Kabanata 10

499 29 3
                                    

10





---

"Ate!"

Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa aming gate ay ang nakangiting mukha na ng kapatid ko ang bumungad sa akin. He run fast my direction. Ngumisi ako at inangat ang kaliwang kamay. Tumatawa siyang nakipag-apir sa akin.

"Ang tanda tanda mo na, para ka pa ring bata," nakangiwing ani ko at bahagyang ginulo ang kaniyang buhok.

"Eh, ikaw kaya?! Ginagawa mo 'kong bata." He rolled his eyes.

"Syempre, bunso ka e. Baby boy kumbaga." Napangisi ako nang agad siyang napangiwi. Tinampal niya ang kamay kong nakahawak sa kaniyang ulo. Napatawa ako.

"Yuck!" Lumayo siya sa akin na parang isa akong malaking dumi sa harap niya.

"Arte mo," I chuckled. I looked around and walked towards the door. "Asan si Mama? Si Papa ba nakauwi na?"

"Si Mama nasa kusina, si Papa nasa opisina. Nag-aalala ng tudo si Papa sa'yo Ate kaya umuwi na agad. Kinancel pa ata ang isang mahalagang meeting para makauwi at makita ka," tumawa ang kapatid ko. "Huwag mo sabihin sa kaniya na sinabi ko 'to sa'yo Ate, ah?! Yari ako kay Papa."

"Suss?! Baka gawagawa mo lang 'yan, ah? Ikaw mayayari sa'kin," naiiling ko siyang nilagpasan. Nang makarating sa kusina ay nakita ko si Mama na busyng busy sa ginagawa.

Nag-init ang puso ko ng makita ko si Mama na naglalagay ng icing sa cake. Napangiti ako. Gusto ko pa sana siyang pagmasdan bago lapitan pero itong loko kong kapatid ay sinira ang plano.

"Ate! Kailan ba ako gumawa ng mga istorya para sa ikakatuwa mo, ha?! Baka natamaan ng bala 'yang utak mo at hindi mo lang— Aray!" Isang batok ang agad niyang natamo galing sa akin. Sinipatan ko siya bago napatingin kay Mama na nakanganga at naiiyak na lumalapit sa akin. Agad na nagbago ang ekspresyon ko.

"Ma," ani ko at hindi na nagdalawang isip pang yakapin siya. I kissed her forehead.

"Phob! O-okay ka lang ba talaga?" Aniya at bahagyang kumalas sa yakap para matitigan ang buo kong katawan. She even gripped my right arm which made gasped in pain for a second. Tudo ang ngiti ko para itago ang sakit.

"O-okay lang Ma," pahapyaw akong tumawa. "Para namang giyera ang pinuntahan ko."

"Giyera kaya 'yun!" Sabat naman ni Preston habang tinitikman ang chocolate cake na ginagawa ni Mama. Pinandilatan ko siya ng mata bago napatitig ulit sa namumungay na mata ni Mama.

I smiled at her when I saw her staring intently at me. Iyong tipong binabasa niya ang buong pagkatao ko. Nagbabakasakaling makakita ng isang 'di kapani-paniwalang bagay.

"Ma naman," paglalambing ko at yakap ko ulit sa kaniya.

"I'm just... I'm just so worried, Phob. Hindi ako makatulog nang maayos kakaisip sa'yo..." Napapiyok siya at hindi na napigilan pa ang mga luha sa mata.

Nag-init ang mga mata ko dahil doon. Seeing my mother crying is so heartbreaking. I hugged her tight again and forced myself not to fall a single tears. I'm strong and I need to prove it to them.

"Suss, Mama naman. Nandito pa ako, oh?!" Tumawa ako at hinagod ang kaniyang likuran.

Umiyak lang siya sa mga bisig ko na pinabayaan ko na lang. Alam kong medyo may pagka-OA si Mama minsan pero alam kong ang pag-aalala nila ay talagang hindi mapapantayan.

I hate myself. I hate myself for making them feel this way. Pero para sa kanila din itong ginagawa ko at... ito ang gusto ko. This is my dream and my passion. Ngayong abot ko na ay bibitawan ko na lang ba? Oo at mahirap pero kailangan ko itong panindigan. This is also my way to keep them safe. I can defend them, and I can be their bulletproof in any way. My family is the most special treasure that I have. And I can't imagine myself without them.

OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon