Kabanata 18

356 20 1
                                    

18






----

Napasinghap at namilog ang mga mata ko dahil sa nakita, ngunit hindi ko rin naman hinayaan ang sariling panoorin silang ganoon. Agad akong nag-iwas ng tingin at pinakiramdaman na lamang ang hindi ko maintindihang paninikip ng dibdib.

Maybe they are really in a relationship. It's normal to kiss when you both love each other.

But... Chrispher denied their relationship noong tinanong ko kung ano sila 'di ba? No, he keep denying it. So, ano sila kung ganoon? Kung hindi niya ito girlfriend bakit naghahalikan sila? Is that even possible? I scoffed. Is he lying to me? Pero para saan naman?

Damn! What is happening to me?

So, what if they kissed right?! The hell I care! Ano ba itong nangyayari sa akin? Sobra na ba akong nastress sa trabaho kaya ganito? Maybe it is. Kung ano-ano na lang kasi ang pumapasok sa isip ko at nararamdaman ko. Maybe I need to go to a doctor to get check. I shooked my head in disbelief.

"Kanina ka pa ,ah?" Andrew chuckled between drinking his wine. "You're spacing out."

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Kalaunan ay napakagat labi bago bagsak ulit ang tingin sa platong may hindi pa nagagalaw na pagkain. It's steak for my dinner. Gutom na gutom ako kanina pero hindi ko alam bigla na lang akong nawalan ng gana ngayon.

There's something stuck inside my mind. And I can't recall it. It's kinda... painful.

"I'm sorry..." I sighed. "Pagod lang siguro ako ngayong araw."

"You should go home after this, then." Tango niya at nagsimula ng kumain ulit.

Matamlay akong tumango bago wala sa sariling napasulyap sa salamin kung saan makikita ang repleksyon nina Chrispher doon. I noticed the change of his expression. He seems so happy kanina tapos ngayon parang natakasan na ng tuwa sa mukha.

I lick the insides of my cheeks and shooked my head again. Hindi pala girlfriend, ah? Ang galing.

Mabilis din naman kaming natapos ni Andrew na kumain. Inaya niya pa akong ihahatid niya ako sa bahay pero tumanggi na ako. Wala rin naman kasi akong plano na umuwi muna ngayon. Hindi dahil sa takot ako, iyon ay dahil ayaw ko munang makita ang kapatid ko na masama ang pakikitungo sa akin. Alam ko naman na kahit anong araw o oras ako uuwi ay hindi mawawala ang galit niya sa akin, hindi lang talaga ako handa na harapin muna siya, sila.

"Ako na magbabayad," si Andrew at kumuha ng pera sa kaniyang wallet. Agad akong naalarma.

"Huwag na Andrew ako na..." I awkwardly laugh at him. Nakakahiya kaya! Hindi ko naman inaasahan na pupunta siya dito e.

"No, Phob let me. My treat, okay?" He smiled and called the waiter. Gusto ko pa mang tumanggi ay hindi ko na nagawa. Naglagay na siya ng gold card sa tray ng waiter at umalis naman ito agad. Wala akong ibang nagawa kundi ang matawa at mapailing dahil sa ginawa niya.

Nang bumalik ang waiter para isauli ang card ni Andrew ay nagpasya na kaming umalis. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakatayo ay may tumawag na sa pangalan niya dahilan para matigilan din ako. As I look at the person who called him, my eyes grew wider at the sight.

"Andrew!" Isang matiponong nasa 50's na edad na lalaki ang lumapit sa amin. Kasama nito ang asawa ata na parehas lamang ng edad bata'y sa itsura. Hindi naman gaanong matanda dahil bakas pa rin ang kagandahan nito galing sa kaniyang kadalagahan.

"Tito Macias!" Nakipag-kamay si Andrew doon sa lalaki at bumeso naman sa kaniya ang babae. "I didn't know you're here! What a coincidence!" Masayang turan ni Andrew.

OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now