Chapter 46

9.1K 170 4
                                    


Tumingin ako kay Havoc. Nanlalabo ang aking paningin. "Go baby, hug your mom and dad, they missed you a lot" ngiting sabi nito.

Dahan-dahan akong lumapit sa mag-asawa tsaka nila ako niyakap ng mahigpit.

"Oh my princess.." Iyak ni Dra. Gaia habang yakap ako. Hinigpit ko rin ang yakap sa kanila habang nakapikit. Sobra-sobra ang sayang nararamdaman ko. Ni wala akong galit na makapa sa dibdib ko. Nagpapasalamat ako at sila ang nagbigay ng buhay sa aking pagkataong laman.

Ramdam ko ang paghalik ng paulit-ulit ni sir Macias sa aking noo.

"Madeline.. Ang baby ko malaki na" napapunas ako ng luha at bahagyang napatawa. 'Opo, may baby na nga rin sa tiyan'  ngali-ngali kong isagot.

"Marcus, come here, hug your sister" umapaw na ang emosyon at nakangiti na ang ginang. Tumingin ako sa kapatid ko. Napaka-gwapo niya! Kamuha niya si sir Macias, mula sa abuhin nitong mga mata at sa brown na maalong buhok nito. Sigurado akong maraming babae ang papaiyakin nito.

Nagpunas ng luha si Marcus tsaka ngumiti at lumapit sa akin para yakapin ako. "Ang dami mong utang na bonding kay mommy, mag-empake kana para makauwi na tayo" natawa kaming lahat sa sinabi nito liban sa asawa ko na mabilis pa sa alas kwatro ang pag-alma.

"Hey! That's my wife, kung saan siya do'n rin ako!" Umiling-iling ako tsaka muling yumakap sa aking mommy-- mommy, my mommy na ako! Muli akong napaluha.

"I love you princess, welcome back" tumango-tango ako.

"I love you rin po m-mommy.. D-dad.." Tumawa ang mga ito dahil sa nahihiya kong tawag sa kanila.

"Oh! Ang prinsesa natin Macias.." Natutuwang saad ni Nanay ko habang masayang nagpupunas ng luha.

"I'm sorry anak, If I just had the time to drive you to your school, it shouldn't happened.."

"Okay lang po daddy, tapos na po 'yon. Ayuko pong sisihin ang sarili niyo, ang importante po ay nagkita-kita napo tayo" nakangiting sabi ko. Ayukong magsisi pa sila sa nangyari, maski ako ay nanghihinayang rin naman sa mga panahong nasayang. Marahil pag sa kanila ako nakatira ay hindi ako makakaranas ng mga pang kukutya at pagpapasakit sa buhay, pero masaya parin ako dahil ang mga sakit na naranasan ko ang nagturo sa akin kung paano maging matatag at lumaban sa buhay ng walang sinasandalan.

Niyakap nila ako ng mahigpit, ramdam ko ang pag kamiss nila sa akin at ganon din naman ako sa kanila.

"Wife.. Lets invite your parents to have dinner with us" kumalas ako sa yakap at napatingin ako sa aking asawa. Lumapit ako sa kaniya bago siya hinalikan sa labi.

"Thank you.." Naluluhang sabi ko. For the hundreth times around, Havoc Lance manage to make me happy again. The most happy woman that alive.

"Anything for my wife" sabi nito habang marahang hinahaplos ang aking pisngi.

"Com'n Ninong, Ninang, Marcus. Let's eat, oh-- for sure my wife didn't cook because she waits me to do that for her. Let's just order.."

"We have foods with us, my wife predicted it, no worries young man" pagpuputol ni daddy sa asawa ko. Ngumiti ako tsaka lumapit kay daddy at hinalikan siya sa pisngi.

"Ang gwapo mo naman, daddy.." Ngiting sabi ko tsaka muli siyang hinalikan sa kabilang pisngi. Bahagya pa itong napaluha dahil sa ginawa ko.

"And you are so beautiful just like your mom" ngiting sabi nito. Napangiti ako, kita ko ang pagmamahal niya habang sinasabi ang mga salitang iyon.

"Thank you po, daddy. Sobrang pogi niyo talaga, kayo ni Marcus, hindi gaya ni Havoc Lance na sobrang pangit, yucks!"

"Wife!" Napatawa ang lahat dahil sa sinabi ko, syempre liban sa aking asawa na feeling gwapo.

"Hormones hijo, just understand my princess" rinig kong sabi ni mommy. Binelatan ko si Havoc na nakanguso. Hindi maka-kontra.

"Marcus, Lance, get the foods inside the car. Our princess might hungry together with our prince inside" ngising sabi ni daddy sa asawa ko. Si Havoc naman ay mabilis pa sa hangin ang pagsaludo at paghila kay Marcus papunta sa labas ng bahay.

"How are you anak? Maayos ka naman ba sa kinalakihan mo?" Ngumiti ako kay mommy, mahihimigan mo talaga ang pag-aalala at pagsisisi sa boses nito.

Yinakap ko siya para pagaanim ang loob niya. "Opo mommy, maayos po ang lagay ko sa bahay ampunan. Pero kinuha po ako ni Don Leo noon 'tapos pinag-aral po niya ako." pagku-kwento ko.

Naupo kami sa hapag, minuto lang ang binilang at nasa loob na sila Havoc at kapatid ko. Naghahain na ng pagkain. Marami pa kaming napag kwentuhan habang kumakain. Sinabi ko lahat sa kanila kung ano ang nangyari sa akin simula ng mapunta ako sa bahay ampunan.

Napapaluha si mommy pero sinabi kong ayos na ako at masaya sa piling ni Havoc Lance.

"You can accommodate the other rooms, Ninong, Ninang" sabi ni Havoc sa parents ko. Napangiti ako dahil sa sobrang galang at pagpapahalaga nito sa mga magulang ko.

"Is it okay if Madeline sleep besides us?" mabilis na dumako ang paningin ko kay Havoc. Awtomatikong umarko ang mga kilay niya na tumingin sa akin.

Napanguso ako, kahit hindi siya pumayag ay tatabi parin ako sa kanila. Halos gabi-gabi na nga lang niya akong katabi. Tinignan ko siya ng tinging 'Subukan mo lang humindi at tatamaan ka sa'kin'

Bumuntong hininga ito na parang nahihirapan. Napipilitan itong tumango habang may pa kamot-kamot pa ng ulo.

"Sige mom, takot ko lang sa asawa ko" natawa ako. Ang lakas talaga ni Havoc, kanina ay Ninang lang ang tawad nito kay Mommy. Iba!

Tumawa si Mommy at Daddy tsaka ako niyakap. Si Marcus ay umalis na pagkatapos naming kumain. May aasikasuhin daw ito sa kompaniya. Kahit nasa nineteen palang si Marcus ay mulat na ito sa pagnenegosyo. Kasalukuyan rin itong kumukuha ng pag do-doktor.

Natapos ang gabi namin masaya, liban na naman sa asawa ko na kanina pa nagti-text. Tulog na ang mommy at daddy sa tabi ko pero ang asawa ko ang nangungulit parin. Hindi raw siya makatulog. Nag send pa ito ng picture niyang nakahubad-baro na nakadapa sa kama. Nakalabi at halatang nagtatampo kuno.

Bumuntong hininga ako at tinignan ang aking mommy na mahigpit ang yakap sa akin, mababakas ang saya nito sa mukha kahit tulog. Napangiti ako.

Kahit nahihirapan ay kinalas ko ang yakap nito at dahan-dahan na bumaba sa kama. Hinalikan ko sila bago ako umalis sa kwarto at pumunta sa third floor ng malaking bahay.

Pinihit ko iyong door knob, napatili ako ng mabilis akong yakapin ni Havoc at ipinahiga sa kama.

"I knew it, you can't resist my charm. Hindi mo matiis ang kagwapuhan ko" napatampal ako. Kailan pa naging mahangin ang isang Havoc Lance?

Hinalikan ako nito sa labi tsaka niyakap. "Hay.. I can have my peaceful sleep now" masayang sabi nito. Napakagat ako sa labi. Kahit kailan talaga.

Hinayaan ko nalang na yakapin ako ni Havoc at nagpahila na sa antok. Sigurado namang maiintindihan nila mommy at daddy ito.

My Student, My Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now