Chapter 17

11.2K 180 7
                                    

"Hey.. Are you okay?" napalingon ako kay Havoc nang humaplos ito sa aking hita. Naglikot ang aking mga mata sa sobrang kaba. Nasa sasakyan kami ngayon at kasalukuyang nagmamaneho si Havoc papuntang mansiyon ng kaniyang mga magulang.

May pagtitipon kasi do'n at inimbitahan kami ni Don Leo dahil sa pagdating ng magulang ni Havoc. Selebrasiyon narin sa Silver Wedding Anniversary ng mag-asawang Fajardo.

Na-meet ko na ang mama at papa ni Havoc, mabait naman ang mga ito lalo na ang mama nitong si Tita Ley, madaldal ito at masiyahin. Ang papa naman nito ay medyo strikto pero mabait namang si Tito Harvie, marahil do'n nagmana si Havoc.

Tumango ako sa tanong niyang iyon, nakasuot ako ng simpleng black dress under the knee at siya naman ay naka black three piece. Alam ko kasing hindi kami matutuloy kapag maikli at backless dress ang suot ko.

Bagsak ang kulot kong buhok at tangin lipstick lang ang ipinahid kong make up sa aking labi.

"Sure?" paninigurado niya sa akin. Napangiti ako tsaka tumangong muli sa kaniya. Hinawakan pa nito ang aking kamay tsaka hinalikan ang likod ng aking palad na ikinapula ng aking mga pisngi.

"You are so beautiful" nakangiti nitong sabi habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa daan.

"Bolero" mahinang usal ko, bahagya ko pang pinaikot ang aking mata para itago ang pagkakilig.

"I'm telling the truth baby, you look so simple but eligant. I love it" napanguso ako.

"Tingin sa daan Havoc Lance" sabi ko sa kaniya ng titig na titig siya sa akin. Tumawa ito tsaka tumingin naman sa daan.

"Dang it! I'm regretting bringging you with me. Other b.stards will stare and ogling at your beauty" ito na naman siya, sobrang oa na naman.

"Kasama naman kita" mabilis kong sabi, akma siyang magsasalita nang tumigil na ang sasakyan dahil nasa Fajardo masion na kami.

Mabilis na binuksan ng butler ng mga Fajardo ang pintuan ng sasakyan ni Havoc na tila inaabangan ang pagdating nito. Sa labas palang ay makikita na sobrang gara ng ginaganap na pagtitipon.

Nagyukuan ang mga lalake kay Havoc at iginiya sila papasok sa loob ng mansion. May carpeted floor na nakalatad sa daraanan nila, hinapit ako ni Havoc tsaka iginiya na papasok.

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso nang sa entrada palang ay makikita na ang mga malalaking bisita na representante sa ibat-ibang industriya ng negosyo.

Tila nanliit naman ako sa mga nakikita ko. Pang dinner dress lang kasi ang suot ko habang ang iba naman mga naka gown at tuxido.

"Hijo.." napalingon kami ni Havoc sa papalapit. Napayuko ako nang makita ko ang mama nito na malapad ang ngiti sa anak.

"Mom" rinig kong tipid na sabi ni Havoc bago hinagkan sa pisngi ang Ina.

"How are you Lance? Ni hindi mo manlang kami dinalaw ng Dad mo sa Amerika" sabi ng ginang na tila nagtatampo pa kay Havoc. Hindi naman nagsalita ang lalaking nakalingkis sa aking baywang kaya dumako ang tingin sa akin ni Tita Leyange.

"Serene? Hija ikaw ba iyan? ikaw nga! You are such a beauty hija, How are you? I never thought that you would be this close with my son, nakakatuwa" mabilis akong niyakap ng ginang kaya yumakap narin ako pabalik. Alanganin akong ngumiti. Nakakahiya!

"Okay lang po tita, How are you po?" nahihiyang tanong ko. Ngumiti naman ito ng matamis bago ako hinila papalapit sa kaniya.

"I'm okay hija, come here may ipapakilala ako sayo" masayang sabi ng ginang. Agad naman akong pinigilan ni Havoc.

"Mom, saan mo dadalhin si Serene?" kunot noo na tanong nito. Napaka-bugnutin talaga kahit kailan.

"Ipapakilala ko lang siya sa aking mga amiga, you can talk to your dad and lolo they are there" itinuro nito ang pwesto ng mag-amang Fajardo pero hindi ako nilubayan ng tingin ni Havoc. Ngumiti naman ako sa kaniya and mouthed 'it's okay'. Alam ko kasing ako ang inaalala niya.

Kahit napipilitan ay tumango nalang ito. Kinuha naman iyon bilang pagkakataon para hilain ako. Nagtungo kami sa mga taong nagkukumpulan na sa hinuha ko ay mga kaibigan ni Tita Ley.

"Mi Amigas!" tawag nito sa mga babaeng nagkukwentuhan.

"Ley.." tawag naman ng isa may kaedadran ng babae. May dala itong wine sa kamay, magarbo ang suot at kumikinang. Parang natatandaan ko ang babaeng ito.

"Veirra" nakangiting nakipag beso si tita Ley sa babae at sa mga iba pa. Nakatingin lang ako at tahimik, nahihiya ako!

Dumako ang tingin sa akin nung tinawag ni tita Ley na Veirra, tumaas ang kilay nito at mapanguyam akong tinignan mula ulo hanggang paa.

"Oh.. You didn't tell us that you bought your Yaya here" bigla akong nagulat sa sinabi niyang iyon. Ako ba ang tinutukoy niya? Napalunok ako tsaka tumingin sa damit ko. Kung ikukumpara ay walang-wala ang suot ko, pero hindi naman ata maganda na sabihan ako nitong Yaya.

"That's not my Yaya, Veirra, this is papa's friend, Serene. She's so beautiful, didn't she?" nagmamalaking sabi ng mama ni Havoc.

"Yes, Serene is such a beauty" narinig kong sabi ng isang ginang tsaka naman sinangayunan ng iba pero hindi ng Veirra-ng ito.

"Don Leo's friend? Really? Ha.ha. mahilig na pala siya makipagkaibigan sa mga mas bata sa kaniya" makahulugan nitong sabi na parang bang nais ipahiwatig na babae ako ng Don dahil sa tono ng boses niya.

"Ano kaba Veirra, baka iyon lang din ang trip ng Don" natatawang gatong pa nang isang katabi nito. Napayuko nalang ako nang maghalakhakan ang ibang mga ginang. I felt humulated!

Ramdam ko naman ang paghigpit ng kapit ni tita Ley sa aking kamay na tila nanghihingi ng paumanhin.

"Aw.. Ayan na pala ang aking unica hija" rinig kong sabi nung Veirra, mula sa pagkakayuko ay napatingin ako sa entrada ng kabahayan. Doon ay lumabas ang isang napakagandang babae na nakasuot ng tube backless dress na may slit sa kaliwang hita.

My Student, My Husband (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon