Napatingin ako sa kanya..

" Sa amin? Sa Ilocos?" Tanong ko.

Tumango ito.

" Bakit naman?" Takang tanong ko. Ngayon lang kasi nito sinabi ang bagay na iyon. Dati parang wala siyang paki kung san man ako nanggaling pero ngayon, gusto na niyang pumunta?

Nagkibit balikat ito.." Gusto kong makita kung san ka lumaki." Sagot nito aat nagpatuloy sa pagkain.

Binalewala ko na lang iyon. Ano namang masama kung gusto niyang makita kung san ako lumaki? Wala naman diba? Pero maarte ang lalaking yan. hindi siya sanay sa mga pangmahirap na lugar. Baka pag nakita niya ang lugar kunbg san ako lumaki, lalait laitin niya lang. May pagkabastos pa naman ang bunganga niyan..

" Wag ka nang pumunta dun. Wala rin namang magandang pasyalan dun eh." Sabi ko..

" Ano ka? Meron kaya. sa Vigan? Malapit na duon yung sa inyo diba?"  Sabi nito.

Kahit ano pang sabihin nito, hindi ko siya ipupunta duon. Ang dami kayang tsismosa dun sa amin. 

Kinabukasan ay naglibot ulit kami ni Cray. Dalawang araw na kami dito at bukas ay pupunta na kaming sagada. Isang linggo lang kami dito sa Baguio dahil balik trabaho na ulit si Cray. One week lang kasi ang leave nito sa office eh. 

" Saan tayo sunod?" Tanong ko kay Cray habang papalabas kami ng 'the Mansion'.. Kumuha ako ng mga iilang pictures at hinarap siya.

" Tara sa Cathedral." Sabi nito..." Pero kumain na muna tayo." Sabay hawak nito sa kamay ko at hinila ako palabas.

Hinayaan ko siya sa paghila sa akin dahil gutom na din naman ako. Sumakay kami sa isang taxi  para pumuntang SM...dun na namaing naisipang kumain. Pagkadating namin duon ay pumasok kami sa Mcdo. Nag order si Cray ng pagkain at  ako naman ang naghanap ng upuan namin. Kumain kami duon at nagkwentuhan. Pagkatapos naming kumain ay agad kaming tumulak papuntang cathedral. Hindi ko alam kung anong gagawin ni Cray duon. Maganda siya. Sa ilang beses kong nakarating dito sa baguio ay kahit minsan ay hindi ko pa ito napuntahan.

Pumasok kami sa loob nun. May iilang mga taong nagdadasal akong nakikita at sa gilid ay mga magbabarkadang kumukuha ng mga litrato. Naglakad kami ni Cray papunta sa mga upuan at lumuhod duon. I bowed my head and started to pray. Nakita kong ganun din ang ginawa ni Cray. Actually, wala na akong mahihiling pa. Because i'm contented with my life now. Having a man who always there loving me over and over again is a contentment in my life..Asawang mapagmahal, pamilyang laging andiyan para sa suportahan ako. kaibigang masasandalan at ang mga bago kong kakilalang tumanggap sa akin ng totoo. Having them is a God's gift to me. Alam kong hindi perpekto ang buhay pero magiging perpekto lamang ito kung matututo kang makuntento. I'm contented. And i can wait for the next gift that god given to me. And that's our baby.

...........................................................................................

Hi sa mga new followers ko.(.kaway kaway)..thanks for voting guys..:)

Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Where stories live. Discover now