Episode 19

755 57 5
                                    

Episode 19

KYRIE

Day of Examination. Hiwa-hiwalay ang mga upuan namin at kahit ilang pilit mong subukang sumilip, hindi mo rin magagawa dahil ang layo-layo namin sa mga katabi namin.

Hindi ko naman ugaling mangopya at hindi ko rin naman ugaling mag share ng answer dahil wala naman akong halos ka-close noon na humihingi ng sagot.
Pero maiba tayo ngayon.

Pa-simple kong tiningnan si Reynald na sumesenyas sa akin para humingi ng answer.

Pabalik balik ang tingin ni Reynald sa proctor namin pabalik sa akin.
Tiningnan ko ang tatlong daliri niya na nakaangat kaya binaliktad ko ang exam sheet ko para makita ang sagot ko sa number 3.
Pinindot ko ng tatlong beses ang ballpen ko-- letter C ang ibig sabihin no'n dahil karamihan sa questions ng exam namin ay multiple choice.

Tumango naman siya at dali-daling sinagutan 'yong tinatanong niya kanina.

Inilipat ko na lamang ulit ang page ng papel at nagbasa ng questions, mga ilang minuto pa noong mapaangat ang tingin ko para tingnan si Kairi na nasa kanan ko't tahimik na sumasagot. Alphabetical order kasi ang pwesto namin. Kumbaga dapat talaga katabi ni Kairi sa kanan si Reynald dahil Diaz ang apilyedo nung mokong pero dahil sa nahuli siyang nangopya kanina, inilipat siya sa tabi ko.

Bumagsak ang hibla ng buhok ni Kairi kaya iniipit niya ito sa kanyang tainga.
Sa kagandahang mayro'n siya, hinarap ko na lamang ang tingin ko't hindi namalayan na napapangiti na pala ako.

Sa rason na ayokong makita niya na nakangiti ako habang nakatitig sa kanya.

KAIRI

Sumasagot ako sa test exam namin. Hindi siya ganoon kahirapan pero dahil sa Analyzation na nasa likurang pahina, mapapaisip ka rin talaga.

Tina-tap tap ko ang ballpen sa sintido ko noong makita ko si Kyrie mula sa peripheral eye vision na nakatitig sa akin. Bigla akong na-conscious subalit hindi ko pinahalata at patuloy lang sa pagbabasa ng test question. Subalit sa kadahilanang medyo napapatagal na 'yong pagtitig n'ya ay medyo gumalaw na ako.

Ang lakas pa ng tibok ng puso ko.

Bumagsak ang hibla ng buhok ko kaya kinuha ko iyon at iniipit sa aking tainga.
Inilayo na ni Kyrie ang tingin niya kaya ako naman itong pa-simple na sumulyao sa kanya.

Seryoso na siyang nakatingin sa test paper n'ya kung kaya't hindi na napigilan ng labi ko na luminya ng ngiti kasabay ang pagbalik ng tingin sa test paper.

2 years ago when an accident occurred, just like what I said. I planned to end my life to end my pain. But right now? Having her by my side feels like I'm alive again. Sitting here because she's there.

Are you sure?

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang isang boses sa utak ko. 

You're not free from everything. You're still inside the cage, even if you try to escape.
They'll chase you 'till you break apart.
No one will help you, accept it. 

Ang ngiting nakaguhit sa labi ko ay unti-unting napapalitan ng mapait na ngisi.

What an empty life. I'm tired, I want to go home. 

KYRIE

Lumipas ang tatlong araw ng exam day at sa wakas ay natapos na rin ang pagpupuyat namin sa pagre-review. Nag-unat si Reynald habang inaayos ko naman 'yong mga gamit.

"Kyrie, 'tapos na rin naman 'yong exam. Gusto mong kumain sa labas?" Tanong niya sa 'kin pagkababa ng mga kamay niyang iniunat niya kanina.
Lumingon naman ako sa kanya. "Wala namang problema, isama natin sila Mia at Joe sa 'tin kung hindi sila busy." Sabay  silip sa dalawang kambal na nagkakanya kanya na rin ng ayos.

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Where stories live. Discover now