Episode 31

628 44 7
                                    

Episode 31

JEGO

Pumasok ako sa office room ng aking asawa na ngayo'y tuloy-tuloy sa kanyang pagta-type. "Donde esta ella?" [Where is she?] Hanap ko kay Kairi. Hindi pa ako umuuwi ng bahay dahil sa rami ng aking ginagawa. Balita ko rin na hindi pa siya pumupunta sa Speakeasy.

Bumaba tuloy 'yung kita. Tsk!

Inangat niya ang tingin niya para makita ako. "Ella aún no se ha ido a casa" [She hasn't gone home yet.] Sagot ni Ximena at muling ibinaling ang tingin sa screen ng monitor. "Quizás acaba de registrarse en un hotel cercano" [Maybe she checked in at a nearby hotel] Dagdag niya.

"Para kang hindi nag-aalala sa anak mo." Iritable kong tanong noong makahinto ako sa harapan niya.

"Kaya niya sarili niya, anak mo 'yan, eh. Matalino, kaya nandiyan lang siya. Babalik din." Tila parang balewala niyang wika nang hindi tinatanggal ang tingin sa screen.

Bumuntong-hininga ako at tumingin sa kaliwang bahagi. "A dónde fue?" [Where did she go?] I whispered. Kinuha ko 'yung phone sa bulsa ko para tawagan ang isa sa mga tao ko.

Hindi naman ako naghintay ng matagal dahil sinagot naman nito kaagad. "Yes, sir. Good evening." Bungad nito sa kabilang linya.

Humarap ako kung nasa'n ang glass wall dahilan para makita ko ang iilang matataas na gusali mula rito. Ipinasok ko ang isang kamay sa aking bulsa. "Hanapin n'yo kung saan nananatili si Kairi. Sabihin n'yo sa akin pagkatapos, ako ang pupunta."

"Yes, sir."

Ibinaba ko na ang tawag kasabay ang pagtayo ni Ximena upang lapitan ako't yakapin. "Ano ang balak mo 'pag nakauwi na siya?" Tanong niya para ibaba ko ang tingin sa kanya na nakatingala sa akin.

Hindi ako sumagot pero luminya lang ang ngisi sa labi ko.

KYRIE

Dalawang araw na ang nakalipas nang manatili si Kairi sa dorm. Uuwi na bukas si Jennifer kaya ngayon ay halos buong araw namin siyang kasama. Matagal nanaman kasi ulit bago kami makapagkita.

Kumamot ako sa sintido habang binabasa ang objectives sa papel na hawak ko. Alas otso na ng gabi pero ginagawa ko pa rin 'yung kahu-hulihang trabaho ko sa SSG habang nanonood lang 'yung dalawa ng Korean Drama sa TV. Dala ni Jennifer 'yung hard drive niya kaya may libangan sila, lalo na si Kairi.

"Hindi ko alam na maganda pa lang manood ng KDrama." Manghang kumento ni Kairi habang yakap-yakap ang mga binti niya. Tinapos muna talaga niya 'yung assignment namin bago siya maki-join sa panonood kasama si Jennifer.

"Ano ba 'yung libangan mo? Anime? Games?" Sunod-sunod na tanong ni Jennifer na inilingan ni Kairi.

"Wala. Madalas kasi akong na sa trabaho kaya wala rin akong hilig sa mga ganyan." Rinig kong sagot ni Kairi dahilan para mas mamangha si Jennifer.
"Ang sipag mo naman pala, ano? Nagta-trabaho ka para sa sarili mo, o sa magulang mo?" Tanong pa ni Jennifer dahilan para mapatingin na ako sa kanila.
Nakangiti pa rin naman si Kairi habang nakatutok ang tingin sa pinapanood.

"Para kanino?" Ulit ni Kairi kaya ibinaba ko ang tingin sa papel na hawak ko bago mapabuntong-hininga't tumayo mula sa pagkakaupo.

Nag-unat ako. "Bukas ko na nga lang itutuloy." Wika ko na nagpapukaw sa atensiyon nung dalawa. Ibinaba ko ang kamay kong ini-stretch ko. "May pagkain ba tayo sa refrigerator?" Tanong ko sa kanila para guluhin 'yung pinag-uusapan nila.

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα