Chapter 39

9.7K 160 2
                                    


Napatingin ako sa aking selpon nang tumunog iyon. Mabilis ko itong binuksan sa pag aakalang text iyon ni Havoc. Pero nagulat ako ng si Liam pala iyon.

Noon pa man ay alam na niya ang number ko pero hindi naman ito nagti-text ng madalas. Tinatanong nito kung maari daw ba kaming magkita.

Tinignan ko iyong orasan, alas quatro na ng hapon pero wala parin si Havoc. Baka pwede kaming magkita kahit sa labas lang ng building sa cafe malapit dito.

Mabilis akong nagbihis ng simpling damit tsaka lumabas na. Pagkalabas ko sa building ay nakita ko si Liam na nakahalukipkip. Malalim ang mga mata nito na nakatitig sa akin.

Umawang ang aking labi, pilit na pinipigilan ang aking pagkaasiwa. "Hi Liam" bati ko rito ng makalapit ako. Ngumisi ito sa akin bago hinawakan ang aking braso para hilain sa kung saan.

"Can we have a dinner in my house?" Hinaklit ko pabalik yung kamay ko sa kaniya.

"Uhm.. Akala ko sa cafe lang?" Nagaalangang tanong ko. Naalala ko iyong picture na dahilan kong bakit kami nag kaaway ni Havoc.

Paanong mangyayari iyon gayong hindi naman talaga ako nakipaghalikan sa kaniya? Paano nagkaroon ng picture na ganoon si Havoc kung walang kumuha? At bakit niya ako hahalikan ng gano'n? 

Pero kilala ko si Liam, hindi naman niya gagawin iyon. Mabait siya at magkaibigan kami.

"Pagbigyan mo na ako Serene, ngayon lang naman" malalim na sabi nito. Alanganing tumango ako.

"Pero mag papaalam lang ako kay Havoc" sabi ko, tsaka inilabas iyong selpon ko. Alam ko namang hindi na lingid sa kaniya yung relasyon namin ni Havoc. Akma ko na sanang tatawagan ang aking asawa ng biglang agawin ni Liam iyong selpon ko.

Napatingin ako sa kaniya ng naguguluhan. "Halika na, mabilis lang naman" hindi pa ako nakakapagsalita ng malakas ako nitong hilahim papunta sa nakaparada niyang sasakyan.

"Liam masakit" binawi ko yung kamay ko. Napadiin kasi ang pagkakahawak nito sa akin. Naguguluhan ako kay Liam, bakit siya umaakto ng ganito.

"May problema kaba Liam?" Tanong ko  habang hinahaplos ang aking pulso. Nagsimulang umandar iyong kotse niya palayo sa condo.

Hindi nagsalita si Liam at nakatutok lang ang tingin sa daan. Napansin kong pumayat ata si Liam, may mga balbas na siyang patubo tsaka malalalim ang mga mata.

"Liam."

"It's just our company Serene, someone pulled out our investors. I really don't know what to do anymore. I just wanna get even to that bastard" napalunok ako, bakit parang kinakabahan ako sa tono niya?

"Si-sino ba 'yon?" tanong ko. Kita ko ang pagngisi niya.

"Someone you don't know" makahulugang sabi nito. Napapikit ako tsaka tumango kahit napipilitan.

Hinanap ko iyong selpon ko para sana magpaalam kay Havoc, siguradong mag-aalala iyon. Mag aalburoto na naman na parang bulkan. Kakaiba pa naman iyon magalit.

"Liam, yung cellphone ko" mahinang sabi ko nang matantong hawak parin pala niya iyon.

Hindi siya lumingon pero inabot na niya sa akin yung selpon ko. Kinuha ko iyon tsaka mabilis na nag text kay Havoc na inaya ako ni Liam mag dinner sa bahay nito. Sinabi ko ring sunduin niya ako ng mabilis kasi gusto ko na siyang makita. Kahit pangit na pangit ako sa kaniya, mahal na mahal ko parin naman siya.

Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay kinakapusan ako ng hangin. Pakiramdam ko rin ay inaaantok ako. Tumingin ako kay Liam nang hindi ko na talaga kaya. Nakita ko lang ang maliit niyang ngisi bago ako tuluyang nawalan ng ulirat.

