Chapter 35

10.3K 186 10
                                    

"Stop crying" mas lalo akong naiyak sa sinabi niya, ayaw niya akong bigyan ng singkamas, pinipilit niya akong kumain, at sinigawan pa niya ako, tapos sasabihin niyang tumigil ako sa pag-iyak? Bakit? Naririndi ba siya?

Mas lalo akong napahikbi sa naisip.

"I said stop crying. I won't give you turpin if you don't stop"

"E'di 'wag! Ako nalang ang bibili! Hindi naman kita inoobliga! Ang damot-damot mo! Parang singkamas lang! Buti nga 'di ko pa pinahukay sayo!" mabilis kong kinain iyong nasa pinggan kahit masama ang loob ko.

Para akong bata na hindi ibinigay ang gusto dahil sa pagiyak ko. Bakit? Wala namang mahirap sa hinihingi ko ah, buti nga hindi ko pa sinabing sa mexico niya bilhin! Ang arte!

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko, nang makita niya iyon ay nilagyan pa uli niya ako ng kaunti. Hindi na ako nag reklamo at binilisan ko nalang.

"Sh.t! Magiging kamuka ko talaga 'yan" umirap ako, anong pinagsasasabi nito? Kita ko ang paghugot niya ng selpon niya at may tinipa doon.

"Hello? Bud, can you bring me turpin fruit with bagoong? Yeah two plastic. Okay, here in my condo. Thanks" nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig kong sinabi niya sa kabilang linya. Two plastic? Ang dami no'n!

Agad kong pinunasan ang luha ko bago dumukwang sa kaniya at hinalikan siya sa labi. Rinig ko ang pagtawa niya dahil sa ginawa ko. Mabilis kong inubos iyong pagkain ko tsaka kumandong sa kaniya, hindi pa siya tapos kumain kaya kinuha ko iyong kutsara at ako na ang nagsubo sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin bago iyon tinanggap. Yakap niya iyong baywang ko gamit ang isang braso niya, samantalang iyong isa namang kamay niya ay humahaplos ng marahan sa lantad kong mga hita.

Hindi ko 'pinakitang naaapektohan ako sa simpling pag haplos niya sa akin, ako nga ang tumanggi sa kaniya kanina, tapos ako naman itong magiinit? Kaninis!

"I'm sorry for a while ago, it's not healthy for you if you ate that fruit without eating breakfast first. Baka malamigan iyang sikmura mo" napanguso ako, paano naman niya nalaman iyon?

"Kanino mo naman iyon nalaman, hmm?" nagpatuloy ako sa pagsubo sa kaniya haggang sa maubos na niya iyong pagkain sa pinggan niya.

"From mommy, I remember she wouldn't let me eat my Apple with empty stomach" sabi nito habang hinahalikan iyong braso ko.

Tumango ako sa kaniya, naiintindihan ko. Siguro ay nag overreact lang ako kanina. Niyakap ko siya nang sumubsob siya sa pagitan ng mga dibdib ko.

"Sino 'yong tinawagan mo?" tanong ko habang marahang hinahaplos iyong malambot niyang buhok.

Dumausdos ang kamay ko sa kaniyang matitigas na braso ng maramdaman ko iyong labi niyang humahalik sa aking leeg. Ayos lang iyon dahil nag-ahit na siya, hindi na akong mangangati dahil do'n.

"Jett" tipid na sabi nito, hindi parin tinatanggal iyong labi niya sa leeg ko. Tumango ako sa kaniya at napapikit ng madamdaman ko ang pag haplos ng maiinit niya palad sa tiyan ko.

Marahan iyon, ipinasok pa niya ang kamay niya sa loob ng damit ko para madama ang balat ng aking tiyan. Fetish ba niya iyong tiyan ko? Nagagandahan ba siya doon? Pansin ko kasi ay lagi niya iyon hinahaplos at hinahalikan simula pa kahapon. 'Tapos ay kinakausap din minsan.

Napakapit ako sa leeg niya nang bigla siya tumayo tsaka dinala ako sa sala at pinahiga sa sofa. Mabilis niya akong hinalikan sa labi na agad ko namang tinugon.

Sa ngayon ay hindi na siya pangit dahil bibigyan niya ako ng singkamas at bagoong! Kaya hahayaan kong halikan niya ako.

Mabilis na bumaba iyong halik niya sa aking baba papunta sa akin leeg. Napapakapit ako sa kaniya ng panaka-naka siyang nagiiwan ng mga marka doon.

My Student, My Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now