Episode 25

623 49 28
                                    

Episode 25 

KYRIE

Humalukipkip si Dimples pagkaupo pa lang niya sa upuang na sa harapan ko. Sa isang cafe bar kami nagkita na hindi lalayo mula sa Clock Tower na pagme-meet up-an sana namin. Nag text kasi ako sa kanya na dito na lang kami magkita dahil init na init na 'ko sa pwesto ko kanina.

"Bakit kasi hindi ka kaagad tumawag?" Nakasimangot na tanong ni Dimples sa akin na parang kasalanan ko pa. Hindi matao ngayon dahil alas-dos (2 o'clock) pa lang ng tanghali.

I crossed my arms over my chest. "Sinong may kasalanan? Mayro'n tayong usapan na 1 o'clock ang meet up."

Humawak naman siya sa noo niya. "Iyon nga, alauna kaya dapat tinawagan mo ako kasi masyado na akong late." Saad niya 'tapos umayos ng upo. "Mayro'n kasi talaga akong pinapunta kanina, pero hindi pala siya nagpakita." Pagkibit-balikat niya at nginisihan ako. "Curious ka kung sino?" Pa-suspense pa niyang tanong dahilan para sumandal ako sa lean seat.

"Kung sino man 'yan, dapat ikaw pa rin ang nagpakita dahil ikaw ang nag set." Hindi lang halata pero naiirita talaga ako, hindi lang dahil sa init nung pwesto ko kanina pero ngayon lang ako nakatanto ng babaeng late sa isang meet up.

Bumungisngis si Dimples 'tapos tumayo upang tapik-tapikin ako sa balikat. "Huwag ka ng magtampo, treat ko na lang 'yung kakainin natin ngayon." Wika niya na may malapad na ngiti 'tapos sinitsitan 'yung waiter. "Pogi, halika."

I slowly covered my face and averted my eyes as if I didn't see anything. Nakakahiya kang kasama.

Nakarating na ang lalaking waiter kaya tinanong kung ano ang gusto namin. "Tutal, ako naman ang manlilibre, ako na ang mamimili para sa'yo." Ani Dimples at ibinalik ang tingin kay Kuya waiter para sabihin ang order.

E-Eh, pa'no kung hindi ko 'yan gusto?

Bumuntong-hininga ako. Whatever, libre naman niya, hindi dapat akong magreklamo.

"Thank you, pogi." Ngiting sabi ni Dimples bago umalis si Kuya waiter.

Ibinalik ko na nga ang tingin kay Dimples kasabay ang pagbaba ko ng aking kamay na kanina'y takip-takip ang mukha ko. "So? Ano nga 'yung dahilan at gusto mong makipagkita ngayon?" Pagbabalik ko sa talagang usapan.

Dimples reached for the iced tea on her side as she gingerly took a tiny sip of it.
"You see," Inalis niya ang baso at inilapag sa kanina nitong pinaglapagan. "Kairi rejected me."

My eyes widened in surprise. Huh?

She intertwined her fingers as they rested on the table. Looking down with a pain on her eyes, yet still smiling. "I fell in love with her because she saved me 2 years ago." Sabi niya out of the blue. Nakikinig lang ako sa kanya. "You don't know how cool she was" Pag-iling niya na nagpabuka sa bibig ko.

Wala akong ideya na mayro'n pala silang gano'ng nakaraan.

"But that's not the only reason why I love her. She's beautiful, calm and collected. An independent person who you can always rely on. Being by her side feels heaven. Makita mo lang siya sa corridor, ang saya saya mo na." She looked up, staring at the ceiling. "I love her, but her heart already belongs to someone else." Ibinaba na niya ang tingin sa akin. "And who do you think that is?" Pagbibigay niya sa akin ng hint.

Ibinaba ko ang tingin ko't tumingin sa kaliwa't kanan. Ayokong magsalita, ayokong mag assume, ayokong isipin.

"Gusto ko lang tanungin, pero bakit mo 'yan sinasabi sa akin?" Nagtataka kong sabi at idiniretsyo na ang tingin sa mismo niyang mata. "At bakit ka umiiyak sa harapan ko?" Dagdag ko pa dahil patuloy na sa pagbagsak 'yung luha ro'n sa mata niya na parang kanina pa talaga niya pinipigilan.

Suminghot siya. "Ayoko naman talagang umiyak pero ang kulit kasi ng puso ko, eh." Paghikbi niya. "Imagine, ilang araw na kaming magkasama ni Kairi, nilandi ko na nga't lahat lahat, sinubukan ko pa siyang rape-in nung na sa bahay ko siya pero ano? Hindi pa rin siya nafa-fall sa 'kin."

Napaurong ako. Is it necessary to tell me all of that?

Dikit-kilay niya akong tinuro gamit ang kaliwang hintuturong daliri. "Kaya bilang kapalit sa kalungkutan ko ngayon. Bigyan mo 'ko ng napakagandang love story between Kyrie and Kairi." Sinabi niya iyan habang umiiyak pa rin kaya hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kanya o matatawa.

