Kabanata 09

490 31 6
                                    

09






----

Habang pinaninindigan ang pagtitig sa labas ay isang mahinang tawa ni Shanel ang narinig ko. Dahan-dahan kong ginalaw ang ulo ko at nakangusong napatitig sa kaniya.

I saw her staring at me. It's as if I'm a ridiculous joke in front of her.

"Okay ka lang, Phob? Kanina ka pa nakatuod diyan," naningkit ang mga mata niya habang natatawa. I grimaced.

"Okay lang. M-may iniisip lang," ani ko sabay tawa ng mapakla. Nababaliw na ata ako.

"Are you hungry?" Tanong ni Andrew. Napatingin ako sa kaniya at ngumisi.

"Hindi pa naman," ani ko kahit na talagang medyo kumakalam na ang sikmura ko.

Bahagya akong napasulyap sa direksyon ni Chrispher. Agad na kumislot ang puso ko ng nakatitig pa rin siya sa akin. Nag-iwas ulit ako ng tingin. Ano ba ang problema ng isang 'to? Kanina pa siya titig ng titig dito ah? Nakakabanas! Hindi ako mapakali!

Bahagya akong tumikhim at kunot-noo ulit siyang sinulyapan. Nang nagtagpo ulit ang mga mata namin ay tinaas ko ang kaliwang kilay ko at sinamaan siya ng tingin. Nagpakawala lang siya ng nakakalokong ngisi na agad din naman niyang tinigilan.

Ewan ko ba?! Talagang hindi ako mapakali e. Ramdam na ramdam ko kasi na may nakatitig talaga sa akin. Malakas pa naman ang instinct ko. Sanay ako sa mga titig ng tao.

Ngumuso siya at umayos ng upo sa kaniyang upuan. Kahit na nasa malayong lamesa siya ay kitang-kita ko ang pagpipigil niya ng ngiti. His eyes is smiling and sparkling. Tumikhim ako ulit at nakalimutan ko pang may sugat nga pala ako sa kanang braso, dahilan para sumakit ito ng akmang ipag-c-crossed ko ito sa gitna ng dibdib. Tangina.

"Phob! Dahan-dahan," saway ni Shanel ng mapansin ang mahinang daing ko.

"O-okay lang," pinilit kong tumawa para pigilan ang ngiwi. Naramdaman ko ang marahang paghawak ni Andrew sa kanang kamay ko kaya napasinghap ako.

"Be careful. Your wound isn't healed yet," aniya gamit ang malamyos na boses. Parang naghihili lang ng kambing e.

"Huwag nga kayo," ngumisi ako at tinitigan si Andrew. "Okay lang ako."

Andrew pursed his lips hiding a smile and looked away. Napailing na lang ako at napasulyap ulit kay Chrispher. Kung kanina ay ngiting ngiti at parang kinikiliti, ngayon ay busangot na. Nakanguso siya habang palipat-lipat ang tingin sa akin at sa kay Andrew.

Nangunot ang noo ko at ininguso ang kaharap niyang si Berenice. Kapag ako mapansin ng Berenice na 'yan at samaan na naman ng tingin, makakatikim na talaga ang lalaking 'to sa'kin.

Tingin ng tingin dito e may kasama siya?! 'Di ba 'yan timang?! Naghahanap talaga ng perwisyo e. Nag-iwas ako ng tingin ng dumating na ang waiter para ihanda ang mga pagkain namin. Napasulyap ulit ako sa kay Chrispher at nakitang sineserve na rin ang pagkain nila. He twitched his lips while staring blankly at Berenice. Parang may sinasabi si Berenice at base sa body language nito ay nagku-kwento ito ng isang nakaka-excite na bagay, at si Chrispher bilang loko-loko... napaka-boring ng ekspresyon.

Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa tamad siyang gumalaw at kinuha ang cellphone sa bulsa. Hindi na pinapakealaman pa si Berenice. Hindi ko alam na may pagka-bastos rin pala ang ugali ng isang 'to. Napahinga ako ng malalim at napailing na lang.

Itinuon ko na lang ang pansin sa dumating na pagkain hanggang sa naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko ito at tinitigan ang message... galing kay Chrispher. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nahuli siyang pasimpleng ngumi-ngisi sa akin.

OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now