Episode 29

673 47 15
                                    

Episode 29

KYRIE

Binuksan ko ang pinto at nilingon si Kairi na matamis na nakangiti sa likuran ko. 'Tapos na siyang magsuot ng school shoes niya. Good thing, nilabhan ko 'yung school uniform niya kaya may nagagamit siya ngayon.

Pero nakakapanibago na hindi niya gamit 'yung madalas niyang gamitin sa buhok. Naiwan siguro sa bahay nila. "Sure kang ayaw mo munang magpahinga?" Tanong ko sa kanya. "Excuse ka naman." Dagdag ko.

Humawak siya sa braso niya at mas nginitian ako kaysa kanina. "Geez, Kyrie. Do you actually want me to spend my time alone? I don't want to get sick again."

Hindi ba't mas bibinatin ka kung magkikikilos ka?

Humakbang siya ng isa para hawakan ang doorknob, tiningnan ko iyon saka niya itinulak ang pinto para isara. "Bakit mo isinar--" Naputol ang sasabihin ko nang ilapit niya ang kanyang mukha sa akin.

Naaamoy ko tuloy 'yung shampoo na ginamit niya, pareho na kami ng amoy. "Natulog ka ba talaga? Ang taba ng eyebags mo."

Lumunok ako bago ako lumingon sa kanang bahagi para ilayo ang tingin. "Yeah, kahit papaano." Sagot ko pero ang totoo, hindi talaga ako natulog.

Binigyan lang niya ako ng pangdudududang tingin bago hawakan ang kanan kong pisngi at iharap sa kanya. "Wanna ditch together? Matulog na lang tayong pareho."
Lumawak ang ngiti sa kanyang labi dahilan para hawakan ko ang pulso niya, inalis ko ang kamay na nasa pisngi ko't tumagilid.

Kung magpapatuloy 'to. Baka makagawa pa 'ko ng bagay na hindi dapat at wala sa kontrol.

"N-No, may kailangan din akong gawin kaya kailangan kong pumasok." Wika ko at tumikhim.
Tumaas ang dalawa niyang kilay. "SSG, eh?" Sambit niya habang binibigyan ako ng walang ganang tingin. Nakatingin lang din'ko sa kanya nang ibaling ko na lamang.

Pasimple akong humawak sa labi ko. Na-conscious ako ng wala sa oras dahil sa labi ni Kairi. Pakiramdam ko, nag dry 'yung lips ko. Dahil ba 'to sa walang tulog?

Nilingon ko si Kairi. "May lip balm ka bang dala d'yan?" Tanong ko kahit alam ko namang wala. Wala naman siyang dalang gamit nung isang araw.
Binawi ko na nga lang. "Ah, hindi huwag na pala. Wala ka pa lang dalang gami--"

"Mayro'n ako." Tugon niya kaya humarap ako sa kanya.

"Talaga? Pwedeng makihira--" Ipinulupot niya ang mga kamay niya sa leeg ko at binigyan ako nang mapang-akit na ngiti.

"Labi ko." Lumapat ang labi niya sa labi ko pagkatapos niyang sabihin iyon.
Nawalan ako ng balanse kaya napaatras ako't napasandal sa pinto.
Gusto kong alisin pero,

...bakit ko siya sinasabayan?

Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa beywang niya para mas ilapit siya sa akin. Mukha rin siyang nagulat gayun din ako kaya itinulak ko na nga siya palayo.
Tumungo ako at tinakpan ang labi ko gamit ang likurang palad, nanginginig ang mata na nakababa ang tingin sa sahig.
Hindi pa rin makapaniwala sa ginawa ko. "A-Ah, ano..."

May biglang nagbukas ng pinto kaya tumingala na ako. "Good morning... Teka, bakit?" Takang sabi ni Jennifer nang makita kaming pareho na nakatingin sa kanya. "Saka mga nag blush on ba kayo? Ang pula ng pisngi n'yo."

Nanlaki ang mata ko 'tapos mabilis siyang nilapitan para hawakan ang dalawa niyang balikat. "S-Sakto! Nandito ka na, pakilinisan na lang 'yung loob habang wala kami, ha?"

"Linisan?" Taka niyang ulit sa aking binanggit 'tapos tiningnan ang loob. "Ikaw? Marurumihan ng-- Hey." Tinulak ko na siya paloob.

"Oh, sige. Mauna na kami, bye." Pagmamadali ko saka lumabas ng dorm.
Hiyang-hiya pa rin ako sa ginawa ko at wala akong ideya kung bakit hindi ko na-kontrol 'yung sarili ko.

Kainis! Kainis!

KAIRI

Nanatili lang ako sa pwesto ko kahit na nauna si Kyrie. Ako 'yung humalik sa kanya pero namimilog pa rin 'yung mata ko sa gulat dahil sa paghalik niya sa akin pabalik.

"May nangyari ba?" Tanong ni ate Jennifer kaya tumaas nang kaunti ang balikat ko. Nginitian ko siya na parang walang nangyari.

"Wala naman, nag-usap lang kami ng mga bagay-bagay." Sagot ko, 'di ko pinahalata 'yung emosyon na nararamdaman ng puso ko ngayon.
Pero kung ako tatanungin, sobrang lakas nito na parang maririnig ng kung sinong lalapit sa akin.

"Oh, I see." Wika niya at itinaas ang kanang kamay senyales ng pagpapaalam. "Mag-ingat kayo pagpasok." Pagkaway niya na ngiti kong tinanguan bago lumabas, isinara ko ang pinto pagkatapos ay sumunod kay Kyrie.

JENNIFER

Kumakaway lang ako hanggang sa isara na ni Kairi ang pinto.

Tinakpan ko ang bibig ko upang magpigil ng hiyaw. May nangyari talaga, eh!
Halata 'yun sa mga mukha nila! Their blushing face and averted eyes.

Just what happened?! Ba't hindi ko naabutan?!

Sinabi ni Dimples sa akin kung ano ang relasyon nung dalawa noong nandoon ako sa bahay nilang pagkalaki laki..
May ideya na nga ako simula nung makita ko si Kairi Dela Valliere pero hindi ko inaasahan na darating pala talaga sa punto na babae 'yung pagtutuunan ng pansin ni Kyrie.

Nang makatuntong ako ng first year high school, pumasok sa isip ko na maaaring mamuo ang galit ni Kyrie sa mga lalaki dahil sa madilim niyang sikreto tungkol sa magulang niya. Kung hindi man galit, siguro 'yung tiwala.
At gaya nga ng mga naku-kwento niya sa 'min ni Maggie, hindi siya madalas makihalubilo sa mga lalaki.

Nahihirapan siyang ibigay ang loob niya sa kalalakihan-- hindi lang niya sinasabi sa 'min.

Pumunta ako sa kwarto at pabagsak na inilapag ang bag ko sa tabi kasabay ang pag-upo ko sa stool. Tiningnan ko ang paligid. "Hindi naman makalat." Sambit ko at inihinto ang tingin sa foam na nakatabi. Nandoon 'yung damit na ginamit ni Kairi kahapon.

Napangiti ako ng wala sa oras. Masaya ako kung sa'n masaya si Kyrie pero,

Tumingala ako saka kumulot ang labi ko dahil sa aking naiisip. Wala ng mas isasaya kung may nakikita akong innocent pure relationship between girls!

Naglabas ako ng hangin sa ilong na parang isang toro.

KYRIE

Narating na namin ni Kairi ang skwelahan at kasalukuyang naglalakad.
Tahimik lang kami mula kanina, kung mag-uusap man. Saglitan lang. Kaya para maiwasan ang ilangan, nagtanong na ako.

"Ano pa lang balak mo?" Tanong ko ng hindi inaalis ang tingin sa harap. "Hindi ka ba hahanapin?" Dagdag ko.

