Chapter 15

12.4K 230 9
                                    

Napatingin ako kay Havoc habang nagmamaneho papuntang Azet. Kakauwi lang namin kahapon galing Batangas. Our stay in resort was underrated. Unexplainable feeling.

Napangiti ako, noon ay hindi kami nagsasabay ni Havoc papuntang University pero ngayon ay halos kaladkarin na niya ako pasakay sa kotse niya.

Hawak ni Havoc ang aking kamay at panaka-nakang hinahalikan.

"Mauna kana" sabi ko sa kaniya pagkarating namin sa parking lot ng unibersidad. Tumingin ito sa akin, seryoso at naninimbang.

Napabuntong hininga ako "Please.." pakiusap ko sa kaniya. Alam ko kasing gusto niya kaming magkasabay, pero hindi kasi pwede.

"Okay, just don't do unnecessary things" ngali-ngali akong mapairap sa unnecessary things na sinasabi niya. Ibig niyang sabihin ay 'wag daw ako lalapit sa ibang lalake, special mention pa si Sir Jerome, Kristof, tsaka si Liam Herera na pinagseselosan niya ng todo.

Hindi naman nagpapakita ng pagkagusto iyong si Mr. Herera sa akin, studyante ko siya, isang Electrical Engineering. Si Havoc kasi ay Civil Engineering.

Tumango nalang ako sa sinabi niya, takot ko lang na kontrahin siya 'no. Humawak ito sa aking pisngi tsaka dumukwang at hinalikan ako, mabilis naman akong tumugon sa kaniyang matamis na halik.

"Sige na Havoc" itinulak ko siya palabas nang matapos ang aming halikan. Mahina itong tumawa tsaka palabas na nakatingin sa kin. Natawa nalang ako ng mahina bago napakagat sa aking labi, pinipigil ang ngiti!

Napaka-sweet kasi ni Havoc habang tumatagal. Pero syempre nagsusungit parin ito minsan lalo na pag inaasar ko siya dahil sa pinipigilan niya ang kilig niya pag naglalambing ako. At pag nagpipigil siya ng kilig ay namumula ang leeg at mga tainga niya.

Ilang minuto pa ang pinalipas ko bago na lumabas sa sasakyan, paglabas ko ay wala namang tao sa parking lot kaya nakahinga ako ng maluwag.

Naglakad na ako papunta sa building ng Engineering students, iyon ang unang klase ko pero maaga pa naman kaya tutungo muna ako sa office para maayos ang mga school paper works na gagawin ko.

Pero nasa hallway palang ako ay naririnig ko na ang komosyon ng mga studyante. Tumaas ang kilay ko nang makita ko si Verron na nakalingkis kay Havoc. Aba nga naman, kanina ay kasama ko lang ang lalaking iyon! Ngayon ay may kalandian na agad.

Bahagya akong lumapit, medyo hindi nila ako napapansin kasi pinagkakaguluhan si Havoc at ang mga kaibigan nito ng mga babaeng studyante. Nagtitilian at nag-aasaran.

"Sige na Lance, samahan mo na si Verron, parang wala naman kayong pinagsamahan" rinig kong sabi ni Hannah. Kilala ko ang ibang studyante rito dahil ang iba ay mga studyante ko.

"Pagbigyan mo na ako babe, si Xane nga ay pumayag na kay Hannah. Date lang naman, nag favor kasi si dad na isama ka." naningkit ang aking mga mata dahil sa landi ng boses nito. May pahaplos-haplos pa sa braso ni Havoc.

"Shut up Verron, ask Jett if he want" bagot na sabi ni Havoc. Bigla ay sinalakay ng selos ang buong pagkatao ko. Ni hindi manlang nito alisin ang kamay ni Verron na naka abre syete sa kaniya. Hinayaan lang din nitong haplos-haplusin siya.

"No way, my Janine will kill me if ever. I won't f*cking sale my soul into the devil just to taste forbiden fruit" makahulugang sabi ni Jett.

"Ma'am?" napalingon ako sa kumalabit sa aking balikat.

"Amanda" ang matamis nitong ngiti ang sumalubong sa aking paglingon.

"Ma'am Serene, anong ginagawa mo rito?" tanong nito habang lumilinga sa likod ko kung nasaan sila Havoc, Jett at Xane na katabi si Hannah.

My Student, My Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now