Special Chapter(2)

536 33 16
                                    

Special Chapter(2)

KYRIE

Sa bookstore.
Naghahanap ako ng love reference kung paano sisimulan 'yung first move sa taong dating nagfi-first move pero ilang oras na akong naghahanap at nagbabasa ay wala akong mahanap na aayon sa gusto ko o tingin ko epektib.

I put back the book from the shelves and crossed my arms as I am thinking what to do next. "Hmm... Nagbabasa ako nito pero iisipin ko pa rin naman kung okay 'yung mood mamaya ni Kairi." Bulong ko at itinabingi ang ulo kasabay ang pagpikit para mas mag-isip.
Pero dahil wala na ring pumapasok sa utak ko ay napabuntong-hininga na lang ako. Na weird-uhan lang din ako sa sarili ko dahil kailan pa ako nakaramdam ng pag crave sa ganoong bagay?

O baka naman kasi sinanay niya ako sa pang-aakit dati niya kaya parang hinahanap hanap ko?

"Oh. Look who's here."

Napatingin ako sa babaeng nagsalita, nasurpresang si Dimples pala ito.
Mukhang kalalabas lang niya sa university niya dahil nakasuot pa rin siya ng uniporme. Hinarap ko siya while she's giving me this usual sweet smile of hers. "Fancy seeing you, Kyrie. It's been awhile, huh?"

Sinimangutan ko siya. "Unfortunately, hindi ako masayang makita ka."

Humagikhik siya. "Aww, come on. Hindi ka pa rin nagbago, ano?" Sabay kapit sa aking braso nang makatabi siya sa akin. "So? Bakit nandito tayo sa adult section?" Tukoy niya sa pwesto namin ngayon at iyan nanaman iyong madudang tono ng boses niya. "I see that you're doing it." Patango-tango niyang wika. "Well, of course, wala naman yatang couple na hindi ginagawa iyong mga couple thing, right?" Tanong niya habang umiwas lang ako ng tingin.

Napansin naman ni Dimples 'yung paglayo ng tingin ko kaya tumaas ang kaliwang kilay niya. "Right?" Ulit niyang tanong habang mas inilalayo ko lang ang tingin ko. "Seriously?" Hindi makapaniwala niyang reaksiyon.

***

"I see the issue." Pagsandal ni Dimples sa pader. Nandito kami ngayon sa isang kainan na hindi lalayo ro'n sa pinuntahan naming book store kanina.
Pumunta si Dimples doon kanina dahil may ibinalik lang din siyang libro ro'n nang makita niya ako kaya lumapit na siya sa akin. "No wonder kung bakit nandoon ka sa adult romance section kanina. Pero Kyrie,"

Nakababa lang ang tingin ko nang iangat ko para mas makita siya.
Nakatakip ang bibig niya at parang natatawa na ewan. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Still naive as ever, it's kind'a hilarious." Is that how she thinks of me all this time?!

Nilingon ko sa kanang bahagi ang tingin ko para hindi makita 'yung nakakainis niyang mukha. "Kaya sa lahat ng gusto kong iwasan, ikaw talaga 'yung ayaw kong makita, eh."

Mas humagalpak siya ng tawa. "Oh, gosh. Nagbibiro lang naman ako." Natatawa niyang sabi at nagkibit-balikat. "But at the same time, hindi."

May pumitik na sa sintido ko. "Ano ba talaga?!"

Bumalik na siya sa dati at nginitian ako. "You see, Kyrie. Kung gusto mong gawin iyong mga ganyang bagay sa kanya. Bakit hindi mo pa ginagawa?
You guys are already a couple, the only thing that limits you is your thinking na kesyo baka ayaw niya kaya wala siyang ginagawa maliban sa busy nga kamo siya sa trabaho niya. You are her girlfriend, sometimes you should also take the lead."

Pasimple akong naglabas ng hangin sa ilong. "Hindi ko lang talaga alam kung paano ko sisimulan. Pakiramdam ko kasi kapag pinilit ko sarili ko, magagalit siya."

"Did she ever get mad at you for doing something for her?"

Umiling ako. "No." Sagot ko.

"Saan lang siya nagagalit?" Tanong pa niya.

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Where stories live. Discover now