Episode 27

605 44 5
                                    

Episode 27 

KYRIE

Inayos ko 'yung nakakalat na papel sa lamesa ng Peace Officer namin na si Clarence. Pagkarinig pa lang niya na may gulo raw sa building katabi nung sa amin, kaagad-agad na siyang umalis para puntahan iyon na siyang hindi niya pagsadyang pagbangga sa lamesa niya.

Hindi okay sa 'kin ang hindi malinis na kapaligiran o gamit kaya ako na ang nag-ayos tutal papel lang naman 'yung hindi maayos. Madali na lang kung ayusin.

Ipinatong ko ang isang mabigat na mug na may lamang iilang ballpen at tiningnan ang labas ng bintana. Nakikita ko na si Clarence at may hinahabol na estudyante, nagbigay pwersa siya upang makatalon ng mataas at dinaganan ang hinahabol niya dahilan para pareho silang bumagsak sa mabuhangin na lupa.

Bumuntong-hininga ako.

"Sige na, ayaw mo bang pagbigyan ang maganda mong ate?" Ibinaling ko ang tingin kay Dimples na ngayo'y kinukulit si Keith at hinihila ito patayo mula sa pagkakaupo.
Inayos ni Keith ang salamin niya. Pinapanatili ang kanyang pagiging kalmado. "Pero kailangan kong matapos 'tong ginagawa ko dahil mayro'n pa 'kong klase, s-saka banyo 'yon ng babae."

I flinched.

"Hehh... Diyan lang naman, eh." Pagnguso ni Dimples at kumapit sa braso ng secretary namin. Napahawak ako sa noo. Ano'ng ginagawa mong bruha ka?

Umurong si Keith at pilit na inaalis 'yung kamay na nakakapit sa braso niya. "Iyon nga, do'n lang naman kaya ba't ako?" Taka pa niyang sabi na animo'y nape-pressure.

Pumasok naman ang treasurer namin na si Alexis, ka-batch ko siya pero na sa kabilang building ang classroom. "Morning." Bati ni Alexis.

Magkatabi lang ang table nila ni Keith kaya nung papalapit na siya sa pwesto niya ay mabilis na inangat ni Dimples ang skirt ni Alexis dahilan para lumitaw sa mismong harapan ni Keith ang color Cyan panty with Blueberry design. Ba't hindi ka nagsho-short?!

Namuo ang pagkakamatis sa mukha ni Alexis at mabilis na ibinaba ang nakaangat na skirt. Samantalang sa sobrang kahihiyang naramdaman ni Keith, iniumpog niya ang noo sa sariling lamesa. Mabilis naman akong nagmartsa kung nasa'n si Dimples para kotongan siya. "Gaga ka! Bata ka ba?!"

Si Clarence naman ang sumunod nang malakas niyang buksan ang pinto. Ang dumi-dumi na nung damit niya, malamang dahil sa pag dive niya kasama 'yung estudyanteng hinahabol niya kanina. "I'm back!" Humawak siya sa likod ng ulo niya't naglakad palapit sa 'min. "Ano pa lang mayro'n at nagkumpol-kum--" Mabilis siyang yumuko nang ibato sa kanya ni Alexis 'yung isang librong nakuha niya sa tabing lamesa. Tumayo nang maayos si Clarence pagkatapos. "Bakit sa 'kin mo nanaman binabato 'yang galit mo?!"

Hindi ito ang typical Student Council na madalas mong makita dahil ang totoo, magugulo talaga ang mga tao sa SSG sa skwelahan na 'to na hindi mo rin aakalaing isa sa mga officers. Nag-iibang tao lang sila kapag lumabas sila sa kwartong ito-- meaning kailangan nilang umarte ayon sa posisyon o pangalang pinanghahawakan dahilan para respetuhin sila ng nakararami sa mga estudyante.

Tumingala ako. As for me, hindi ko naman kailangang magpakitang tao dahil kung ano naman ako sa loob ng SSG room, gano'n din ako sa labas.

Pumasok sa utak ko 'yung mga bagay na pinag gagagawa ni Kairi sa akin dahilan para manlaki ang mata ko't mapailing-iling. Bakit ko kailangang maalala 'yun?!

"Prez, watch out!" Rinig kong sabi ni Keith kaya nung lumingon ako sa gawi nila, sumakto ang pagsapul nung lumilipad na libro sa aking noo na nagmula pa yata sa pagbato ni Alexis. Sabay-sabay na napanganga ang lahat pagkabagsak ko pa lang sa sahig. "Prez!" Rinig ko pang tawag ni Keith habang hawak-hawak ko lang ang noo kong nananakit.

Binuhat naman ako ni Clarence sa balikat at umarteng umiiyak. "Huwag mo kaming iwan! President!"

Inis ko siyang tiningnan. "Huwag ka ngang magsalita na parang mamamatay ako!"

Humalukipkip si Alexis at nag-iwas ng tingin. "K-Kasalanan niya na hindi siya umilag." Paninisi naman niya sa akin. Kailan ko pa naging kasalanan ang mambato ng libro sa maling tao?!

May pumasok na kung sino. "Can anyone explain what happened?" Pagkarinig pa lang namin sa boses ng SSG adviser namin, tumindig 'agad ang balahibo namin. Pare-pareho kaming mga nagdahan-dahang lumingon para makita siya.

Lukot ang kanyang mukha, kunot-noong nakatingin sa amin at pulang-pula ang labi.

Ang paliwanag kasi niya sa 'kin nung maging isang ganap na President ako ng SSG. Kapag light lang ang gamit niyang lipstick, malalaman mong good mood siya pero kapag MAPULA ang labi niya, doon mo masasabing hindi talaga maganda ang mood niya.

...at nasaktuhan namin 'yung gulong nangyayari rito ngayon sa flow of mood niya.

Malakas niyang hinampas ang lamesa. "You brats, baka nakakalimutan n'yong mga SSG Officers kayo?!" Bulyaw niya sa amin kaya sabay kaming mga tumayo at dahil sumakit nanaman ang noo ko, ngumiwi pa ako.

"S-Sorry, Ma'am Hana!" Pareho't sabay naming paghinging pasensiya pero sa'kin ibinaling ng SSG adviser namin.

"Oh? Anyare diyan sa noo mo?" Mataray niyang pagtanong dahilan para ibaba ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa aking noo.

"Wala po, Ma'am. Tinuklaw lang po ng palaban na manok."
"Ha?" Reaksiyon naman ni Alexis na binigyan ko lang ng walang ganang tingin.

Malalim na nagbuga ng hininga si Ma'am Hana bago mapahawak sa kanyang noo na tila parang nakukunsume sa 'min. "Habang tumatagal, nagiging pasaway kayo. Gusto n'yo yatang magpulot ng kalat sa labas bilang parusa n'yo, eh, ano?"

"Ma'am, time is gold. It is precious. Imbes na parusahan mo kami, dagdagan mo na lang po 'yung trabaho namin para sa susunod na linggo." Pag-ayos ni Keith sa salamin niya dahilan para sabay-sabay kaming maglipat ng tingin sa workaholic na secretary na ito.

PARUSA rin 'yon!

***

HUMINGA AKO ng malalim saka bumuntong-hininga. Kasalukuyan akong nagpupulot ng kalat ngayon sa harapan ng flag pole kasama ang mga kasamahan ko sa SSG bilang parusa.

"Hahh... Ang init. Ba't nga tayo napunta sa ganitong sitwasyon? Parang impyerno." Parang pagod na pagod na sambit ni Keith.
"Sino ngang may kasalanan?" Tanong ni Clarence at sumulyap kay Alexis. May lumabas na ugat sa sintido ni Alexis subalit pinigilan lang niyang sumabog dahil marami-rami pang estudyante ang na sa paligid. "I'll smack you." She whispered.

Pinunasan naman ni Dimples ang pawis niyang noo gamit ang likurang palad matapos magpasok ng kalat sa dala-dala niyang plastic. May kanya-kanya kasi kaming hawak na trash bag.
"Maganda rin 'to minsan, ano? Exercise sa umaga." Pagiging positive ni Dimples na binigyan lamang ng bored look nung tatlo dahil alam naman talaga nila kung sino ang nagsimula kaya kami may parusa.

Nanahimik lang akong nagpupulot ng kalat, kung magsasalita kasi ako baka maubusan kaagad ako ng lakas. Saka para na rin matapos na 'tong trabaho ko na 'to.

"Absent ba si Kairi ngayon? Hindi ko yata siya nakita ngayong araw?" Paglapit ni Dimples sa akin.

I nodded. "Mmh. May sakit." Sagot ko dahilan para mapaawang-bibig siya.

"May sakit?" Ulit niya sa sinabi ko bago ako tumayo ng maayos mula sa pagkakayuko para magdampot ng kalat. "Parang okay lang naman siya kahapon, ah? Tinawagan ka ba niya?" Tanong niya sa akin.

Humarap ako sa kanya at tumingin sa hindi kalayuan. Sasabihin ko bang na sa dorm si Kairi ngayon kaya alam kong may sakit siya?

Umiling ako.

Hindi ako pwedeng maging selfish. Of course, she still cares even Kairi rejected her. She has the right to know.

"No, na sa dorm siy--" Naputol ang sasabihin ko nang mapasigaw siya.

"WHAT?! I'm not mentally prepared! Are you guys doing something sexy--" Tinakpan ko ang bibig ni Dimples.

Idinikit ko ang hintuturong daliri sa labi ko. "Shh! Bunganga mo!"

"Wow. Nagpupulot ngayon ng litter ang mga officers, ah?" Manghang saad ng isang babaeng estudyante na huminto sa paglalakad. Inalis ko na nga ang kamay ko sa bibig ni Dimples para humarap sa estudyante.

Pumaabante si Clarence at humawak sa batok niya. "Hindi kasi tayo pwedeng umasa palagi sa janitor. Kaya kung alam mong may kalat, pulutin mo para ilagay sa basurahan, ha?" Kumindat pa siya.

Makikita naman sa babae 'yung pagpula ng pisngi niya. "Y-Yeah! Of course!" Masiglang sagot nung babae bago kumaway paalis. "Keep it up!"

Kumaway lang din si Clarence.

"Plastic." Pagtataray ni Alexis sabay dambot ng candy rapper sa damuhan saka sila nagsusumbatan ni Clarence. Si Keith lang ang tagaawat nila.

"Kyrie." Nilingon ko si Dimples nang tawagin niya ako. Seryoso ang tingin niya sa akin. "I don't know what's going but tell me the details later. Sasama ako sa dorm after dismissal kung wala tayong gagawin sa SSG."

Tumitig muna ako sa kanya bago ko maalala 'yung iilan sa pasa ni Kairi sa katawan gayun din sa pisngi. Tinikum ko ang bibig ko't isinara ang mga kamao.

***

MATAPOS ANG KLASE at nang maipasok ko na ang mga gamit sa bag. Lumabas na ako sa classroom para dumiretsyo sa SSG. Kailangan kong malaman kung may gagawin pa ako kasi kung hindi, uuwi na ako para malaman ko kung ano 'yung nangyayari kay Kairi.

Tinawag ako ni Reynald kaya ako itong napatigil sa paglalakad para lingunin siya.
Lumabas siya sa classroom 'tapos ngiting huminto sa likuran ko. "May kaunting time ka ba?"

"Bakit?" Tanong ko nang makaharap sa kanya.

Umiwas naman siya ng tingin at kumamot sa likurang ulo. "Hindi, may sasabihin lang kasi ako sa'yo pero kung may gagawin ka pa," He paused. "Pwede ba kitang ayaing lumabas this Saturday?" Tanong niya pagkabalik niya ng tingin sa akin

Hindi na muna ako umimik. May ideya ako pero hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Lumabas ang mga tatlong ni Reynald sa classroom. "Mga p're, inaaya niya si Henderson, oh?" Parehong nanlaki ang mata namin ni Reynald. "Best friend daw, utot!" Panunukso pa nito.

Tumawa naman ang isa. "Huwag kang magpaloko diyan, Kyrie H. chic boy talaga 'yan." Hindi ako nagulat sa salitang chic boy pero sa tawag nito sa akin.

Inis naman silang tiningnan ni Reynald. "Gag*! Ginaya n'yo pa ako sa inyo!" Bulyaw niya saka siya paakbay na hinila nung mga kasama.

"Hiramin muna namin, ah?"
"Byers!"

At tuluyan na nga nilang hinila si Reynald. Nagbuga lamang ako ng hininga bago tumalikod at maglakad paalis.

***

KAUNTI LAMANG ang ginawa namin sa SSG kaya matapos ang kaunting trabaho, umalis na kami para pumunta sa kalapit na supermarket, bibili kami ng pagkain para sa hapunan dahil iilan din kaming tao sa dorm ngayong gabi.

Na sa tapat na kami ng pinto ng dorm ko at kakatok pa lang ako nang buksan na ni Jennifer ang pinto. Napaurong kami ni Dimples sa biglaang pagbungad ng kaibigan ko. "Nakakagulat ka nama--"

"Nawawala si Kairi!"

Napasinghap si Dimples samantalang bumuka naman ang bibig ko sa gulat, lumakas din ang pagpintig ng puso ko dahil sa sobrang kabang nararamdaman.

Ano?

***** 

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Where stories live. Discover now