Episode 14

828 56 2
                                    

Episode 14

KYRIE

Lamig kaagad ang naramdaman ng katawan ko pagkamulat ko pa lang. Nandito na ako sa sa loob ng tent namin at balot na balot ng makapal na comforter. Umupo ako mula sa pagkakahiga 'tapos napatingin sa katabi kong si Kairi. Harap siyang nakahiga sa gawi ko habang tahimik na natutulog. Binantayan niya 'ko?

Sinilip ko ang labas nung tent. Hapon na pala, sino kaya 'yung nagdala sa 'kin dito? 

Nauubo akong umayos ng upo. Mukhang nakuha ko talaga'tong sama ng pakiramdam ko mula kagabi. Kainis, ang pagkakaroon pa naman ng sipon ang pinakamahirap sa lahat. Ang hirap-hirap huminga.

Kinilabutan ako bigla sa lamig. Sumasabay kasi 'yong chill nung hangin. 
Ibinaling ko ang tingin kay Kairi 'tapos doon sa pulang ribbon na nasa kamay niya, iyon ang madalas niyang gamitin pantali sa kanyang buhok.
Inangat ko ang tingin at inihinto iyon sa labi niya, ilang sandali rin akong nakatitig doon nang mag-isip ako ng kagag*han. 

I want to kiss her.

Namilog ang mata ko't napahawak sa aking labi.
K-Kiss? Hoy, Kyrie. Nasisiraan ka na ba talaga ng ulo? Ba't mo naman iisipin 'yon? 

Napakamo ako sa noo ko dahil naiirita na 'ko sa mga pinag-iisip ko. 
Ugh. Ito ba ang epekto 'pag masama ang pakiramdam? 

But I find her lips so kissable. A temptation like she is trying to seduce me. 

Unti-unti kong tiningnan si Kairi. For some reason, my body is moving on their own. Leaning closer to her when someone entered the tent. "What are you doing?"
I was surprised that it made me slapped her face-- Kairi's pinkish cheeks!

"Iyan! Napatay ko 'yong lamok!" Nagising si Kairi sa ginawa ko habang nakatuon ang tingin ko sa mga palad ko habang tinatago ang aking panginginig.

F*CK! 

Hindi naman kumibo si Dimples. Oo, siya 'yong biglang pumasok at may dala-dalang bowl na may lamang sabaw. Tinola yata 'to base sa amoy.

Nginitian niya ako. "Magaling ka na pala, eh. Buti naman. Pero heto, luto 'yan ng adviser n'yo. Pagaling ka pa raw lalo." Abot  niya kaya ako naman itong kinuha kaagad ang sabaw. Pagkatapos ay nagpa-salamat matapos kong maibaba ang soup na iyon.
Pero nakita niya kaya 'yon? Paano na lang kung iba ang isipin niya?

Gaga ka! Kung ano man ang isipin niya, tama rin 'yon!

Nilingon ni Dimples ang tingin niya kay Kairi na ngayon ay hinihimas-himas ang kanyang pisngi na sinampal ko. Sorry! 
Kanang kamay niya ang suporta bilang pag-upo. 

"Close na kayo, ha?" Animo'y may ibang ibig sabihin ang ngiti ni Dimples dahil sa paraan ng pagguhit ng linya sa kanyang labi, samantalang nag-iba rin ang paraan ng pagtingin ni Kairi nang sulyapan ko siya. "You're fighting as if you're shooting for the heart," Sa pagkakataon na ito ay ibinalik ko ulit ang tingin kay Dimples na ngayon ay suot-suot ang kanyang nakakalokong ngiti. Ako ang tinutukoy niya. "...however, it's clear that you didn't choose this." Malalim ang ibig sabihin ng pagkakasabi niya ngunit mabilis kong nakuha ang gusto niyang iparating. 

"You're wrong, it's not what you think it i--" Naputol iyong sasabihin ko dahil nang makapasok na siya sa mismong tent at maibaba ang tela ng tent flap ay bigla na lamang niyang inilapat ang kanyang labi sa labi ko, na naging dahilan ng aking pagkagulat.
Ramdam ko ang kakaibang kuryente habang dumidikit ang balat niya sa akin, lumalakas din ang pagpintig ng puso ko.

She removed her lips on mine, leaving me breathless."B-Bakit--" Idinikit niya ang hinlalaki sa kanyang labi nang hindi inaalis ang ngiti.

"Kinuha ko lang 'yung sakit mo para mawala na 'agad." Aniya at umalis na sa loob ng tent para bumalik sa gagawin niya. Iniwan niya akong nakatulala rito sa kawalan habang pilit na sini-sink in sa utak ko ang nangyayari.

Humawak ako sa ulo ko. Nawala ang lamig na nararamdaman at napalitan ng init. Kissing is one of the sensitive part of human's body that will react even if it's a brief period of time.

Ang sama ng loob ko, sobrang sama. 
Hindi na normal 'yung nangyayari sa 'kin nitong mga nakaraang buwan. Hinahalikan ako ng dalawang kilalang estudyante ng walang pahintulot. Sino ba'ng mag-aakala na gano'n sila? 

Saka ano ba'ng dapat kong isipin sa sarili ko? Babae naman ako, 'di ba? Pero bakit ganito 'yung nararamdaman ko? 

"Kyrie." Pagtawag ni Kairi sa akin kaya ako naman itong napalingon sa kanya kasabay ang paghawak niya sa pisngi ko't inihiga ako para siya naman ang magbigay ng halik sa akin. 
Hindi ko na alam. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari. Blanko na 'yung utak kong mag-isip, wala na akong ideya kung ano pa 'yung pwedeng mangyari at sa kung ano talaga ang dahilan kung bakit nangyayari 'to sa akin. 

Nang dumating si Kairi,
Maraming bagay ang hindi ko inaaasahan na magbabago sa buhay ko. Karanasan na 'di sasagi sa isip mo. 
 
Kung tatanungin kung masamang bagay ba iyon, ang isasagot ko. 
Hindi ko alam.

She leaned in further then lips collided. It was kind of rough yet I could still feel that passionate kissed. "Kairi, stop it. Why are you so mad about?" Naguguluhan kong tanong na nagpataas sa dalawa niyang kilay.

"I'm still wearing a smile, so how did you know?" Oo, nakangiti siya.
Pero 'yung mata niya, may galit. Pero bakit at saan?  

Ibinaba niya ang kanyang ulo kaya hindi ko na nakikita ang mukha niya, humarang at bumagsak kasi ang buhok niya kaya natatakpan na 'yong itsura niya. "Forget it. Ayoko lang talaga na makakuha ka ng virus." Aniya, nanatili pa ring nakababa ang ulo niya. 

Kumurap-kurap ako. "Kairi?" 
Am I actually seeing a new side of her at this moment? 

Inangat niya ang kanyang mukha, seryoso na 'yung paraan ng pagtingin ng mata niya sa akin. "Kyrie, I was mad. If you let other people kiss you again," She paused and plants kisses along my neck, making me gasp.  "I'll mess you up." She added when she pulled her face, straightly looking at my eyes. 

I took a deep breath. "Kung iyan ang comfort na gusto mong makuha," Pasimple akong lumunok. There's no other way, isn't? Hindi naman ako magsisisi, tama? 
"I'll do whatever you want." Dugtong ko. 

Umamo ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Hindi niya yata inaasahan na papayag ako sa gusto niya. Sa totoo lang, kahit ako. Eh, ano ba ang alam natin? Baka mamaya dala lang ito ng mood o sama ng pakiramdam ko. But I won't deny that I also want to help her.  

Although I'm not quite sure if this is the right thing to do. 

"I see."

Kinilabutan nanaman ako hindi dahil sa lamig kundi sa paraan ngayon ng kanyang pag ngiti lalo pa nung hinawakan niya ang baba (chin) ko't inangat para matapatan ang mukha ko sa mukhang niya na malapit nanaman sa akin. "Kahit na ano?" Paninigurado niya dahilan para pagpawisan ako ng malamig. Tinulak ko na nga lang siya palayo sa akin para makaupo't makakain. Lumalamig na 'yung Tinola ko.

"Baka may ibang makakita sa'tin." Bulong ko pa noong makuha ko na 'yung pagkain ko. 

May nagbukas nanaman ng Tent Flap at bumungad ang mukha ni Reynald. Halos atakihin pa ako sa puso. "Kyrie!" Sigaw niya sa pangalan ko kaya napabuntong-hininga ako. 

Simula nung araw na iyon. Mas naging madikit na si Kairi sa 'kin kumpara noon. Hanggang makauwi kami mula sa school outing na parang camp training, hindi siya humihiwalay sa 'kin.
Sa skwelahan naman, kapag inaaya siya ng mga kaibigan niya ay tumatanggi na siya para lang makasama ako.

"Sorry, si Kyrie kasi kasama ko."

Iyan ang madalas niyang sagot sa mga estudyanteng gusto siyang ayain lumabas. Minsan nga nahihiya na ako dahil halata namang nagtatampo na ang iba.

Nagbuga ako ng hininga habang papalabas ako ng classroom, kailangan ko ng umuwi. Napapagod na 'yong katawan ko. Kaso biglang nagpakita si Dimples sa akin matapos ang ilang araw na hindi kami nagkita. Malamang, busy siya sa SSG works.

"Hi." Bati niya sa akin habang nakapameywang. Humaharang din siya sa dinadaanan ko.

'Di kaagad ako sumagot dahil lumitaw pa sa utak ko 'yong paghalik niya sa akin noong school outing. Pero ilang sandali pa noong binati ko rin siya. Alisin ko na 'yon sa utak ko. "So have you already decided whether you will join the SSG or not? Hindi na kita nagawang makausap dahil naging busy rin ako, eh. Pinalipat ako sa kabilang batch." Pagkibit-balikat niya. 

Tiningnan ko ang paligid ko bago ibinalik sa kanya. "I told you, I'm not suitable with that position. Hindi ako." Pagtanggi ko bilang presidente ng SSG.

Humalukipkip na siya at ngumiti. "But it's a good opportunity though. Kinuha ko 'yung previous leadership records mo. Sayang kung hindi mo gagamitin." Pangungulit pa niya pero umiling ako't nilagpasan siya. 

Patay na 'yung taong tinutukoy niya, 'yung record na nahanap niya ay mananatili lamang na gano'n. 

Tumigil ako sa paglalakad noong may sinabi siya. "Kung hindi ka papayag, maybe..." Lumingon ako sa kanya. May inilabas siyang cellphone at ipinakita sa akin ang litrato namin ni Kairi kung saan hinalikan niya ako. Ito 'yong araw na hinalikan din ako ni Dimples. Pero paano--

Shit!

Siguro habang naka-focus ako kay Kairi noon, hindi ko napansin na nakapasok ang kamay ni Dimples sa loob ng tent habang kinukuhanan kami ng litrato.
"Ikakalat ko 'to." Pag ngisi niya. 

She's blackmailing me?!

Napahakbang ako paabante sa kanya. "Pa'no ba tayo napunta sa ganito?" 
I'm not that confident enough to take the position, not now! "Bakit mo ba 'ko pinipilit?" Segunda ko. 

Lumakad siya palapit sa akin kaya ako naman itong napaatras. "I knew about Kairi's darkest secrets." Bulong ni Dimples nang ilapit niya ang kanyang bibig sa aking tainga, hindi sinagot ang tanong ko. 
Nanlaki ang mata ko samantalang inilayo naman niya ang mukha niya para ipunta sa mismo kong tapat. "She's working at speakeasy, isn't?"

Nanlamig ako. She knew! 

Natameme ako, wala ng lumalabas na kahit na anong salita sa bibig ko. 

"I'm greedy to know everything, even if that'll be a reason to be her," She glanced over her shoulder where Kairi was standing. Making a dangerous aura as Dimples held my hand. "...worse enemy."  

*****

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora