Chapter 18

10.4K 191 18
                                    


Naka neat bun ito at lumalabas ang kaputihan sa suot nito pulang dress. Mula sa may pinto at lumingin-lingon ito sa kabahan, nang dumako ang tingin nito sa gawi namin ay mabilis itong naglakad habang may ngisti sa labi. Verron..

"Verron hija.." mabilis na nagbeso si Verron sa nanay nito. Binitawan naman ako ni tita Ley para hagkan si Verron.

"Verron anak" natutuwang sabi ng ginang.

"Mommy Ley" nakatinging namang bati ni Verron bago nakipag beso kay tita Ley.

"Napakaganda mo naman Verron, bagay na bagay talaga kayo ni Lance" mabilis namang tumawa si Verron dahil sa sinabing iyon ni tita Ley.

"Oo naman mare, matagal na sila, alam kong sila din ang ikakasal at magkakatuluyan" natutuwang sabi ng mama ni Verron.

"Yes, I have settled that thing. Just wait for my surprises" sabi ni tita Ley. Napatingin naman sa gawi ko si Verron. Taas ang kilay nito habang hinahagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. May pang-uuyam na para bang sinasabing 'hindi ka bagay dito'

"Teacher Galvez, I didn't know that you are also invited here" pangmamaliit nito sa akin. Pinilit kong ikalma ang aking loob para sana sagutin siya nang inunahan na ako ng mama ni Havoc.

"Yes, papa invited her here. And why did you address her teacher?" mayuming tumawa si Verron.

"She's our Math teacher in Azet mommy Ley. She's spicifically Lance's teacher" sabi nito na parang may gusto siyang ipahiwatig na iba. Tumango-tango naman ang mama ni Havoc na tila namamangha sabay tumingin sa akin. Tumango nalang ako bilang pagsang ayon.

"I'm verry please that you accepted my invitation hija, I really miss our bonding and your cupcakes" sabi ni tita Ley kay Verron. Bigla ay mas lalo akong nanliit dahil sa closeness ng dalawa. Totoo namang walang-wala ako kumpara kay Verron. Napaka clasy nito tignan samantalang ako ay kung itatabi sa kaniya ay parang basahan.

Tumawa naman si Verron "bibisitahin nalang kita ng madalas dito mommy Ley" masayang sabi nito na ikinatango naman ng ginang.

"I heard you came from Bahay ampunan Serene?" tanong ng mama ni Verron sa akin,  parang ang sama naman pakinggang ng tanong niyang iyon. Kahit naman galing ako sa bahay ampunan ay legal naman iyon. Para kasing krimen sa uri ng pagbigkas niya.

"Yes mom, remember the girl when we went sa isang bahay ampunan? That was Serene, iyong ayaw ampunin ng isang amiga mo kasi she's old na daw. Kawawa siya noon, I saw her crying with the nun" maarte nitong sabi. Napayuko ako dahil sa lahat ng mga mata ay parang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay  sobrang panlalait na ang ginagawa nila sa akin.

"Oh really? So nakaalis ka do'n dahil kay Don Leo? Aw.. That was fortunate of you Hija" parang naawang sabi ni Veirra. Lumingon-lingon ako sa paligid para sana hanapin si Havoc pero hindi ko siya makita. Dapat pala ay hindi na ako nagpahila kay tita Ley.

"That's enough Veirra. Come here Verron, lets start the party" mabilis na hinila ng mama ni Havoc si Verron paalis sa gawi namin. Samantalang ang mama naman ni Verron ay taas kilay na nakatingin sa akin habang nakangisi.

Ako naman ay nagyuko para pigilan ang sakit sa dibdib na sumasalakay sa akin. "Wait!" dinig kong tili ng matanda tsaka sumabay na sa papaalis na si Verron at mama ni Havoc.  Bumuntong hininga ako tsaka tumingin sa paligid.

Iyong mga kasama naming mga babae ay nagsialisan narin kaya ako nalang ang naiwan mag-isa rito. Bumuntong hininga ako nang tila magkagulo sa loob hudyat na magsisimula na ang party.

Luminga-linga ako ng pwesto para doon manood. Mamaya ko nalang hanapin si Havoc pagtapos na ang party. Tumigil ang tingin ko nang may makita akong pwesto sa gilid. Walang masyadong tao doon dahil hindi masyadong kita kaya nagpasya ako na doon pumwesto.

My Student, My Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now