Kabanata 40

383 16 0
                                    

40




---

Kagat labi at palipat-lipat ang pwesto ng mata ko habang pilit na sinasanay ang sarili sa bawat titig niyang nakakatunaw. Chrispher's eyes never left mine since we decided to go to the balcony to start our conversation.


"T-tungkol sa..." hindi niya ako pinatapos.


"I know. I know why you're here," his dark piercing eyes made me shiver. Kanina pa siya ganiyan. Una'y para siyang tuta na iniwanan lang sa kung saan tapos ngayon para nang leon na ano mang oras ay susunggaban ako ng walang kalaban-laban.


"M-mas maganda siguro k-kung kasama natin sina Lupin at Chief Manulo p-para mapag-usapan natin ng maayos..." It's better if we're complete. Pareho naming kailangan si Chrispher kaya kailangan nandoon kaming lahat kapag kakausapin na namin siya ng masinsinan. Sa ngayon ay... mukhang hindi magiging maayos. At hindi ako masiyadong makapag-isip.


"Okay." He said mindlessly.


"N-nandito lang talaga ako para kausapin ka at pursigihing makipag-usap at makipag-aligro sa amin..."


"Okay..."


Napayuko ako bago napalunok. Ano ba ang meron sa pakikitungo niya sa akin ngayon? Bakit ang lamig niya?


"K-kailan ka libre para maayos ko ang pagkikita nating lahat?"


"I'm always free once you set a time to meet..."


Tikom ang bibig akong napatango. I can't help but to feel so uncomfortable. Sino ba namang hindi? Kahit na may damit na siya ay pakiramdam ko nag-aalab na naman ang buong katawan ko. It's because of those eyes. Bakit ayaw na niya akong tantanan?


"Are you really sure you don't want to talk about that matter between us—" nang alam ko na agad kung saan patungo ang sasabihin niya ay hindi ko na siya pinatapos.


"Next time na..." Mabilis akong napatayo. Nang akmang magpapaalam na ako paalis ay agad niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan. Napasinghap ako at gulat na napatitig sa kaniya.


His eyes lit up for another expression. He looks so hopeful all of a sudden. Bakas rin ang pag-aalinlangang mapangiti sa itsura niya dahilan para bumilis ulit ang tibok ng puso ko.


"R-really? A-are you giving me a chance?"


Bagsak ang panga akong napakurap dahil sa sinabi niya. Inalala ko ulit ang mga sinabi ko at pigil hiningang kinurot ang sarili bago mariing napapikit ng mata.


"C-Chrispher..." I tried to give him an apologetic expression but it feels like he can't get it. "...a-alam mo naman siguro kung gaano pa ka delikado ang sitwasyon natin ngayon 'di ba? At tsaka..." Napalunok ako bago pagod na napahinga ng malalim. Sa tuwing naalala ko si Berenice naninikip ang dibdib ko. "A-ayaw kong may mangyaring gulo sa pagitan natin..."


"Matagal nang magulo sa pagitan natin..." Matigas niyang sagot. "Kailangan lang natin 'tong ayusin..."



"P-pero..."


"Alam kong hindi 'yon magiging madali. P-pero... hayaan mong iparamdam ko sa'yo ang nararamdaman ko. All I need is you to let me. Hindi kita pipilitin kung... kung w-wala na talaga. S-sabihin mo lang sa akin kung naiirita ka na sa akin. Sabihin mo lang kung napapagod ka na sa pagpupursige ko. Sabihin mo lang kung... kung hindi ko na talaga kayang ibalik ang nararamdaman mo sa akin noon..." Kitang-kita ko ang pagsisimula ng pamumuo ng luha niya sa mata. Nagsimulang manikip ang dibdib ko. "Titigil na ako... titigilan na kita... lalayuan kita. H-hindi na ulit kita pipilitin." Isang mapait na ngiti ang umalpas sa kaniyang labi.


OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now