Kabanata 39

340 14 0
                                    

39



---

Malakas akong napasinghap ng makabalik ako sa realidad. Buong lakas kong tinulak ang lalaking basta na lamang yumakap sa akin. Ngunit agaran ding nanghina ng makita si Chrispher na tanging tuwalya lamang sa hita ang saplot. Mabilis akong napatalikod.


"Ano ba?! Nababaliw ka na ba?!" Habol ang hininga kong sigaw sa kaniya. Parang nakikipagkarera sa kabayo ang puso ko sa sobrang bilis! Nag-iinit din ang tenga't pisngi ko. Pati balahibo ko, naninindig! Ano ba itong pinaggagagawa niya?!


"I'm not... dreaming, right?" He mumbled.


"E-ewan ko?! B-bastos ka ba?!" Pakiramdam ko basang-basa na ang likod ko.


"Miss Police..."


Nagpanting naman ang pareho kong tenga dahil sa narinig. Nagsimulang lumambot ang pakiramdam ko. My heart started thumping faster than before. Hindi ko akalaing... maririnig ko ulit ang palayaw niya sa akin noon ngayon at sa ganito pang sitwasyon.



"I-I'm not... dreaming right?" Namilog ang mga mata ko ng marinig ko ang bahagyang pagkislot ng kaniyang boses.


"Chris—" ngunit bago ko pa man tuluyang mabuo ang pangalan niya ay niyakap na naman niya ako ulit. "Chrispher!"


"Let's stay like this, please..."


"B-basa ka! Ano ba?!—"


"I'll buy all your favorite T-shirt just please let me do this..."


"L-lasing ka ba?!"


"I think... I think I'm dreaming. I don't want to wake up."


Napabuga ako ng hangin dahil sa inis. Kahit na nangangamoy alak ang hininga niya ay hindi ko pa rin maipagkakailang napakabango ng dating no'n sa akin. Nababaliw na naman ako.


Mariin kong ipinikit ang mga mata at buong lakas na tinanggal ang kaniyang mga kamay na nakapulupot sa aking bewang. Pero bakit ayaw matanggal?!


"Chrispher please... ayaw ko ng gulo. Bitawan mo na ako!"


"No one will dare to interfere us this time—"


"Chrispher!"



"I'm sorry..."


Tumigil ako sa pagpupumiglas ng maramdaman ko ang dahan-dahang pagkabasa ng aking kanang balikat lalo na ang bahagyang pagnginig ng kaniyang katawan. Sinundan niya iyon ng nakakapanindig balahibong hikbi na ni minsan ay hindi ko na ulit inasahang maririnig sa kaniya.


"I'm so sorry..." He sobbed.


His hold is getting tighter and tighter. Pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nawawalan ako ng lakas ng loob na sawayin siya.


Unti-unti namang umuusbong ang sakit at mga alaalang pilit ko nang kinalimutan noon pa. Para iyong talon na agad na lamang nagsulputan sa utak ko. Hindi ko akalaing ganito lang pala kadaling matalo ang sarili ko. Hindi ko akalaing mababalik lahat ng mga nararamdaman ko noon sa simpleng yakap niya lang sa akin ngayon.


"N-nandito ako para tulungan ka. Hindi ako nandito para sa ating dalawa..." Nanginig ang boses ko.


Ngayong bumalik na ulit ang nararamdaman ko sa kaniya na matagal bago ko napatunayan noon, paniguradong magsisimula na naman akong masaktan. Mauulit at mauulit ang lahat at paniguradong mas magiging kaawa-awa ako ngayon.


OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now