Episode 26

635 39 60
                                    

Episode 26

JENNIFER

I'm Jennifer Zweig. A 21-year-old college student and half Taiwanese single woman who is currently on a short trip vacation.

Pumunta ako sa dorm ni Kyrie ngayong wala kaming pasok ng mahigit tatlong araw dahil may NCAE na nagaganap ang high school namin. Na sa iisang building lang kasi ang mga rooms ng whole year kaya dineklara ng school na walang pasok ang lahat maliban sa 3rd year high school. Also, wala rin akong duty for almost one week kaya malaya kong nagagawa ang gusto ko sa ngayon.

Pumunta rin ako dito dahil sa isang rason. Gusto kong samahan si Kyrie dahil inaasahan ko na walang bagong ganap sa last year of high school niya pero sino nga itong magandang babae na nakahiga sa kama niya na tila parang isang sleeping beauty na kailangang halikan ni prince charming para magising?

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha nung babaeng 'yon na mahimbing na natutulog saka siya siningkitan ng mata upang matitigan ang pulang pula niyang mukha. Pinaiwan siya sa 'kin ni Kyrie at bantayan ko raw muna dahil mayroon daw siyang lagnat.

"Kyrie..."

Ang totoo rin niyan, wala na talaga siyang binukam-bibig kundi ang pangalan ni Kyrie at hindi ko maiwasang mag-isip isip ng mga bagay na hindi naman dapat.

Lumayo ako sa kanya para tumayo. Hinawakan ko ang sarili kong pulso't inangat ito na parang tanga na umaarteng hindi ko ma-kontrol ang sarili kong kapangyarihan. "No... You can't show your real colors in front of your best friend's friend." Pabulong kong sabi na may pagpigil pang nalalaman.

I actually have this weird imagination between two girls but still have no idea sa kung ano tawag sa abnormalities na 'to kung abnormal nga ba o sadyang may unique preferences lang ako. Sa tuwing makakakita kasi ako ng dalawang babae na magkasama, ginagawan ko sila ng ship at malaswang pangyayari sa utak ko.

I'm a straight girl, honestly. It's just that the relationship of two girls are pure and kind'a innocent kaya parang mas prefer kong makakita ng love life ng dalawang babae kaysa sa normal couple.

Walang ideya sila Kyrie at Maggie-- na isa sa kaibigan ko tungkol sa personalidad ko na ito at wala rin akong balak na ipakita sa kanila.
May tiwala naman ako sa mga kaibigan ko na hindi nila ako kamumuhian pero hindi ko lang talaga magawang mailabas. May mga bagay pa rin kasi na kahit gaano kayo ka-close, may maitatago't maitatago ka pa rin.

"Who are you?"

Kumurap-kurap akong nakatitig sandali sa kisame bago inayos ang sarili't ibinaba ang tingin sa babaeng gising na pala. Nauubo siya at makikita mo pa rin ang panghihina dahilan para kunin ko ang stool na nasa tabi at umupo. Nang hindi naman siya mahirapan sa pag-angat niya ng tingin. "I'm Jennifer, kaibigan ni Kyrie. She asked me to stay here with you while she's not around." Sagot ko at nginitian siya. "Is there anything you want to eat? Particularly, noodles?"

Umubo muna siya bago ibinaling ang tingin. "Mamaya na lang."

"I see. May iniluto kasi si Kyrie bago siya umalis, medyo mainit-init pa 'yon." Sabi ko. Nakita ko ang pag-awang bibig nung babaeng ito at pasimpleng tumagilid para humarap sa akin. "N-No, maybe kakain na lang ako para hindi lumamig."

"Pwede naman siyang initi--" Wait! 'Yung mga ganitong tingin ng mata!
Nakaiwas ang tingin, mapupulang pisngi. OMG! Naaamoy ko na! Naaamoy ko na ang romantic story-- pero huwag muna tayong tumalon sa konklusyon. Ni hindi ko nga alam kung ano 'yung relasyon ng babaeng 'to kay Kyrie, eh.

Tumikhim ako. "Sige, ihatid ko lang dito 'yung pagkain... mo." Sinundan ko ng tingin ang babaeng ito na dahan-dahang umuupo mula sa pagkakahiga.
Mula ro'n, bumaba sa kanyang balikat ang suot-suot niyang white long sleeve kung saan nakikita ko ang iilan sa mga pasa sa kanyang katawan.

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon