Chapter 23

10.6K 216 22
                                    

Napatingin ako kay Emerald habang marahang hinahagod ang likod ni Amanda para patahanin dahil kanina pa ito iyak ng iyak.

Nasa condo kami ngayon ni Janine, tinawagan ako kanina ng mga ito at sinabing panay daw ang iyak ni Amanda dahil nakita daw nitong may katalik na iba si Xane.

Agad naman akong umalis at nagpaalam kay Havoc, syempre pahirapan na naman ang ginawa kong pagpapaalam. Katakot-takot na kasunduan ang pinagusapan namin kanina.

Nung una ay ayaw pa akong payagan at sasama pa raw siya. Ngali-ngali ko lang batukan kanina, mantaking sasama sa akin e sa condo lang naman kami ni Janine. Nasa iisang building pa kami nakatira!

Pero nang huli naman ay pumayag naman siya nung hindi ko siya pinansin at nagkunwari pa akong nagtatampo sa kaniya. Basta raw ay susunduin niya ako ng alas syete ng gabi. Pumayag nalang din ako kaysa naman wala.

"T-tumatawag siya" hikbi ni Amanda habang nakayakap kay Emerald. Tinignan ko ang hawak nitong selpon, kanina pa iyong nag riring dahil sa sunod-sunod na tawag ng nobyo nito.

"Hayaan mo siya, sira ulo niya, pagtapos mambabae ngayon ay kinukulit ka. Akin na nga 'yan!, kainis siya" galit na sabi ni Janine 'tsaka kinuha yung selpon ni Amanda at tinurn-off iyon.

"Shh.. Tahan na Amanda, dapat kasi ay nakipag break kana do'n" pangaalo ni Lena.

"Ang tigas kasi ng ulo mo gurl, sabi ko sayong sagutin mo nalang yung isa sa mga med students na nanliligaw sayo tas pinili mo pa iyong Engineer na g.go na pakboi pa" iling-iling na sermon ni Janine.

Ako naman ay naawa kay Amanda, pamilyar ako sa sakit na nararamdaman niya pero hindi kasing sakit nang nakita niya ang nakita kong paghalik ni Verron sa asawa ko.

Pero nakikita ko naman kay Xane na may gusto siya kay Amanda, hindi ko lang lubos maisip na magloloko pa ito gayong napakaganda at bait na ni Amanda.

Sana ay hindi totoo iyong nakita niya, Iba kasi ang nakita sa narinig at sa totoo. Pero hindi ko naman siya masisisi, nagiging irrational ang isang tao lalo na pag nasasaktan.

Lumapit ako kay Amanda para yakapin siya. Napaka inosente niya para saktan lang.

"A-ang sakit.. Ang sakit sakit. Sabi niya magbabago siya, sinunod ko lahat ng gusto niya. Hindi ko siya hinusgahan, inintindi ko ang lahat ng pag uugali niya pero nakuha parin niya akong lokohin. Ang sakit na Serene, n-nakakapagod siya." ramdam ko ang sakit sa bawat pagbitaw niya ng mga salitang iyon.

"P-pero kasalanan ko naman, ayaw niya sa'kin.. Pinilit ko lang siya kasi gustong-gusto ko siya kaya wala akong karapatan na magalit sa kaniya dahil ako naman ang nagpumilit. Pero sabihin niyo, d-deserve ko ba ang masaktan ng ganito? Ang p-pagtaksilan niya?" napapikit ako nang mangilid ang aking luha dahil sa sinabing iyon ni Amanda. Si Emerald na nakayakap sa likod nito ay tahimik naring umiiyak, maski si  Lena at Janine na nakatayo habang pinagmamasdan ang pag-iyak ni Amanda.

"Shh.. Hindi mo deserve masaktan Amanda, walang babaeng deserve masaktan" mahinang bulong ko sa kaniya habang hinahagod ang buhok niya.

"Bakit kasi hindi mo nalang siya hiwalayan?" bigla ay tanong ni Emerald.

Tumigil sa paghikbi si Amanda pero mas lumala iyon nang magsalita ito "m-matitiis kong m-masaktan Em, pero h-hindi ang hindi m-makapag-aral" pilit nitong pinupunasan ang mga luha nito pero parang hindi iyon nasasaid.

"What do you mean?" masuyong tanong ni Janine.

"H-hawak ni Xane ang scholarship ko" mariing napapikit si Janine dahil sa sagot na iyon ni Amanda.

"Tell me, Matagal mo na siyang gustong hiwalayan pero ginagawa niyang panakot ang scholarship mo sa Azet tama ba?" tumango-tango si Amanda, napalatak ng mura si Janine bago tumayo.

My Student, My Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now