Tumingala siya nang kaunti. "Knowing them, hahanapin nila ako kung magtatagal akong hindi magpapakita sa kanila. Pero sa ngayon," Idiniretsyo na niya ang tingin saka ako tiningnan mula sa peripheral eye view. "Pwede ba 'kong manatili sa dorm mo?" Tanong niya ng hindi ngumingiti, hindi rin nakasimangot.

Napahawak ako ng mahigpit sa strap ng bag ko bago tumango. "Oo, kahit naman magtagal ka ro'n, okay lang."
Kung pwede nga lang huwag ka ng bumalik sa magulang mo... Kung pwede lang kitang ilayo sa kanila.

Humawak siya sa kamay ko at binigyan ako ng matamis na ngiti. "I like you a lot."

Iyon ang kauna-unahan na sinabi niya 'yan kaya 'di ko napigilang mapakagat-labi. Pakiramdam ko, ngingiti ako kung hindi ko kasi kakagatin.

***

BINUKSAN NA namin ang pinto at bumungad kaagad 'yung mga kaklase namin para lapitan si Kairi.

"Okay ka na ba, Kairi?"
"Isang araw ka lang absent pero na-miss ka namin."
"Sama ka sa 'min mamaya sa karaoke. Baka stress ka lang kaya ka nagkalagnat."

Labas sa ilong akong napangiti bago naglakad para pumunta sa pwesto ko, pero tinawag ako ng isa sa kanila. "Kyrie H. Sumama ka rin, ah?" Aya nito sa akin kaya lumingon ako sa kaklase kong nag-aya.

Ngumisi naman ang lalaki kong kaklase. "Minsan, magpahinga ka rin. Palagi ka na lang busy sa SSG."
Nag thumbs up naman ang isa. "Libre ko, kaya sama ka. Hindi rin sasama si Kairi kung wala ka, eh." Pag nguso pa nito saka tumawa ang iba naming kaklase.

"Bakit mo ginagamit si Kyrie H.?"
"Hindi ko siya ginagamit!"

Nakatitig lang ako sa kanila nang I-brush up ko ang bangs. Gusto ko silang makita ng maayos. "Titingnan ko kung makakasama ako mamaya. Pero salamat sa pag-aaya." Sagot ko na may matamis na ngiti sa aking labi bago ko sila talikuran. Pumunta na ako sa pwesto ko.

Medyo stiff pa nung pabagsak akong umupo. Hindi lang ako makapaniwala na darating ang araw na aayain ako para lumabas.
Hindi ko alam kung ano 'yung ganitong pakiramdam, pero natutuwa ako. Ang ganda sa pakiramdam.

KAIRI

"Ngumingiti pala talaga si Kyrie H?" Hindi makapaniwalang sambit nung kaklase kong lalaki. "Ang cute, sana palagi na lang gano'n para nakakausap ko."

"Matagal naman na talagang cute si Kyrie. Ayaw lang niyang ngumiti."
"Gaga, ngumingiti siya noon."

"Ano ngang dahilan kung bakit siya naging isolated?"
"Broken heart?" Hula nung isa.
"Tanga, broken bones 'yon. Hindi heart." Pagtatama naman ng isa.
"Hindi ba't close kayo ni Kyrie H.?" tanong ng isa noong makalingon sa akin. "Nagkaro'n na ba siya ng boyfriend?"

Bumuka nang kaunti ang bibig ko bago ngumiti. "Wala siyang nabanggit sa akin."

"Oh. Nandiyan nanaman si Reynald. May crush talaga siya kay Kyrie, ano?"

Pumukaw nga sa atensiyon ko si Reynald na kararating lang ngayon, doon siya sa harapan pumasok. Pagkalagay pa lang niya ng bag niya sa upuan katabi nung akin, pumunta siya 'agad kung nasaan si Kyrie.

"Halata naman. Pero sabi niya best friend lang daw niya."
"Utot. Defense mechanism lang niya 'yun para hindi siya masaktan."
"Pero bagay sila, tahimik si Kyrie ta's hyper si Reynald. Perfect combination."

Humagikhik sila pagkatapos niyon samantalang humawak lang ako sa bandang siko ko.

***

LUMABAS NA muna ako sa classroom at pumunta sa kalapit na vending machine. Bigla akong nauhaw kakadaldal sa mga kaklase ko, wala pa kasi 'yung adviser namin kaya ang haba nung free time namin.

Lumiko ako kung nasa'n ang vending machine, tumambad sa akin si Joe na nakasandal sa pader habang umiinum ng kape. Iyong kape na madalas ding inumin ni Kyrie.

Ibinaba niya ang iniinum niya nang makita ako. "Mornin'." Bati niya sa akin, wala pa rin siyang suot-suot na ekspresiyon.

Nginitian ko siya ng matamis. "Good morning." Bati ko pabalik bago pumunta sa harapan ng vending machine para makakuha ng maiinum. "Kaya pala hindi kita nakita sa classroom, nandito ka lang pala."

"Buti napansin mong wala ako?" Saad niya pero makikita mo 'yung kaunting pagkamangha.
Yumuko ako para makuha ang juice ko bago tumabi sa kanya't sumandal sa pader. Itinusok ko lang straw sa butas bago ko ilagay ang kaliwang kamay sa likuran. "Hindi, narinig ko lang na hinahanap ka ni Rosh." Tukoy ko sa kaklase ko.

Ibinaba niya ang tingin sa akin. "Before I went out. You looked down earlier so I'm actually wondering if you were okay."

Ngiti akong umismid kasabay ang pagkibit-balikat ko. "I just looked that way at the time, that's all." Sagot ko naman.

"That's Kairi Dela Valliere, right? Kasama niya si Joe!"
"Bagay na bagay sila, parehong sikat. Maganda't gwapo."

Pasimple akong nagbuga ng hininga bago inalis ang likod sa pagkakasandal sa pader. "Mauuna na muna ako sa classroom, baka nandoon na 'yung adviser natin." Paalam ko't nilingon siya na hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. "See you." Naglakad na nga ako, pero hindi pa ako nakakalayo nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Okay ka na ba talaga?" Tanong niya sa akin dahilan para mapatigil ako.

Siya 'yung taong nakakita sa akin sa daan habang dinadala ako ng mga paa ko patungo sa bahay ni Kairi. Gusto niya akong tulungan pero tinanggihan ko.

Flashback

Nakababa lang ang tingin ko, wala sa sariling naglalakad nang makarinig ako ng boses na tinatawag ako.

Niyakap ako ng kung sino para maiiwas sa sasakyan na babangga sana sa akin. Malakas na busina ang umalingawngaw sa paligid pero hinayaan ko lang ang sarili ko sa bisig ng lalaking may hawak sa akin.

Inangat ko ang tingin sa kanya, napagtantong si Joe pala ito.
"Muntik ka na." Wika niya, bakas sa boses ang pag-aalala.

Tumayo na kami ng maayos saka siya nagtanong kung bakit daw ako nagpapakabasa sa ulan, tiningnan pa niya 'yung pisngi kong namumula galing sa pagkakasampal ng ina ko.
Subalit hindi ako sumagot, at hindi niya rin ako kinulit para magtanong ulit.

lnalukan niya ako ng payong para hindi ako mabasa masyado ng ulan pero marahas kong hinampas ang kamay niya dahilan para mabitawan niya 'yung hawak-hawak niyang payong. "I don't need it." Malamig kong sabi bago magpatuloy sa paglalakad.

End of Flashback

Lumingon ako kay Joe saka siya binigyan nang kaunting ngiti. "Okay na ako, pero mas maganda kung wala kang pagsasabihan tungkol sa nakakahiyang bagay na 'yon. Though, I appreciate that you're worried." Ibinaling ko na ang tingin ko. "Thank you." Huling sinabi ko saka na nga ako nagsimulang maglakad ulit.

***** 

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon