Kabanata 05

600 33 2
                                    

05





---

"Inspector... gising."

Isang marahang tulak sa kamay ko ang nagpaggising sa aking katawan. Dahan-dahan kong ginalaw ang katawan ko at inangat ang ulo. Unang bumungad sa akin si Lupin na naka-police uniform.

"Umuwi ka na lang kaya muna sa inyo?" Dugtong pa niya.

Umiling ako at namumungay ang mga matang tinitigan ang laptop na nakatulogan ko ata kagabi. Doon, nakita ko ang hindi ko pa natatapos na files na dapat kong ibigay sa department namin sa Pasay.

"Anong oras na ba?" Tanong ko kay Lupin na may binabasang dokumento sa harap ko.

"Alas-singko pa ng umaga," aniya. Tumango na lang ulit ako at tumagilid. Napadapo ang tingin ko sa lunchbox ni Chrispher na pinaglagyan niya sa akin ng baon, kahapon.

Hindi ko man lang siya nagawang textan o tawagan para magpasalamat at isauli 'tong lunchbox niya dahil sa sobrang busy. Mas lalo lamang tumambak ang trabaho ko dahil nalaman naming ipo-postpone ang raid namin sa susunod pang araw.

Huminga ako ng malalim at pinaandar ang cellphone na kahapon ng umaga ko pa pinatay. Hindi ko na rin kasi nagawang buksan dahil makakadistorbo lang sa mga meeting at trabaho ko.

Saktong pag-open ko ay puros messages ni Chrispher ang bumungad sa akin. Napakagat labi ako habang binabasa ang mga 'yon.

—Does it taste nice?

—I'm sorry if I brought it to you in the morning. Wala na kasi akong oras magluto sa tanghali.

—I'll bring another one tomorrow.

—I am just being friendly okay? I want to have a cool policewoman friend, that's why I am doing this. Tc. Bruhh.

I scoffed and shooked my head before putting my phone back on the table.

"Hindi naman ako nagtanong," natatawang bulong ko at tumayo na mula sa pagkakaupo sa swiveling chair. Kinuha ko ang leather jacket ko na nakalapag sa maliit kong kabinet at isinuot. Binalingan ko si Lupin na may pinipermahan na ngayon.

"Uwi muna ako saglit, babalik ako agad," ani ko at kinuha na rin ang susi ng kotse sa bulsa at ang pink na paperbag ni Chrispher. Bakit nga ba 'to pink? Tsk.

"Sige, Inspector," he saluted and smiled.

I did the same and went out to the department slightly stretching my body. Nananakit ang balakang ko kakaupo. Pumasok na ako sa kotse ko at nilagay ko naman ang paperbag sa shotgun seat.

Habang nasa kalagitnaan ng byahe ay hindi ko mapigilang isipin ang pagkaing binigay ni Chrispher. Talaga bang siya ang nagluto no'n? Parang luto lang ni Mama sa sarap e. 'Di kaya nagpaluto siya tapos sinabing sa kaniya? Ba't ang sama ko naman mag-isip? Pero totoo, ang sarap ng adobong manok na 'yon.

Pagkarating sa bahay ay agad kong nadatnan ang kapatid na naka-fitted maong pants at polo shirt. Nakasukbit ang itim na bag sa kaliwang balikat habang may hawak namang sandwich sa kamay. Sa kanang kamay ay may cellphone, seryoso ang itsura nito at parang may importanteng ka-text o ano. Nakatayo lang siya malapit sa TV.

"Preston," tawag ko. Umangat ang balikat niya ng marinig ang boses ko. Umaliwalas ang mukha niya at napabaling sa kusina. Siguro ay tinitingnan si Mama.

"Ang aga mo atang nakauwi Ate, ah?" Ngiting asong sabi niya. Umikot ang mata ko sa ere at nilagpasan na lamang siya. Puro kalokohan lang naman ibubungad no'n sa akin.

Pumasok ako ng kusina at nakita ko agad doon si Mama na nagluluto ng pagkain. Nakasuot siya ng pink na apron at naka-bun ang buhok.

Napangiti ako ng hindi niya ako napansin. Dahan dahan akong lumapit sa likod niya ang iginapang ang kamay sa kaniyang bewang para mayakap siya.

OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz