Kabanata 34

371 12 2
                                    

(Please look at the photos at the end of this chapter. Thank you!💕)

34





---
"Omygod!" Parang tangang ngumangawa si Beansey habang nakatitig sa akin na sinusukatan ng isang sikat na designer ng gown na kinuha ni Mama para daw sa akin.



Umangat ang gilid ng aking labi at kunot noo siyang tinitigan. "Kanina ka pa, ah?!"




"Just wear tuxedo, okay?! And be my escort!"




Napangiwi ako. "Tumigil ka nga!"




"I hate you!" She pouted.



Napailing na lamang ako dahil sa immature niyang ugali. Kanina pa siya dad ng dada tungkol sa susuotin ko. Bagay daw talaga sa akin mag-tuxedo. Kaunting ayos lang daw sa buhok ay mas magiging gwapo pa daw ako sa tunay na lalaki. Kung wala nga lang kaming importanteng bisita dito sa harap ay baka kanina ko pa siya nasakal. Gagawin pa ata talaga akong totohanang tomboy. Kainis.



Nandito kami ngayon sa bahay at pang-dalawang araw ko na rin ito sa isang linggo kong leave. Masyadong excited si Mama at gusto na agad makita at matapos ang gagawing gown para sa akin. Three days na lang din naman kasi ay magsisimula na ang event. Pero kakayanin naman daw iyon ng designer at dalawang araw lang daw ang kailangan ay matatapos na.



"Baby Presty!" Sigaw ni Beansey ng makita ang kapatid kong kakababa lang ng hagdanan at tila kakagising pa lang.



Ang kaninang kakagising lang na mukha ng kapatid ay agad na napalitan ng gulat lalo na nang tumakbo si Beansey papalapit sa kaniya. Umalpas ang ngiti ko sa labi ng muntik nang madulas si Preston sa hagdanan dahil sa pagmamadaling umakyat ulit pabalik ng kwarto. Beansey shouted at him and chased my terrified brother. Parehas kaming natawa ng designer dahil sa paghahabulan ng dalawa.



"Ilang taon na ba kapatid mo, iha?" Ani ni Mrs. Mendez na nagsusukat sa akin.



"21 na po 'yan," nakangiting ani ko. Sinukat niya ang balikat ko pababa.



"Ang gaganda pala ng lahi niyo 'no? You and your brother are both good-looking. Halatang mana sa ina at ama," sinabayan niya ito ng mahinang tawa na siya ko namang tinugunan.




Hindi rin naman nagtagal ang sukatang iyon at gumiya na naman kami sa sidepool kung nasaan sina Mama at isang make-up artist.



"Ngayon pa lang nakikita ko na ang anak kong nakasuot ng gown," ani ni mama habang may papunas-punas pa nang mata, tila naiiyak. Mapakla akong napangiti at nag-iwas na lamang ng tingin sa kanila nang sabay na silang nagtawanan.




"No need for bolder make-up for her, Madam. She's even gorgeous without those." Ano ng make-up artist na bakla habang ngising-ngisi sa akin.



Ewan ko ba? Agad na bumalot ang halong hiya at pagkaasiwa sa akin. Nakakapanibago at talagang hindi ako sanay. Iniisip ko pa lang na magma-make-up ako at nakagown ay para na akong maiiyak sa irita. Pero alam kong wala akong magagawa. Um-oo na ako sa nanay kong parang mas excited pa sa taong maghahanda ng birthday!



Noong nag-aaral pa ako'y isang beses lang akong nakasuot ng gown. At 'yon ay noong prom namin. Tulad ngayo'y napilitan lang din ako. I'm not really that attentive when it comes to those things. I'm more on focused on aiming my outcomes than thinking about my appearance. I prefer slacks than pencil cut skirts and broad shorts than short-shorts pero minsan talaga ay napipilitan. But, I'm not lesbi katulad nang iniisip ni Beansey. Babae pa rin ako ngunit iba lamang ang pananaw lalo na sa mga susuoting damit at pormada. 



OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now