Kabanata 01

1.1K 49 25
                                    

01






---

"Inspector Valerino!"

Kakababa ko lang ng Ducati at inaayos pa ang magulong buhok dahil sa helmet ay may tumawag na sa akin. Alam ko na ring ako 'yon dahil ako lang naman ang nag-iisang Valerino na pumunta dito sa Shooting gallery. Nakita ko kasi sa guestlist na nasa invitation.

"Andrew?!" Bakas ang tuwa at galak sa boses ko ng tawagin din siya.

"Natagalan ka ata?" Aniya ng makalapit na.

Nakasuot siya ng itim na leather jacket at fitted pants. Clean cut ang buhok at halatang halata ang lahing banyaga, kulay asul ang mata at may pagka-krema ang buhok. Palagi kaming nagkikita sa mga shooting gallery at naging magkaibigan na rin.

Hindi siya pulis dahil isa siyang Lawyer, talagang libangan lang niya itong pumunta sa mga ganitong lugar. Hindi tulad sa akin na talagang para sa pagpupulis ko. Kailangan kong matuto ng mga bagong teknik sa pamamaril.

Napakamot ako sa ulo at nahihiyang nag-iwas ng tingin sa kaniya.

"Wala, may inasikaso lang sa daan," sabi ko.

Kung hindi naman kasi dahil sa mga asungot na bumangga sa akin ay hindi ako mala-late dito! Sabayan pa ni Atty. Gonzalo na ang dami pang inutos. Kung maaga lang talaga sana ako ay hindi ako mahuhuli sa opening!

"Bakit? Anong nangyari? Dapat ay tinawagan mo ako para naman matulungan kita," aniya na nagpatawa sa akin. Seryoso ang kaniyang ekspresyon at talagang may pag-aalala.

"Wala 'yon, maaayos ko rin 'yon." Natigilan ako at napatingin sa kaniyang likuran. "Talagang hindi mo pinapalampas ang mga ganito, ano? Ibang klase." Asar ko.

"Oo naman. Alam ko kasing darating ka kaya pumunta na rin ako." He chuckled. "Tara, pasok na tayo."

Nakangiti ko siyang tinanguan at sumunod na rin sa kaniya. Agad akong napanganga ng bumungad sa akin ang napaka-organisadong lugar. Nakahanay ang mga glass windows sa paligid. May mga upuan din sa taas para sa mga gustong manood.

Ibang-iba ito sa mga shooting gallery na napuntahan ko na. Ito ay may pagka-modern at halatang para lang sa mga taong may kaya at lisensiya sa baril.

Ang mga human manequin ay may mga butas na sa iba't-ibang parte ng katawan, ibig sabihin ay may mga nauna na talagang nagpractise dito.

"Amaze na amaze ang itsura ah," Kantyaw ni Andrew na siyang nagpatawa sa akin.

"Maganda kasi e," napangisi ako at napatitig sa mga taong busy sa panonood sa mga bumabaril.

Sinuri ko lahat at napagtanto kong puros mga may rango o opisyal ang narito. Konti lang ang mga kagaya ni Andrew na pumunta lang talaga para mag-explore at may pagkakatuwaan.

"Insp. Valerino!" Sa ikalawang pagkakataon ay may tumawag na naman sa akin. Napalingon ako sa matandang halos puti na ang lahat ng buhok sa ulo. May katabaan at may hawak hawak pang baston.

"General!" Napangiti ako at agad na lumapit sa kaniya.

Siya si General Arman Alperes. Kaka-retired niya lang sa trabaho noong nakaraang taon dahil sa katandaan. Siya rin ang may-ari ng bagong patayong shooting gallery na ito.

"Alam ko na agad na dadating ka, iha. Nasabi na sa akin ni Chief. Artienza. Oh, ano? Maganda ba? Pasok ba sa panlasa mo?" Sabay tawa niya, tinutukoy ang buong shooting gallery.

"Opo, General! Nae-excite na nga po ako e." I giggled.

"Kung ganoon ay i-enjoy mo ang sarili mo rito, maiwan muna kita at may dadaluhan muna ako doon." Nakangiti niyang saad at dahan dahan ng naglakad.

OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें