Chapter 27

10K 193 5
                                    

"You're such a rare to find Ms. Galvez" iling-iling nitong sabi. Napakibit balikat nalang din ako.

Pagdating namin sa principal's office ay nando'n na ang mga ibang guro, mga handa na sa pagalis.

"You look good ma'am Serene" bungad sa'kin ni Sir Sebastian. Namula ang aking mga pisngi, ito iyong kapatid ni Emerald. Kaga-graduate lang din bilang doctor.  Nagtuturo ito sa mga med students.

"Thank you" ngiting sabi ko. Bakit ngaba hindi nalang ito ang sinagot ni Amanda kung nanligaw ito sa kaniya?

Nagsusumigaw ang pagkama-awtoridad ng awra nito, pero napakagandang lalake halatang may lahi. Gayon din naman si Emerald kaya hindi na ako magtataka.

Napagpasyahan ng mga guro na umalis na, pinili nila ang isang Italian restaurant.

Napatingin muli ako kay Sir Sebastian ng tumabi ito ng upo sa akin.

"Eherm" tawag pansin nito.

"I heard you are friend of my sister and Amanda" pagsisimula ng usapan nito.

"Hmm.. Yes, why?" takang tanong ko at sinimulan ng sumubo.

"How's Amanda?" diretsyong tanong nito.

Napangiti ako "Why don't you talk to her?" balik tanong ko. Mahina itong tumawa  dahilan para lumabas ang perfect white teeth nito. Napakalinis niyang tignan.

"She doesn't talk to me" naiiling nitong sabi habang pinaglalaruan ang pagkain.

"Ohh I remember. My sister ask me to take a picture with you" kapagkuwan ay sabi nito tsaka hinugot ang selpon at bigla nalang iyon itinaas tsaka kumuha ng larawan.

"Shocks, I looked ugly there" natatawang sabi ko. Nakasubo pa kasi sa bunganga ko iyong kutsara.

"No, you looked cute" sabi nito tsaka may pinindot sa selpon nito at isinend kay Emerald. Ano naman ang pakulo ng babaeng iyon?

"One more" sabi uli nito tsaka kumuha muli ng larawan. Ngayon ay handa na siya kaya ngumiti siya ng pagkatamis-tamis para ipakita ang magnda niyang biloy.

"F*ck! You looked gorgeous, i'm keeping it" mabilis na itinago nito ang selpon sa bulsa, nagkibit balikat nalang ako at nag patuloy muli sa pagkain.

Naging masaya naman ang pagkain namin, namasyal din kami sa mall at nag kaayayaang mag sine. Para naman kaming mga teen ager, pero nakakatuwa ring mag relax. Nakatatlong sine kami, kasama sila Ma'am Win, Jera, Gretchen at Sir Jerome, Sebastian at Sir London.

Tinignan ko ang oras nang papalabas na kami sa sinehan. Sh*t! Alas otso na ng gabi? Ba't ang bilis naman?

Pinilit kong itago ang kaba sa aking dibdib ng maisip ko ang galit na mukha ni Havoc. Ayaw pang umuwi ng iba pero ako ay gusto na.

Sumama sa'kin si Sir Sebastian at nagpaiwan naman ang iba.

"I didn't think that you are easy to get along with" napatingin ako kay Sebastian habang namamaneho, nakangiti itong nakatingin sa daan.

Nagprisinta itong ihatid ako at sinabing iwan ko nalang ang aking sasakyan. Pumayag naman ako dahil sa mapilit siya.

"If you're just using me to know Amanda more, please, spare me Sebastian. It's not gonna work on me"

"Darn.." natatawang mura nito habang naiiling.

"I really like Amanda. Why don't she like me?" nagtatakang tanong nito.

"Why don't you talk to her?" suhestiyon ko.

"Ea? I did, pero binasted niya ako."

"You seriously courted her?" natatawang tanong ko at tumango naman ito.

Napailing nalang ako. Mukhang mahal na mahal talaga ni Amanda iyong pakboi na kaibigan din ng pakboi kong asawa.

Lumipas ang ilang sandali at usap lang kami ng usap. Hindi ko narin namalayan na nakarating na pala kami sa condo. Mabilis akong lumabas at nagpasalamat sa kaniya.

Tinignan ko ang aking relo sa pulso at nakitang alas diyes na pala ng gabi! Sobrang traffic kasi kanina. Sh*t!

Mabilis kong binuksan ang pinto ng condo unit pero nagulat ako ng madilim sa loob.

Biglang sumikdo ang kakaibang kaba sa dibdib ko. Wala paba si Havoc? Late na naman ba ito ng uwi? Nakay Verron na naman ba ito?

Dahil sa naisip ay walang gana akong naglakad papunta sa sofa ng hindi binubuksan ang ilaw.

"So you're home?" napaiktad ako sa lamig ng boses na iyon. Tumingin ako sa kitchen at naaninag ko iyong pigura ni Havoc na nakaupo sa counter table.

Napalunok ako tsaka dahan-dahang binuksan ang ilaw para makita ko siya.

Napakagat ako ng labi nang makitang nakatihaya ng upo ito habang hawak-hawak ang isang baso na sa hinuha ko ay alak ang laman niyon.

"Umuwi kapa?" malamig na tanong nito. Huminga ako ng malalim tsaka lakas loob na naglakad papasok sa aking silid.

Alas diyes palang naman. Siya nga ay ala una ng madaling araw! Tinanong ko ba siya? Nanghingi ba ako ng paliwanag? Hindi naman diba? Kaya bahala siya diyan.

"I'm talking to you Serene!" napaiktad ako sa lakas ng pagbagsak ng basong hawak nito sa sahig.

Nanginginig ang aking kamay na binitawan ang seradora at dahan-dahan na tumingin sa kaniya.

"W-wala akong ginagawang masama Havoc Lance" napapikit ako ng bahagya pang nanginig ang aking boses. Sh*t!

Ngumisi ito at tumongga ng alak sa bote habang matalim na nakatingin sa akin.

"Defensive huh?" mapang-uyam na sabi nito. Napapikit ako at nilakasan ang aking loob.

"I'm tired" bagot na sabi ko pero takot akong pumasok sa loob ng aking silid.

"You're f*cking tired because you flirted all day with that Gonzalo and Tauzon!" umalingawngaw ang galit na boses nito sa loob ng kabahayan.

Wow! Just wow! Flirted? Talaga? Ako pa ang nakikipag landian? Ang lakas talaga ng apog ng lalakeng ito.

"Think what you want to think, I don't care" walang ganang sabi ko sa kaniya.

"What?! You don't f*cking care? Yes you don't because it's true! You didn't even answer my calls and texts. Huh! You even turned off your f*cking phone so I couldn't contact you!" tumayo ito at lumapit sa akin. Mabilis niyang hinablot ang aking kamay pero iwinaksi ko rin iyon kaagad. Napaluha ako dahil sa sama ng tingin niya sa akin.

"Why are you nagging?! Mahirap ba ang maghintay? nahirapan kaba sa kakaisip kung nasaan ako? Anong pakiramdam Havoc Lance?! Mabuti nga't inuwian pa kita!" hindi ko maiwasang maluha dahil sa sama ng loob habang isinisigaw ko iyon sa kaniya.

Pero siya ay hindi manlang natinag, ni hindi manlang nagbago ang ekspresyon nito.

"Tss" bagot na singhal nito tsaka ako binitawan at bumalik sa pagkakaupo bago muling uminom ng alak.

Kinuha ko naman iyon bilang pagkakataon na pumasok na sa aking silid. Mabilis akong sumampa sa kama bago umiyak ng umiyak.

Hindi ko kinaya ang trato nito sa akin. Sobrang sakit. Parang naghihintay nalang siya ng pagkakamali ko para iwan niya ako. Ni hindi manlang niya ako sinuyo o inalo sa pag-iyak ko.

Iniyak ko lang ang sama ng loob ko. Naririnig ko pa ang ilang pagkabasag ng bagay sa labas ng kwarto.

Hindi ko mapigilang mag-alala dahil nagwawala siya sa labas ng aking silid at naririnig ko iyon.

Pumikit ang aking mga mata tsaka lumapit sa pintuan at umupo do'n. Napaluha ako ng marinig kong muli ang paulit-ulit na pagkabasag ng bagay sa kusina.

Ano bang ginagawa mo Havoc? Bakit ka umaakto ng ganiyan? Na para bagang ako pa ang nangalunya sa ating dalawa.

Dahan-dahan ang pagyakap ko sa aking mga tuhod at mahinang humihikbi habang paulit-ulit kong naririnig ang malutong niyang mura.

My Student, My Husband (Under Editing)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα