Kabanata 28

315 16 0
                                    

28





---
Hinihingal at galing pa sa mabilisang takbo galing sa parking lot papunta sa headquarters ay agad akong nakarating sa conference room kung saan nagtitipon-tipon ang mga kasamahan ko para sa kaso.

"Inspektor!" Paunang bati ng mga kasamahan. Isa-isa ko naman silang tinanguan. Lumapit ako kay Lupin na nakasalamin at tutok na tutok sa kaniyang laptop.

"Lupin..." Hinihingal kong tawag sa kaniya. Agaran siyang nag-angat ng tingin sa akin.

"Inspector, we need to speak with the NBI. Paparating na sila kasama ang Chief," aniya. Tumango ako bago napasuklay sa buhok.

"Inspektor!" Sabay lapit din nang isa sa kasamahan naming si Insp. Caidic, he's carrying a stool and place it in front of me. Ngumisi siya. "Upo ka muna, Inspector."

I smiled and nodded. "Thank you."

"Huwag ka na diyan, Onel! May manliligaw na si Inspector, huwag mo nang dagdagan!" Tumawa si Lupin na siya namang sinamaan ko nang tingin.

"Oh? Ligaw pa naman 'yon, e. Pwede pa ako, Inspector!" Sabay tawa din nito. Napailing na lamang ako at kinuha ang isang dokumento sa tabi ni Lupin.

"Ano 'to?" Kunot-noo kong tanong sa kaniya nang makita ang iba't-ibang stolen na litrato.

"Ah!" Lupin then put his glasses off and sit near mine. Tinuro niya ang mga larawang parehong kuha sa CCTV. "That's the car who take the Ignacio's at Salongga's Street. Napag-alaman din naming pagmamay-ari iyan ng mga Magno. This black Kawasaki SUV AFT 503, was seen in this place." Tinuro niya naman ang isang liblib na lugar malapit lang sa overpass. "The Ignacio's was ambush and takened forcefully in the car."

Napasinghap ako nang may maalalang tao. "Si Berenice Ignacio? Kasali ba siya sa mga nakidnap?

"No, she is safe. Nasa Shangrila Hotel siya ngayon with her grand parents. Nakatunog pa ang mga media dahil sa nangyari kaya paniguradong magho-hold ang kampo ng mga Ignacio ng press conference, baka mamaya o bukas."

I nodded and scanned the photos again. The car isn't that really familiar to me. I flipped the pages and saw another photos of Magno's from an... airport?

"Saan galing ang mga Magno?"

Lupin then raised his brows and pursed his lips. "NBI found out that they went on a vacation five days ago. And they've seen..." He stopped and flipped the page where the car was seen. "In that car."

Mariin kong naipikit ang mga mata at napahilot na lamang sa sentido. Kahapon... narinig kong nag-uusap sina Chrispher at Jhanos tungkol sa mga magulang ni Chrispher. So, galing pala talaga sila sa bakasyon?

"Is that all?" I calmy said to him, nagpipigil ng irita.

"Ahmm... Inspector, we still need to talk to NBI about this matter para mapagtagpi-tagpi natin ang mga nalalaman natin. Nauubusan na tayo ng oras," mahinahon niyang ani, siguro ay napapansin na rin na badtrip na ako ngayon.

Napahinga ako ng malalim. I shifted on my seat and licked the insides of my cheeks mindlessly.

"Inspector..." Si Lupin at inurong ang upuan papunta sa akin. Nangunot ang noo ko ng mapansin siyang may gustong ibulong. He even glanced to his sides, avoiding someone to hear his words.

Napalunok ako. "Ano 'yon?"

"Pakiramdam ko'y may mali din dito." Mahinang aniya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Look..." Ipinakita niya sa akin ang isang folder na may nakaw na larawan ng mga ginoo't ginang na mga Ignacio at Magno. Sa tingin ko ay nasa isang party ito sa isang enggrandeng hotel. Sa likuran ng mga Ignacio ay may mga naka-itim na tatlong bodyguards at sa mga Magno naman ay dalawa sa likuran. Pero ang mas napansin ko ay ang kulay pula na bilog na nakadirekta sa bandang braso ng suit ng mga bodyguards. Doon ay may red cloth at lahat ng tatlong bodyguards ng mga Ignacio ay may ganoon sa parehong suit.

OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang