Episode 15

890 57 6
                                    

Marika Ito as Dimples Shiver  

***** 

Episode
15

KAIRI

Itinaas ko na ang zipper ng damit ko at inayos ang aking buhok. I'm wearing this Sassy Faux Leather Dress that was sent by my father from States. Magkakaroon daw ng big party ngayon kaya kailangan kong magsuot ng damit na pwedeng magpaakit sa maraming customers mamayang gabi.

Umupo ako sa tapat ng make-up cabinet ko at tiningnan ang sarili. Pumasok sandali sa utak ko si Dimples bago ako mapaseryoso. If I knew from the beginning what she's scheming, hindi na siya ang nilapitan ko.

"Kairi. Are you ready?"

Lumingon ako sa pinto kung saan nanggagaling ang boses na iyon, "Right, coming!"

KYRIE

Kinaumagahan, medyo na-late ako ng gising dahil nagpuyat talaga ako kagabi para lang matapos ang school works ko gayun din ang requirements para sa SSG.

Sa pamba-blackmail ni Dimples sa akin ay napapayag niya akong mapasama sa SSG officers. Wala ng election na magaganap at diretsyo na ako bilang bagong president ng SSG.

Ang isa sa rason kung bakit walang eleksiyon ay dahil sa libo-libong estudyante sa St. Matthew, wala ni isa sa kanila ang interesado makipag compete o ang mag lead sa buong department.
Kung maghahanap ng taong pwedeng maging president ng SSG, si Kairi Dela Valliere ang pinaka may mataas na ranking-- ang new Madonna ng St. Matthew. Pero kung gano'n, bakit hindi na lang siya 'yung alukin ni Dimples?

Kinuha ko ang iilan sa typewriting paper at iilan sa mga gagamitin kong ballpen para makapagsulat ng presidential speech. Hindi pa ako nakakagawa dahil sa sobrang kabado na nararamdaman ko kagabi, na-mental blocked ako.

Susubukan ko na lang gumawa mamaya pagkapasok sa campus tutal hapon pa naman magaganap 'yung ide-deliver kong speech. Saka late na 'ko kaya wala na akong oras magsulat ngayon.

Nagmadali na akong ayusin ang gamit ko. Hindi na rin ako naligo at nag half bath lang. Lumayas na ako sa aking dorm para dumiretsyo sa school.
Pagpasok ko pa nga lang sa loob ng campus ay saktong tumunog ang bell, hindi rin maganda ang first period namin dahil namamahiya iyon kaya dali-dali akong tumakbo marating lang ang classroom.

Nakalimutan ko na nga ring magsuklay kaya mas sabog pa sa sabog ang buhok ko ngayon.

Na sa harapan na ako ng classroom namin at binuksan ang pinto. "Sorry ma'am! I'm lat--" Napatigil ako noong makita kong hindi ko ito classroom. Sa sobrang hiyang nararamdaman ay sinarado ko na lamang 'agad ang pinto. Naririnig ko 'yong tawanan nila sa loob.
Tumakbo na lamang ako sa kabilang pinto 'tapos binuksan nang muli ang pinto. Nandoon na nga 'yong subject teacher namin na si Ma'am Ragasa. Shit.

Lumingon siya sa gawi ko 'tapos humarap sa akin. "Oh? Bakit pumasok ka pa?" Iyan kaagad ang tanong niya sa akin. Atleast nga hindi ako um-absent, eh.
"Hindi mo ba alam kung anong oras ang pasok mo?" Tanong niya at tiningnan ang wrist watch niya bago ibalik ang tingin sa akin. "Aba, hindi pwede 'yan, ha? Balita ko pa naman ikaw 'yung susunod na magiging presideng ng SSG para sa taong ito. Pa'no ka aasahan ng tao kung ganyan ang ipinapakita mo? Hindi ka nagiging responsable?" Saad niya at naglakad palapit sa akin.

Iyong mga kaklase ko ay tahimik lamang na pinapakinggan itong teacher namin.

Tumayo ako ng maayos. "I'm sorry for being late, Ma'am. Hindi na po mauuli--" Hindi ko pa nga natatapos ang sinasabi ko ay hinampas na niya 'yong white board sa gilid na nagpagulat sa lahat.

Habang ako naman ay nakababa lang ang tingin at walang emosyon na nakatingin sa sahig. Hahh... Ito nanaman tayo.

"Hindi lang ISANG beses na na-late ka sa klase ko, Miss Henderson." Tukoy niya na nagpaangat sa ulo ko. What?

"S-Sorry, Ma'am, ha? Pero ngayon lang po ako na-late--" Pagtatama ko pero sumabat nanaman siya. Ayaw talaga akong patapusin?

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Where stories live. Discover now