Kabanata 21

369 22 0
                                    

21






----

I groaned and slightly massage the back of my neck. I slowly moved my body and I felt a heavy black jacket hanging around my shoulders. Napakurap ako at napakapit sa laylayan nito upang hindi ito tuluyang mahulog sa sahig.

Nang maalala ang nangyari ay napakamot ako sa ulo. Nakatulog pala ako kagabi sa paghihintay. Napahinga ako ng malalim at napatitig sa cellphone ko na katabi ko lang. Nang maalala ko kung sino ang hinihintay ay agad ko iyong kinuha at binuksan. And there, I saw Chrispher's messages. At nagstart iyon lahat, ala-una na ng umaga.

Chrispher:

I'm so sorry may family dinner kaya hindi ako nakapagmessage agad. Miss Police I'm so sorry.

Chrispher:

Huwag na. Ako na ang kukuha niyan sa'yo bukas. I'll bring another one tomorrow. I'm so sorry for the late reply Miss Police ko. :<

Chrispher:

Aagahan ko bukas para magkita tayo. I'm sure na hindi ka makakagym kaya diyan na lang ako didiretso sa headquarters niyo :(

Chrispher:

I want to see you. I need strength. Our Finals is so hard. Damn. Just fifteen minutes of your time is all enough to make my day.

Chrispher:

I miss you... :<

Napanguso ako at palihim na napangiti dahil sa mga mensahe niyang iyon.

Wait... Aish! What am I doing?! This is wrong! Nang akmang magtitipa na ako ng mensahe kay Chrispher at sabihing huwag na siyang magdala pa ng pagkain ay halos mahulog ako sa kinauupuan ng marinig ang pamilyar na boses ng kapatid.

"Ate, 'yong muta mo," he grimaced.

Namilog ang mga mata ko at agad na napanganga. Nabitawan ko pa ang cellphone dahilan para lumagapak ito sa aking lamesa.

"P-preston?!" Nagawa ko pang kurotin ng palihim ang hita ko habang nanatiling nakatitig sa kapatid. Nagbabakasakaling nananaginip lang ako at magising sa totoong mundo. Umangat ang gilid ng kaniyang labi at naiiling na nag-iwas ng tingin.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa kaba kundi dahil sa tuwa at galak na makita siya... dito mismo sa harapan ko! A-anong ginagawa niya dito? H-hindi na ba siya galit sa akin?

Dahil sa isiping iyon ay unti-unting nag-init ang mata ko at nagsimulang manubig. Na-miss ko itong bunso ko... sobra.

"A-anong ginagawa mo dito?" Nanginig man ang boses ko ay hindi ko na pinansin pa.

Napabaling siya sa akin, ngunit hindi rin naman nagtagal. He keep on distracting himself, mayroong nakatitig sa sahig, sa lamesa ko, sa kaharap niyang visitors seat at sa aking mga gun replica. Matagal din bago niya ako sinagot.

"U-umuwi ka na..." He looked away, looking embarrassed.

Agad kong naitikom ang bibig ng magsimula ng tumulo ang luha ko sa mata. Nag-iinit ang puso ko sa halo-halong nararamdaman.

"G-galit ka pa rin ba... sa akin?" I mumbled, enough for him to hear. He swallowed hard and took a deep sighed. Nang mapaharap siya sa akin ay agad na nanlaki ang kaniyang mga mata.

"Ate!" Nag-aalalang aniya at naglabas ng panyo sa kaniyang bulsa. Lumapit din siya papunta sa aking tabi. He handed me his handkerchief. "Damn. I made a promised to myself that I won't let you cry again!"

Mas lalo lamang ako napaiyak dahil sa sinabi niya. I pulled him and gave him a hug. I let my tears fall while hugging him, my head is resting in his abdomen dahil nga sa nakatayo siya at nakaupo lamang ako. I miss this little brother of mine. Hindi ko alam kung bakit nakaya ko siyang pabayaan sa loob ng dalawang araw. I am so afraid to confront them, that's why.

OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now