May kinuha ako sa aking bulsa 'tapos tumayo habang ipinatong ko ang kaliwang kamay sa lamesa bilang pag suporta, inabot ko kay Dimples 'yung panyo. "...gamitin mo muna." Ibinaba niya 'yung tingin sa panyong inaabot ko sa kanya 'tapos dahan-dahan iyon kinuha bago niya singahan. Umupo na ako ng maayos. "Sa 'yo na rin 'yan." Habol ko.

"But Dimples, you've got the wrong idea." Saad ko.

"What part?" Tanong niya habang sumisinga-singa. "Sa part na hindi ka in love sa kanya? You're just being in-denial. Geez, you people sucks." Patuloy pa rin niya sa pagsinga.

Tumungo ako. "It's true that I like her, pero hindi ko naman masasabing... Ahm," Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa kandungan ko. Nahihiya akong sabihin. "...l-love 'yon." Dagdag ko.

Ni wala nga sa isip kong maging bisexual o lesbian.

Inalis na niya sa ilong niya 'yung panyo 'tapos itinupi. "I guess, it can't be helped. Kung pinanganak kang straight woman, magkakaroon ka talaga ng identity crisis sa mga araw na 'to." Wika niya sabay singhot. Nadi-distract ako sa mukha niya, pulang pula 'yung ilong at mata.

Kumamot siya sa ulo niya. "But you'll still be able to figure that out soon," Ibinaling niya ang tingin sa labas ng glass wall. "...marami ka pang oras."

Tumitig pa ako sa kanya ng ilang sandali bago dumating ang in-order ni Dimples.
Tatlong malaking scoop ng chocolate sundae iyon na nakalagay sa medyo pahabang plate na may waffles sa gilid at whipped cream with whole strawberry on top. Iyong isa naman, one scoop strawberry sundae lang.

Itinulak ni Dimples papunta sa akin ang one scoop sundae. "Oh, 'yan." Libre ko.

Kinuha ko naman iyon at kinuha ang teaspoon na nakapatong sa tissue. "Hindi ka man lang magrereklamo na ganyan lang binigay ko sa'yo?!" Hindi makapaniwala niyang sambit.

I raised her an eyebrow. "May binigay ka sa 'kin, wala naman akong dapat na ireklam--"

"Nakakainis ka talagang babaeng ka." Hinablot niya ang sundae ko 'tapos itinulak 'yung dapat kanya.

Na-disappoint ako. Hindi ako mahilig sa matamis. "Kaumay."

"Ngayon lang ako nakakita ng babaeng ganyan mag react sa malaking grasya. So you." Sabi niya at nagbuga ng hininga.

Pagakapos niyon, kumain na nga lang kami habang nagku-kwentuhan. Umabot pa kami ng dalawang oras sa resto bago kami lumabas. Inaya pa niya akong pumunta sa riverside para makapag sight seeing dahil hindi raw nila nagawa iyon ni Kairi kanina dahil nga sa umulan.

May parte kasi sa area ng lugar 'yung maulan at hindi dahil na rin siguro sa kalapit na bundok, gayun din ang dagat. So, when precipitation-- rain travels over. There's a possibility it dries out most especially kung dumaan iyon sa bundok.

"Kyrie! Picture-an mo 'ko rito, magpapalit ako ng profile picture!" Tukoy niya sa maikling bridge dito sa riverside at nag posing. Nandoon siya sa gitna nung tulay.

Pumaabante ako't sinimangutan siya bago iangat ang cellphone niyang na sa camera sabay click.

***

ALAS SIYETE ng gabi noong marating ko ang dorm. Ubos ang lakas ng katawan ko at gustong-gusto ng mahiga sa kama't matulog.
Nanghihina akong umakyat sa hagdan habang hawak-hawak ang railings bilang pag suporta sa akin.

'Yung babaeng 'yun, kung saan-saan niya ako dinala.

I groaned. Hindi na talaga ako papayag na kaming dalawa lang ang lumabas.

Nakaakyat na ako sa pinakaunang palapag at hindi muna ipinagpatuloy ang paglalakad, tumingala ako dahil may bigla akong naalala. "Sino nga 'yung sinasabi ni Dimples na pinapunta niya kanina?" Tanong sa sarili. "Bakit kaya hindi 'yun nagpakita?" Dagdag tanong at pumunta na sa dorm room ko.

Lumakad lang ako't kumaliwa kung sa'n bumungad sa akin ang isang nakaupong babae sa hindi kalayuan, nandoon siya sa mismong pinto ko at animo'y kanina pa ako hinihintay.

Dali-dali akong tumakbo palapit sa kanya, iniluhod ang kaliwang tuhod at hinawakan ang kanan niyang balikat para alugin siya. "Kairi!" Tawag ko sa pangalan niya saka niya marahang inangat ang ulo para makita ako. Namumutla ang mukha niya at parang nanghihina kung tingnan ko.

Pulang pula rin 'yung kaliwa niyang pisngi, mahahalata mong galing ito sa napakalakas na sampal.

"Ky...rie" Pagkatawag pa lang niya sa pangalan ko, bumagsak na siya sa aking mga bisig.
Napasinghap ako't kaagad-agad na hinawakan ang kanyang noo. Laking gulat na ang taas-taas ng lagnat niya.

Nanginginig ang mata ko nang magsalubong ang aking kilay.

What happened to you? Kairi?

***** 

(Author's Note: 

Ano ang gusto niyong makita for our next update?) 

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Where stories live. Discover now