Havoc's POV

"Dang it Xane! We're in the south, you should done it well. Fvck that Herera, I'll kill him!" Humigpit ang kapit ko sa monibela habang mabilis ang paharurot ko sa kotse.

It's been an hour since her last message, I didn't get the chance to read it because I lost my phone. It was stupid of me not until I found out that it was Verron's snakes who hide it.

D.mn! I shouldn't left her alone, she knew nothing about how wicked Herera is. I'll never forgive myself if something will happen to her.

"Sh.t!" I curse in thousand times around.

"Relax pare, mapalit na tayo" Elijah's voice just like an air. I don't give a d.mn!

"Paniguradong gumanti iyon sa ginawa mo" Xane reasoned out in the other line. Waytt was holding my phone, Jett was texting his girl who's dealing Verron, While Elijah keeps on calming the hell out of me.

"Tang-ina, mapapatay ko siya pag may ginawa siyang masama sa asawa ko." I held my breathe as we enter in the subdivision. Mabilis kong pinarada iyong sasakyan sa kalsada at agad na lumabas sa kotse. The fvcking house wasn't locked! The lights was on.

D.mn you Herera!

Serene's POV

Nagising ako na masakit ang aking katawan. Napamulat ako dahil sa kalabog na narinig ko mula sa labas ng kwarto? Kinapa ko ang aking katawan kung may masakit ba pero wala naman.

Umupo ako tsaka inilibot ang aking paningin. Nasa isang silid ako na malinis at walang kagamit-gamit liban sa kamang kinauupuan ko. Niyakap ko ang aking tuhog dahil sa tindi ng takot.

Si Liam ba ang may gawa nito? Siya ang huling kasama ko nang mahilo ako. Bakit niya nagawa ito? Bakit ako nandito?

Marahas akong napahinga ng tumunog ang seradora ng pintuan bago iyong bumukas. Iniluwa niyon ang may ngisi sa labing si Liam.

"A-anong ibig sabihin nito Liam?" Nanginginig na tanong ko. Tumingin ito sa akin na may bahid ng pag-aalala? Ang lakas ng loob nitong mag alala gayong siya naman ang may kagagawan nito!

"Ano Liam?" Tanong ko muli, lumapit ito ng dahan-dahan sa akin pero agad akong sumiksik sa head board ng kama.

"Serene" mapangalib nitong tawag sa pangalan ko. Umupo ito sa kama malapit sa pwesto ko tsaka marahang hinaplos ang aking paa.

"Ano bang nangyayari sayo Liam? Anong ibig sabihin nito?" Pilit kong pinapakalma ang sarili ko para makita niyang hindi ako nasisindak sa kaniya. Bigla ay naalala ko iyong picture na ibinigay ng kung sino kay Havoc. Marahil siya ang may kagagawan no'n!

"Ano bang meron siya na wala ako?" Mahinang bulong nito habang pinapadausdos yung daliri niya sa paa ko papunta sa aking binti.

"A-ano bang pinagsasabi mo?"

"Tsk, 'wag ka ng mag maang-maangan. You know what i'm talking about" ngumisi ito tsaka pinagpatuloy ang ginagawa. Wala na akong maatrasan kaya ipinikit ko na lamang ang pandidiri sa mga haplos niya.

"Havoc.." Mahinang usal ko nang umakyat ang haplos niya sa aking hita!

Para namang bombang sumabog ang itsura ni Liam dahil sa binigkas ko. "what the fvck!" Sigaw nito sa akin bago hinawakan ng marahas ang aking mga pisngi gamit ang isa niyang kamay.

"What did you say Serene? Sino ang tinawag mo?" matalim na tanong nito. Hindi ko maiwasang mapaluha dahil sa sakit ng pagkakahawak niya sa pisngi ko. Parang bumaon ang mga daliri niya doon.

"Dahil sa lalaking 'yon, bumagsak ang kompanya namin!" Sigaw nito sa mukha ko. Napapikit ako sa takot ko sa kaniya.

"Kinuha niya ang lahat ng sa'kin Serene! Unang-una ay ikaw! Kinuha ka niya sa'kin!" Napamulat ako sa sigaw niyang iyon. Hindi niya nilulubayan iyong marahas na pagpisil niya sa pisngi ko.

My Student, My Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now