Kabanata 19

353 21 0
                                    

19






---
Maang ang labi kong pinagmasdan ang kapatid hanggang sa nawala ito sa paningin ko. I even heard Mama gasped at my brother's reaction.

"What did he say?!" She was about to go out to call Preston pero hindi ko na siya hinayaan.

"Ma... Pabayaan mo na lang po muna," matamlay kong saad habang hinahaplos ang kaniyang balikat.

"Did you two fight?! Ano bang nangyayari, Phob? Kaya ka ba wala kagabi?!"

Napakagat-labi ako bago tumango ng marahan. Her brows furrowed. Hindi ba sinabi ni Preston sa kanila ang dahilan? Wala bang sinabi si Preston? Nang may pumasok sa isip ko ay para akong natauhan.

Mariin kong naipikit ang mga mata at problemadong napasuklay ng buhok. How could I think bad things about my brother?!

"Phob... Bakit kayo nag-away?" Si Mama halatang hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon. Hindi naman kasi kami madalas nag-aaway ng kapatid ko.

I bit my lower lip and sighed. "A-asan si Papa, Ma?" Pag-iiba ko sa topic, ayaw ko munang i-open up sa kaniya iyon.

She blinked twice before pursing her lips. "Nasa Batangas, may meeting na dinaluhan. Bakit?"

"Uuwi ba siya mamayang gabi?" I gulped and looked away. Hindi ko alam kung makakaya ko ba itong desisyon ko o ano.

"Oo, uuwi siya. May ipapabili ka ba? I can call his secretary-"

"Huwag na, Ma. Gusto ko kasi... k-kompleto tayo mamaya s-sa dinner," napayuko ako at napahawak sa parehong kamay.

I know Preston wants me to reveal it all by myself. I can't help but to feel happy with it. Binigyan ako ni Preston ng chance na gawin iyon na ako lang. Hindi niya sinabi kina Mama dahil gusto niyang ako mismo ang gumawa no'n.

"Hmm... Okay, I call him para makauwi siya ng maaga mamaya," she paused and sighed heavily. "You should rest, Phob. Umakyat ka na muna sa kwarto mo. Mamaya na tayo mag-usap." She smiled at me and turned her back to arranged the flowers on the vase again.

Alam kong maraming tanong na bumabagabag sa isipan niya pero masaya akong hindi na niya ako pinilit pang sagutin iyon.

Mabibigat ang paa akong umakyat ng kwarto at nagkulong na lamang doon. Yakap-yakap ang unan ay nakatitig lamang ako sa ceiling. Maraming bumabagabag sa isip ko, ang tungkol sa pamilya ko at kay... Chrispher.

Naitikom ko ang bibig ko at mariing napalunok. Umikot ako at dumapa sa kama, umupo ako at inis na napakamot ulit ng ulo. Wala akong ibang makita kundi ang mukha ni Chrispher at ni Berenice... Ano bang meron sa dalawang 'yon at sumusulpot na lang bigla sa utak ko?

"Normal ba pa itong nangyayari sa akin?" Walang buhay kong tanong sa sarili.

Napasulyap ako sa cellphone kong hindi ko na binuksan pa mula nang makita ko si Chrispher kaninang umaga. Malakas ang pakiramdam ko na tatawag siya sa akin at magbabaha ng mensahe. Napahinga ako ng malalim.

"Alien ka atang Chrispher ka e." I tsked and went out from my bed. I get my phone from the sidetable and opened it.

The first notif came up with his name and the cut message. Nagdadalawang isip ako kung babasahin ko ba iyon o hindi. Kalaunan ay napahinga ako ng malalim at pinatay ulit ang cellphone. Napahilamos ako ng mukha at umupo ng maayos sa kama. I check my wound and change the bandage before cleaning my guns.

The whole afternoon, nasa loob lamang ako ng kwarto. Hindi ako lumabas maski sa tanghalian. Umakyat si Mama para sabihing kumain na kami pero sinabi kong busog pa ako, hindi rin naman niya ako pinilit kaya bumaba na lang din siya ulit. And then now, it's quarter to eight in the evening. I'm sure tatawagin na rin ako para sa hapunan. Ngayon pa lang ay nanlalamig at tila gripong nagpapawis na ang mga kamay ko.

OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now