Hinawakan niya ko sa dalawa kong kamay at nagpupumiglas naman ako. "Ano ba!! Bitawan mo ko!!"

"Alam mo bang ikaw lang ang gumawa sakin nun huh! At hindi ako makakapayag na hindi ako makakaganti sayong babae ka.!" sabi niya habang pilit na nilalapit yung mukha niya sa mukha ko. Pero hindi ako makakapayag na gawin niya yun. I.dont.want.to.

"Bitawan mo kong manyak ka!!"

Pero hindi niya parin ako binibitawan. Ghaadd. Bakit ba napakalakas ng lalaking ito.

"Sabi niya bitawan mo siya, Wala ka bang simple literacy?"

Natigil naman yung lalaki sa ginagawa niyang pagpipilit sakin pero nakahawak parin yung kamay niya sa kamay ko ng napakahigpit. Tiningnan ko yung lalaking nagsalita.

"A-Arl?" Hindi ako makapaniwalang nandito siya.

"Huwag kang makialam dito dude."-sabi niya kay Arl.

"Tulungan mo ko please! Tulungan mo ko Zenberg!!"-sigaw ko. Habang sinisipa-sipa yung lalaking nasa harapan ko. Pero hindi ko man matama-tamaan.

"Get.your.hands off of her.."-sabi niya nang may pagbabanta.

"Paano kung ayoko?" sabay ngisi ng lalaking to.

"Aray!! Masakit!! Ano ba!"

Hinigpitan niya kasi yung pagkakahawak sakin. At masyadong masakit. Pakiramdam ko parang magkakapasa ako nito.

Habang nagpupumiglas ako ay nagulat nalang ako ng bigla nalang humilata yung lalaki sa harapan ko. Nanlaki yung mata ko at hindi agad nakagalaw.

Papaanong?

Nabalik lang ako sa wisyo ng bigla akong higitin ni Arl patungo sa kanya. Pagkatapos non tinuro ko yung lalaki.

"Papaanong? Anong? Papaanong? Anong?" Yun lang yung lumalabas sa bibig ko kasi nasa state of shock parin ako.

"Kung anong nakita mo yun na yun"-sabi niya at lumakad. Sinundan ko naman siya.

"Pero! Aish. Ano- ummm. Thanks nga pala" nahihiyang sabi ko.

Natigil naman siya sa paglalakad at tumingin sakin.

"What are you doing here? I thought you're-"

Pinutol ko yung sasabihin niya.

"Oo alam ko na hindi ako anak mayaman. Nandito lang naman ako kasi inutusan lang ako. Proxy kung baga."-ako sabay lapit sa kanya. "Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Dugtong ko.

"Business" maikling sagot niya. So isa rin pala siya dun. No wonder anak mayaman nga pala siya. Tsk.

"Saan ka pupunta?" Ako habang nakasunod lang sa likod niya hindi ko naman kasi alam kung saan pupunta.

"Sa loob. Sasayaw sama ka?" Sabi niya.Tumawa naman ako. Siya sasayaw? Hindi nga? "Yung totoo. Ikaw? Sumasayaw?" Hindi ko ma imagine.

Napahinto naman siya sa paglalakad kaya huminto rin ako. "Bakit?" Tanong ko.Tiningnan niya lang ako. Ewan ko kung bakit. Maya-maya lang ay kinuha niya yung kamay ko. I mean dalawang kamay ko mismo tapos inilagay iyon sa balikat niya tapos nilagay niya naman yung kamay niya sa bewang ko. Nagtaka naman ako sa ginagawa niya.

"Anong trip to? Pwedi akong eh inform?" Tanong ko.

Pero nginisian niya lang ako tapos nag-umpisa siyang gumalaw. Sumunod lang ako sa ginagawa niya.

"Hoy! Ano to?" Singhal ko sa kanya. Para kasi kaming sumasayaw.

"We're dancing. Ayaw mo kasing maniwala na sumasayaw ako. So, ito pinapakita ko." He said. Pinalo ko naman siya sabay ngiti sa kanya. Oo ako na malandi! Paki niyo ba?!

"Tsk. Oo na. Marunong ka na. Grabi to dinamay pa ko." Sabi ko.

Patuloy lang kami sa pagsasayaw na dalawa. Para nga kaming timang eh. Pero wala kaming paki! Rinig din naman yung music dito kaya hindi na namin kailangan pang pumasok.

