Episode 13

868 65 11
                                    

Episode 13

KYRIE

Binuksan ko kaagad ang mata ko pagkarinig ko pa lang ng unang sipol. Mula iyon sa adviser namin senyales na kailangan na naming maghanda para sa gagawin naming activity.
Pero kung minalas malas nga naman, ano?

"Achoo!" Pagbahing ko. Dahil sa pagbabad namin ng matagal ni Kairi sa banyo kagabi isabay mo pa na medyo malamig ang hangin, hindi na naging maganda ang pakiramdam ko.  
 
Flash Back 

Papalapit na ang mapupulang labi ni Kairi sa labi ko nang bumahing ako bigla. Hindi naman siya natalsikan ng laway ko dahil inilayo ko kaagad 'yung mukha ko sa kanya. 
Ngayon lang talaga naging pabor ang pagbahing ko. 

"N-Naligo naman ako." Hindi ko man nakikita si Kairi pero alam kong nakanguso siya ngayon. 

Suminghot ako, pakiramdam ko kasi tutulo na 'yung sipon ko. "Maligo na lang tayo para hindi tayo maabutan ng hamog." Sabi ko ng hindi pinapahalata ang hiyang nararamdaman. 
Inuna ko ang ulo ko sa tubig na nagmumula sa shower. "Lamig!" 

End of Flash Back 

Mabigat ang pakiramdam ko ngayon pero pinilit ko pa ring makaupo mula sa pagkakahiga. 
Gusto ko pang pumikit... 

Labas sa ilong akong napatingin kay Kairi na naabutan ko pang naka bra't panty lang, at dahil hindi ako sanay makakita ng ganito pagkagising na pagkagising sa umaga ay napasigaw ako't napaatras. 
Iyon din ang dahilan para magising si Kairi na umuungol na kasabay ang pagkusot ng mata niya. 

Natulog lang siya ng wala man lang damit?! 

"Ms. Henderson? Ano'ng nangyari?" Rinig kong tanong ni Sir Joven. Napatingin naman ako 'agad sa pinanggalingan ng boses niya.
"A-ah! Wala iyon, sir! Sorry!" Mabilis  kong sagot.
"Double time. May morning prayer tayo." Wika nito bago ko marinig ang paglalakad niya paalis. 

Huminga ako ng malalim bago ibinuga iyon pagkatapos ay inis na tiningnan si Kairi na humihikab na ngayon. "What do you think you're doing? Wala ka sa bahay mo, ah? Paano na lang kung may sumilip dito, ha?" Sermon ko sa kanya.
Hindi namin masisiguro na safe kami rito, at isa pa may window tent. Pwede na lang itaas ng kung sino 'yong tela kung gugustuhing sumilip.

She put down her hand. "Hmm? I'm trying to seduce you, 'di ba effective?" Tanong niya sa inosenteng tono dahilan para mapahawak ako sa noo ko. Sumasakit 'yung ulo ko. 

Bumuntong-hininga siya na parang nanghihinayang sa naging reaksiyon ko. "Nagdala pa naman ako ng sexy panty para sa 'yo. Alam ko kasing may chance na mangyari 'to." at kinindatan pa niya ako.
Muli akong nagbuga ng hininga para ikalma ang sarili kong mainis. I can't be mad with her, I just can't. 

May ideya ako kung bakit umarte ng gano'n kagabi si Kairi -- Hindi, simula nung malaman ko kung ano ang sikreto niya.  

I know yet, 

...no matter what I do, I just can't help her at all. 

She's in pain and hoping to be saved. 
But it seems she's still bottling her feelings that is also hard for me to find out what she really feels. Just what is it that she really wants? 

All the thoughts going around in my mind seem like they're about to explode. Nakakalito, 'di ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. 

"You can't do this." Paanas kong sabi pero sapat lang upang marinig niya. Hindi naman siya nagsalita at parang hinihintay pa ang sasabihin ko. Subalit noong hindi na ako umimik ay umayos na ng upo si Kairi. 

"Am I a bother to you?" Tanong niya sa akin nang hindi tinatanggal ang ngiti. 

Umiling naman ako habang nanatili pa rin akong nakayuko. Bumibigat na iyong pakiramdam ko. Ewan ko kung magiging matino pa 'yung paraan ng pagbibitaw ko ng salita. 
"You're not a bother, believe me. It's just that..." Humawak ako sa noo ko. Hahh... Ang malas, wala akong dalang gamot. Hindi ko rin naman pwedeng sabihin 'to sa titser ko dahil maaabala ko pa sila. 

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Where stories live. Discover now