Kabanata 33

343 17 0
                                    

33






----
"Damn babe, I really admire your body..." Ani ni Beansey habang subo-subo ang straw ng milktea na iniinom at matiim na nakatitig sa katawan kong pawisan na tanging jogging pants at sando lamang ang suot.



Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang sa pagsusuntok sa punching bag.



"You looked so sexy, feminine and... manly..." Napatigil siya at pansamantalang nag-isip, tila tinatantya kung tama ba ang kaniyang sinabi. "Yep! Manly, indeed!"



Niyakap ko ang punching bag upang patigilin ito. I took a deep breath and focused on making my last blow. I let my strength build on my right arm before releasing a heavy punch to it. The bag flew with the wind as I arched my hand in pain. Napadaing ako at agad na tinitigan ang medyo namumulang kamao. Napatili si Beansey at agad na tumakbo papunta sa aking direksyon.



"Be careful!" She held my hand and grimaced. "Are you mad?! Sinong nasa isip mo habang sinusuntok 'yan?! Si Chrispher?!"



Agad na tumalim ang tingin ko sa kaniya. She pursed her lips to stopped herself from smiling. "Joke!" She laughed.



Umikot ang mata ko sa ere at binawi ang kamay ko mula sa kaniya. I went on my duffel bag and took my bottled water and drink straight to it. Kumuha na rin ako ng tuwalya at sinabit sa aking balikat.



"Maybe, you're still into him? For..." She twisted her lips and look above, thinking deep. "...almost one an a half year?"



Napailing na lamang ako at sumandal sa railing ng resting area ng gym. Inaliw ko ang sarili sa panonood sa mga taong may kaniya-kaniyang mundo. "Ayaw kong dumepende sa mga tao at matagal ko nang nakalimutan ang taong tinutukoy mo."



She hummed and crossed her arms over her chest while giving me a teasing look. "What if... he came back? What if... he will pursue you again?"



Nangunot ang aking noo at nagtatakang napatitig sa kaniya. "Anong ibig mong sabihin sa 'what if?', ini-expect mo ba na hahabolin ko rin siya?"



"Yah! Girl ang advance mo!" Umasim ang kaniyang mukha pero kalaunan ay napalitan din ng mapanuksong tingin. Wala akong ibang nagawa kundi ang mag-iwas ng tingin sa kaniya. "...or maybe you would?"



"Dami mong alam," Tamad kong tinapon ang tuwalya sa kaniya dahilan ng mahina niyang protesta. Kinuha ko na rin ang aking duffel bag at isinukbit sa aking balikat.



"It is too obvious!" She laughed. "There's so many guys out there wanting for your attention pero ni isa wala kang pinatulan! Duh... we've been friends for almost a year too and I already know you too well," she said proudly.



Nagsimula na akong maglakad papunta sa locker room at agad din naman niya akong sinunod. Nang makarating ay kinuha ko ang mga damit kong pantrabaho at nagpasiyang maligo na muna.



"Maligo ka na at bilisan mo," ani ko sa kaniya bago pumasok sa shower room. She saluted cheerfully.



I open the shower and welcomed the cold water. Napatitig ako sa kaharap na salamin at tinitigan ang aking peklat sa braso. Matagal na panahon na ito at nandoon pa rin iyon.



Napahinga ako ng malalim ng mapagtantong isa't kalahating taon na rin pala ang lumipas matapos mangyari ang lahat ng 'yon. Katulad ng peklat na ito'y hindi ko pa rin makalimutan ang sakit ng alaala ko noon. It is still there, hidden deep inside me. Pero kahit na ganoon ang nararamdaman ko, pinili kong iparamdam sa lahat na limot ko na at wala na akong pakialam doon. I will never be back to the old me. I will maintain my limitations within myself. I will never cross the line again the way I did before. It's all in the past. And I already learned from it.



OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now