Chapter 29

10.1K 175 7
                                    


Verron's POV

"Ano ba Verron!" mangiyak-ngiyak si Hannah dahil sa paulit-ulit na pag sampal ko sa kaniya. Nanggigigil ako dahil sa katangahan nito.

"Akala ko ba aalis na ang babaeng iyon!" sigaw ko sa sa mukha ni Hannah, umiiyak ito habang hawak ang nananakit na pisngi dahil sa pag sampal ko. Well.. I don't care!

Habang ang dalawa pang kasama namin na si Aubrey at Diana ay nahihintakutan dahil sa galit na nakikita nila sa akin.

Tama! Mahintakutan kayo dahil kaya ko kayong sirahin lahat!

"Sinabi ko na nga na buntis ka, kahit tanungin mo pa si Aubrey" nanginginig ang boses nito habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Mabilis ko silang pinatawag matapos akong iwan ni Lance. Sh*t na lalaking iyon. Mahal na mahal ko siya pero ginagamit lang niya ako! 

Dahil sa babaeng iyon ay hiniwalayan ako ni Lance. Alam ko no'n pa pinakasalan niya ang gold digger na iyon matapos niyang makipag hiwalay sa akin.

Matapos kong makuha ang atensyo niya ay kinuha naman agad ng babaeng iyon!

Matapos kong magpakatanga sa kaniya ay iniwan lang niya ako. P'wes, hindi ako papayag! Hindi ako papayag na maging masaya sila.

"O-oo Verron sinabi 'yon ni H-hannah" nauutal na sabi nito. Umirap ako.

"Tawagin niyo nga siya" pabalang na sabi ko, hindi naman nagkandaugaga ang mga ito at tinawag ang lalaking kailangan ko.

Ilang sandali pa pumasok muli sila dito sa girls locker room dala ang kailangan ko.

Malaki ang ngisi nito habang papalapit sa akin. Nakasuksok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pants nito.

"Kailan kaba kikilos?" naiinip na tanong ko dito. Mala demonyo naman itong tumawa.

"I didn't like what you did a while ago" ngisi nito. Umirap ako nang papalapit siya sa akin.

"She pushed me to do it, she asked for it, she deserved it!" f*ck that Serene, I will never spare her next time!

Lumapit ito na may ngisi parin sa labi, mapanganib iyon at nakakapanginig ng tuhod. Akma niya akong sasampalin nang pumikit ako ng mariin.

Hinintay ko ang sakit na dala ng kaniyang palad pero naramdaman ko nalang ang marahan nitong paghaplos sa aking pisngi kasabay ng pagtawa nito ng malakas. Parang nasisiyahan sa nakikita niyang takot sa akin, tumingin ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.

F*ck this man! I thought I was the craziest, I never knew that he's capable of this! He's a dangerous wolf hiding in a white sheep suit!

"Stop being stubborn and don't hurt her again.. You wouldn't like me to be angry" sabi nito habang hinahaplos ang pisngi ko.

Napalunok ako tsaka tumango. "Make sure na mapupunta sa'kin si Lance" that's all I want. Though Lance never loved me, still.. I onwed him. He's mine and mine alone.

Humalakhak ito tsaka tumango ng paulit-ulit. "Sure.. Just don't f*cking let this filthy hands touch what's mine. Cooperate and this will be our win win situation" sabi nito tsaka umalis habang tumatawa.

I glared at him. Just make sure.. Just make sure Liam so we won't be screwed.

Serene's POV

Pagkatapos ng klase ay agad na akong umuwi, hindi ko na hinintay pa si Havoc dahil alam ko namang may pupuntahan iyon kasama sila Jett.

Nagsabay kami ni Janine dahil wala akong dalang sasakayan.

"Are you sure you're okay?" tanong ni Janine pagtapos ako nitong ihatid sa condo unit ni Havoc. Maliit akong ngumiti tsaka tumango.

"Nandito lang kami 'pag kailangan mo ng tulong" ngumuti ako sa kaniya tsaka yumakap pabalik. Mabilis kong pinahid ang luhang naglandas sa aking pisngi para hindi niya makita iyon. Yumuko pa ako.

"Okay then, take good care yourself" bilin pa nito. What i'm facing right now is the serious Janine. She never talked about Havoc and Verron, hindi niya siniraan si Havoc gaya ng mga sinasabi niya kay Amanda tungkol kay Xane.

But good thing that none of them mentioned about what happened not far ago. Pakiramdam ko ay sasabog na ako sa sakit pag nagkataon.

Nagpaalam na si Janine at pumasok na ako sa loob. Pagpasok ko palang ay nakaramdam na ako ng pangungulila. Dahan-dahan akong sumandal sa likod ng pinto nang maramdaman kong muli 'yong sakit na gabi-gabi ko nalang nararamdaman.

Umupo ako at niyakap ang aking mga tuhod habang pinagmamasdan ang buong kabahayan. Sobrang sakit Havoc Lance.. Sa tuwing papasok ako sa bahay na 'to ay naalala ko lahat ng mga masasayang pinagsamahan natin.

Ang unang mong pag-iyak, iyong mga paglalambing mo kapag hindi kita pinapansin, iyong pagluluto mo sa'kin ng breakfast at dinner. Iyong simple nating movie marathon.. Iyong paghalik mo sa'king sa labi at noo. Iyong paglingkis mo sa'kin na parang ayaw mong mawaglit ako sa iyon.

Lahat ng iyon ay tumatakbo sa isip ko, hindi mawaglit at nagdudulot ng sakit sa aking puso.

Ginagawa mo rin ba ito kay Verron? Kapag ginagabi ka ng uwi at lasing, kay Verron kaba galing? Siya naba ang pinagluluto mo ng dinner?

Pumikit ako at mahinang humikbi. Lahat ng iyon ay gusto kong itanong kay Havoc. Pero sino ba ang niloloko? Ni wala nga siya dito, ni hindi manlang niya ako tinanong kung ano iyong pinagsasasabi ni Verron sa akin kanina.

Nagtagal pa ang pag-iyak ko doon sa likod ng pinto bago ako tumayo at humiga sa malaking sofa. Hinaplos ko ang malambot na trow pillow, lintik na luha, ba't hindi ka masaid-said?

Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako ngayong araw kaya hinayaan ko lang ang aking mga mata sa pagpikit at nagpahila sa antok. Paggising ko ay nakaramdam ako ng kamay na masuyong humahalpos sa aking pisngi.

Sumalubong sa akin ang matiim na titig ni Havoc. Pinagmasdan ko siyang mabuti, mapula ang mga labi nito, walang mababakas na reaksyon sa kaniyang mukha at amoy alak siya.

Ramdam ko pagpunas niya sa aking pisngi. Napakagat ako sa labi habang tumutulo ang aking mga luha. Wala parin siyang ekspresyon pero dahan-dahan nitong hinahaplos ang aking labi, nakatingin lang siya do'n.

"Havoc.." tawag ko dito, kita ko ang pagdilim sa kaniyang mukha nang dumako ang kamay nito sa aking buhok. Pinaglaruan niya iyon at dahan-dahan na sinusuklay gamit ang mga daliri.

Dumakong muli ang palad nito sa akin braso at mabining humahaplos iyon doon papunta sa aking kamay. Tahimik lang siya, nasasaktan ang puso ko dahil sa pananahimik niya pero maayos na iyon kasi umuwi siya. Nandito siya, ibig sabihin ay hindi sila magkasama ni Verron. Masaya na ako do'n.

Tahimik ko siyang pinagmasdan ng unti-unti niyang hinalikan ang likod ng aking palad. Napapikit ako at ninamnam iyon. Babalik naba siya? Hindi naba siya galit?

Kinuha nito ang aking kamay tsaka ipinahawak sa kaniyang mukha. Pinadausdos ko ang aking hintuturo sa kaniyang pisngi habang lumuluha. Miss na miss ko na siya, mahal na mahal kita Havoc Lance.. Pero nasasaktan ako dahil sa ginagawa mo. Nanunuot yung sakit. Nakakalunod.

"Lasing ka na naman.." mahinang sabi ko habang titig na titig sa kaniya. Hinalikan muli nito ang aking palad habang hindi tinatanggal ang seryoso nitong tingin sa akin.

"Stop crying baby" ang hikbing kanina ko pa pinipigilan ay lumabas dahil sa sinabi niyang iyon. How I missed his voice.. His endearment..

Hindi ako gumalaw, maski siya ay hindi rin. Napakasimpling salita na lumabas sa bibig niya ay nagpapawi ng pait na nararamdaman ko.

Naramdaman kong muli ang kaniyang kamay na pinunasan ang aking luha. Kita ko ang paglambot ng kaniyang mukha.

"C-can I hug you?" tanong ko pero hindi ito sumagot at binuhat ako. Agad akong sumubsob sa kaniyang dibdib at inamoy iyon. Binuksan niya ang pinto ng kaniyang kwarto tsaka ako pinahiga sa kaniyang kama.

My Student, My Husband (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon