mahinang sabi ko sa kaniya habang paakyat kami sa hagdan ng malaking bahay.

"I'm always here for you Serene, alam mo 'yan. I'm just one call away" nakangiti nitong sabi. Nahabag naman ako sa sinabi niya at the same time ay na-guilty. Liam is a good friend of mine. Hindi ko lang siya masyadong pinapansin sa Azet dahil baka iba ang sabihin ng mga studyante.. Pati narin ni Havoc.

Tumango ako at tipid na ngumiti sa kaniya. Pagkarating namin sa isang pintuan ng kwarto ay agad niya iyong binuksan. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko o dapat bang umuwi nalang ako sa unit ni Havoc para magkausap kami.

Pumasok kami sa kwarto. Maganda naman iyon, malawak ang kama at halatang malambot. Bigla ay parang gusto ko nalang matulog kaya hindi ko namalayang naglakad na pala ako papunta doon tsaka nahiga.

My Student, My Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now