Kabanata 16

423 28 2
                                    

16






---

"A-anong ginagawa mo dito?" Habol ang hininga kong sabi. Nagawa ko pang pasadahan ng tingin ang suot kong oversized long sleeves at short shorts. Ayos naman siguro ako, 'no? Ayy bakit ba?!

"Kinakamusta ka," he said as he walked his way through my room. Napasinghap ako ng hindi ko na siya napigilan pa. I bit my lower lip as I stared at him, confused.

Nakanganga at bilog ang mga mata niyang pinasadahan ng tingin ang kwarto ko. He looked so childish and innocent the way he did that. The smile on his eyes is priceless. He roamed my room with pure amazement and adoration. I can't help but to feel proud about my own room.

Pinaghalong white at creamy brown ang kulay ng kwarto ko. Ang queen size bed kong kama ay kulay baby blue. Ang maliit kong bookshelves ay nagkakalaman lamang ng konting libro pero maayos naman ang pagkaka-arrange. May nakasabit naman na kulay pink na gitara sa gilid lang ng pintuan ko at isang violin naman malapit sa may bintana kong may kulay skyblue na kurtina. Regalo pa iyon ng lola at lolo ko noong 18th ko. At isang malaking gun replica na nasa wall sa harap lang ng kama ko.

"Wow..." Chrispher muttered silently as he set his gaze in front of my gun replica.

"I never imagine a girl's room to be look like this." He stopped and look at me. His expression made me feel a time lap inside my chest. "It's way more cooler than I expected."

It made me feel flattered. Napalunok ako sa kadahilanang maliban sa kapatid at Papa ko ay siya ang pangatlong lalaki ang nakapasok sa kwarto ko. Teka?!

"Hoy ba't ka nandito?!" Nasapo ko ang lalamunan ko pagkatapos sabihin 'yon. Aba?! Feel at home ah?! Kapal!

"As I said earlier..." He lazily sat on my bed and crossed his legs together with his hands on his chest. Kalmado lamang siyang nakatingin sa akin. "I am visiting and checking you."

Naitikom ko ang bibig ko at mabigat na huminga ng malalim. "Medyo okay na ako." Napakamot ako sa ulo bago namewang. "Sana nagtext o tawag ka na lang."

Para sa akin mas okay na 'yon e. He can just text or call at mas madali pa iyon kesa sa pagpunta dito. Tsaka baka may magalit... Nevermind.

Umalpas ulit ang nanunuksong ngiti sa kaniyang labi dahilan para kilabutan ako. "Iba pa rin ang text at tawag sa personal."

Napasimangot ako. "Umalis ka na nga!"

"Kakarating ko lang e."

Napabuga ako ng hangin at bigo siyang tinitigan. Parang nawala pa ata sa isip ko na matigas pala ulo nito. Napailing na lang ako at umupo sa aking kama, malayo sa kaniya. Para kasing may electric current kapag tumatabi siya sa akin.

"Champion ang team namin!" Bakas ang pagmamayabang at galak sa kaniyang boses bago dahan-dahang lumipat malapit sa akin. Naramdaman ko kasi ang malakas na pag-uga ng kama ko. "At ako ang may pinakamaraming puntos. I'm that inspired you know?"

Natigilan ako at hindi agad nakapagsalita. I just felt him sitting close to me. His scent covered my whole room na kung saan man siya ay maamoy at maamoy ko pa rin. Napalunok ako bago napabaling sa kaniya.

"Gumagabi na, bakit ka pa ba sumablay dito, ha?"

"Ang harsh mo talaga," he tsked and shooked his head. He even held his chest iyong tipong may masakit sa parteng iyon. "Paulit-ulit na 'yang tanong na yan, ah? Iba naman." Maktol pa niya.

"Kapag sa akin may nagalit, kakatayin kita," banta ko bago siya inirapan. Kapag kasama ko talaga ang lalaking 'to pakiramdam ko may masamang mata nakatingin sa akin e, tapos naaalala ko pagmumukha ni Berenice na mukhang witch. Tumitindig balahibo ko sa batok.

OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt