Kabanata 14

430 28 5
                                    

14






---
"Ahmm kahapon pala..." Si Chrispher.

Natigilan ako mula sa paghigop sa hawak hawak kong Hazel nut cappuccino coffee ng narinig ko ang pangangaralgal sa kaniyang boses. Tumaas ang magkabila kong kilay bilang pagtatanong.

Umalon ang adam's apple sa kaniyang leeg bago dumapo ang kaniyang mga mata sa aking kanang braso. Napakurap ako at hindi rin napigilang mapatingin doon. He seems so worried all of a sudden.

"Is your arm okay?" He asked with a bother on his eyes. Kumabog ng biglaan ang namamahinga kong bagay sa dibdib.

"O-Oo naman, bakit?" I tried to be more casual. His stare is too intimidating to me. Nagbibigay iyon ng nakakaliyong pakiramdam sa akin. Ilang ulit ko na nga ba itong napapansin?

"Kinarga mo kasi si Chacey kahapon, baka napano 'yan," aniya at napayuko sa kaniyang brewed coffee.

"H-ha?" Sa gulat ko ay halos mabitawan ko pa ang hawak na tasa.

Hindi niya ako pinansin bagkus ay nakatitig pa rin siya sa kaniyang kape. Napalunok ako sa kadahilanang may alam nga siya tungkol sa braso ko. Pero paano?

Bahagya akong gumalaw at kinomportable muna ang sarili sa upuan. Palipat-lipat ang tingin ko sa kaniya at sa kaharap na mesa. Hindi ako mapakali at nagtataka ako kung bakit parang may alam siya sa sugat ko gayong tagong-tago ito.

"About your arm. I know you have something hiding inside that jacket," he paused and took a deep breath. Sumeryoso ang itsura niya ng mapatingin ulit sa akin. Ang mga mata niyang nag-aalab at nagtatanong ang sumalubong sa akin.

"Saan mo 'yan nakuha? Pwede ko bang malaman?"

It made me caught off guard! May alam nga siya! Napakurap ako at napakagat-labi. Iniwasan ko ang mga titig niyang parang hinahalukay ang pagkatao ko.

"Ahh..." Napakamot ako sa sentido at naghahanap pa ng maaaring sabihin sa utak. "Na ano... Nadaplisan lang ng kahoy."

Bakit ba ako kinakabahan? His stare is giving me chills!

Nangunot ang noo niya dahilan para mas lalo lamang akong makaramdam ng kaba. Shit! Ano bang meron? Eh, ano naman kung malaman niya? Pamilya ko lang naman ang pinagtataguan ko nito dahil ayaw ko silang mag-alala.

"I'm worried. Chacey is a bit heavy, baka ma-infect 'yan." Napanguso siya. Namilog ang mga mata ko at kalaunan ay nagpakawala ng mahinang tawa.

"Hindi, ano ka ba? Okay lang ako."

I need to divert this topic. Napabaling ako sa kaniya habang pasimpleng napakamot sa ilong.

"S-saan ba tayo pupunta ngayon?"

Matagal pa bago niya ako tuluyang nasagot dahil nanatili ang nagtatanong niyang mga mata sa akin. Kalaunan ay bumalik ulit ang masigla niyang ngiti dahilan para manumbalik sa normal ang takbo ng puso ko.

Chrispher is really particular. There's something about him that I can't understand. Iyong tipong kapag hahayaan ko ang nararamdaman ko ay mawawala ako sa sarili ko.  And I'm starting to hate this feeling. Dahil hindi ako sanay!

"Sa tingin mo saan?" His eyes is squinting and teasing. Iyong tipong sa mga mata pa lang niya ay mababasa at malalaman mo talaga na may kalokohan siyang naiisip.

"Aba'y malay ko?" Pabiro akong umirap, dahilan ng pagsimangot niya sa akin. Palihim akong mapangiti dahil sa pagbabago ng mood niya.

"Ang hirap mong pasabayin," reklamo niya habang umiiling sa kawalan. Para pa siyang bata na nagkakamot sa ulo. Agaran ko namang naalala ang bunso niyang kapatid na napaka-cute at halos 'di ko makalimutan.

OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now