"Saan ka natutong sumayaw huh Zenberg?"

"How about you?"-siya

Psh. Bat ang hilig nitong ibalik iyong tanong.

"Kay tatay eh ikaw?"

"Sariling sikap"

Oh? Galing. Teka napapagod na yung paa ko. "Time First muna. Masakit na yung paa ko. " sabi ko habang tinatanggal yung sandals ko.

"What are you doing?" tanong niya habang inaalalayan ako.

"Nagtatanggal ng sandals. Obvious ba?" ako sabay upo sa lupa. Sinunod niya din ako at umupo sa tabi ko.

"Diba Jeth transferee kayo. Bakit nga pala kayo lumipat?" Pagbubukas ko ng usapan. Wala lang gusto ko lang magtanong.

"Because I want to grant my sister's wish." He said. Napatingin ako sa kanya and I saw pain in his eyes. What's with those eyes bakit ang-- "She wished before she died." Dugtong niya. Now I know kung bakit nasasaktan siya.

"Sorry." I said. Pero hindi siya kumibo.
"Hindi ka ba papasok?" Biglang tanong niya. Umiling ako.

"Ayoko tinatamad ako. Masyado akong OP sa loob. Bakit ikaw?"

"Yeah" sabi niya.

So wala akong kasama dito? Papasok nalang ako pag ganun. Ano namang gagawin ko dito pag walang kasama. Mag-eemo? Haay. No choice papasok nalang talaga ako.

Tumayo ako nang-akmang tatayo rin siya pero sa pagtayo ko na yun ay na out of balance ako. At ang resulta.--- Bumagsak ako sa dibdib niya.

"Ouch! Ang tigas naman!" Utal ko habang hinihimas-himas yung noo ko. Grabi namang katawan to ang tigas parang pader huh.

"Aham."- rinig ko galing sa kanya.

Tiningnan ko naman siya. Ang Awkward ng position eh? Tumayo naman agad ako pero kung minamalas ka nga naman natumba ulit ako. Ano ba yan! And this time masasabi ko na talagang mas awkward to. Ghad. Ang lapit ba naman ng mukha niya sa mukha ko. Kasi naman eh naupuan niya pala yung damit ko. Paano pala ako makakatayo ng maayos? Aish.

Nagtitigan lang kaming dalawa. Parang na paralisa ako na hindi makagalaw. Ewan ko ba at bakit ganito. Bakit parang kinakabahan ako?

"Ah ano.. Eh. Ano y-yung damit ko kasi. A-ano---"

Tsup

Lumaki yung mata ko sa ginawa niya. Did he just kissed me? "A-anong" Ghaaaadd. Bakit wala akong masabi. Diba dapat pinalo ko na siya. Sinuntok sa ginawa niya. Sinigawan? Imbes na magsalita ay dali-dali kong hinigit yung damit ko at tsaka tumayo. Tumayo rin siya agad.

"Sorry" sabi niya.

Bigla namang kumabog yung dibdib ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya ang ginawa ko ay bigla nalang akong tumakbo papasok sa loob.

Kumuha ako ng wine at tsaka ininom yun ng deritso. Kahit hindi ko gusto ang lasa, inom parin ako ng inom. Natigil lang ako sa pag-inom ng makita kong may naghahalikan sa gilid ko.

Napahawak ako sa labi ko. Ramdam ko parin yung paghalik niya sakin. Hindi ko alam kung bakit ganito. Nabalik ako sa wisyo nang maramdaman kong tumutunog yung cellphone ko. Kinuha ko iyon at sinagot iyong tawag.

"Hello Yan?" Sabi ko.

"Ate? Kamusta ka diyan?" Tanong niya. Parang kinakabahan siya na ewan. "Okay lang naman Yan. Bakit?" Sabi ko.

"Ate uwi ka agad ha? Sige bye." Sabi niya at pinatay iyong tawag. Anong problema non? Hay. Ewan! Tumingin ako sa harapan at ang weird nila ha. Panay ang sulyap sa akin. Napailing nalang ako. Nagiging paranoid na naman ako, epekto na siguro ito ng wine. Hay.

.

(Vomment po)

EXO>

_ladymania.

Book 1: When I Met This GangsterOù les histoires vivent. Découvrez maintenant