Episode 24

607 38 8
                                    

Episode 24

KAIRI

"I would like you to be my lover." Salitang kailan man ay hindi ko pwedeng bawiin. I'll be fine. Besides, I finally chose the path I know what's best for me.

Ngayon mo pa talaga niloloko 'yung sarili mo?

Napasinghap ako.

Masaya ka ba?

Napalunok ako sa sarili kong laway. Hindi lahat ng masasayang bagay, nakabubuti sa 'tin.

Pa'no mo nasisigurong mabuti 'to para sa 'yo?

Napaawang-bibig ako. Tangkang magsalita nang ibaling ni Dimples ang tingin niya sa malaking screen, nagsisimula na 'yung palabas. "Manood na tayo." Aya niya sa akin na hindi ko inimikan.

Sa una lang naman 'to. Magiging masaya rin ako...

Nakatitig lang ako kay Dimples na ngayo'y ngiti lamang na nakabaling, ilang minuto rin akong nakatingin sa kanya bago ko ituon ang atensiyon sa papanuorin namin.

Isa't kalahating oras 'yung movie at na-hook ako. Kaya pagkalabas na pagkalabas pa lang namin sa sinehan matapos ang palabas ay hindi ko napigilan ang magbigay kumento sa pinanood namin.
Gayun din naman si Dimples pero mahahalata mo sa kanya na parang ang lalim ng iniisip niya.

Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya na nagpamilog sa mata niya. "Kairi?" Tawag niya sa pangalan ko na may pagtataka sa kanyang mukha

Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. "Masyado bang malungkot 'yung ending kaya parang nadala ka?" Tanong ko sa kanya.
Nandito pa rin kami sa labas ng Cinema 2 at patuloy pa rin sa paglabas ang mga manonood.

Nakababa lang ang tingin ni Dimples kaya sinilip ko siya. "Dimpl--"

"You can actually act nicely when you're calm and composed, huh?" I looked at her in confusion. "Kairi, I'm a school journalist. There's no way I couldn't read your thoughts. Iba't ibang tao na 'yung nakakasalamuha ko."

I forced myself to smile. "This is too sudden, so, I honestly have no idea what you're talking abou--"

"People tend to show their real colors when they don't get what they want." She paused. "Do they just shrug it off or walk away? Do they get sour or bitter? Or maybe,

...push you away?"

Naningkit ang aking mata saka ko binitawan ang kamay niyang hawak-hawak ko kanina. "Sino ang tinutukoy mo?"

Inilagay niya 'yung dalawa niyang kamay sa kanyang likuran at inilayo ang tingin. "Pwede mong isiping ikaw, o pwede ring siya." Wala pa siyang tinutukoy na pangalan pero si Kyrie na kaagad ang pumasok sa isip ko.

"Are you testing me?" I asked her.

Ibinalik niya ang tingin sa akin at nginitian ako. "That's right. I did it for my writing materials, and you're the subject."

Hindi ako nagsalita at diretsyo lamang ang tingin sa mata niyang nakatingin din sa akin. "Hindi mo ginawa lahat ng mga bagay bagay nang dahil sa gusto mo 'ko?" Paninigurado ko.

"No." Tipid niyang sagot saka ko nakita ang paggalaw nung kamay niya sa likuran. "Just a reference." Dagdag niya at nagkibit-balikat.

"Do they just shrug it off or walk away?" Naalala kong sabi ni Dimples kanina dahilan para ibaba ko nang kaunti ang ulo ko ng hindi inaalis ang tingin sa kanya. You are one to talk.

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Место, где живут истории. Откройте их для себя