Episode 30

647 46 8
                                    


Episode 30

KYRIE

"Kairi, share na lang tayo kung wala kang pwedeng mahiraman ng libro nang 'di ka mahirapan."
"Hindi, p're. Ako na lang."
"Gag* ka ba? Gusto mong sapakin kita ngayon?"

Ibinaba ko ang dalawa kong kamay para ipatong sa kandungan ko.

"Oh, Dela Valliere. Marami namang nag-aalok sa'yo sa likod. Ayaw mong maki-share sa kanila?" Tanong ni Reynald na nakasuot ng pilit na ngiti saka hinila papunta sa kanya ang librong na sa gitna ko.
Higpit namang humawak si Kairi sa kabila para ihila naman sa kanya ang libro na kanina pa talaga nila pinagtatalunan. "No, thank you. Nandiyan naman si Kyrie, and I'm not comfortable to begin with, so you can't expect me to share with them." Sinabi 'yan ni Kairi ng hindi inaalis ang ngiti sa labi niya.

Tumabi naman si Mia kay Reynald at tumikhim. "Kung gusto mo, sa 'kin ka na lang maki-share?" Pasimpleng alok niya 'tapos umiwas ng tingin. "Pero sinasabi ko na sa'yo, hindi sa gusto kong maki-share sa 'yo o ano. Sadyang naiirita lang akong tingnan ka dahil iniisturbo mo si Kyrie H."

"Bakit mo kasi ako tinitingnan?" Pabulong na tanong ni Reynald dahil nandito talaga kami ngayon sa library para sa research namin. Kaya hindi kami pwedeng magsisisigaw.
Bumuntong-hininga si Joe na ngayo'y na sa harapan namin. Magkakasama kaming lima sa iisang table.

"Kyrie, mamili ka. Si Reynald o ako?" Turo ni Kairi kay Reynald kaya umurong ang ulo ko, 'tapos napalingon kay Reynald nang papiliin din niya ako.
"Reynald, huwag mong tanggihan 'yung alok ni Mia sa 'yo, don't you feel bad?" Pangongonsensiya ni Kairi kaya nagsimula namang umarte si Mia na animo'y umiiyak.

"Wala kang awa, future wife mo 'ko pero ginaganyan mo." Umakto pang nagpupunas ng luha si Mia. "Hindi ba pwedeng paiyakin mo na lang ako kapag gagawa tayo ng baby?" Tanong niya dahilan para magulantang ako, samantalang ngumanga si Kairi sa pagkamangha.

Napatayo naman ng wala sa oras si Reynald, tulad ko ay pulang pula rin ang mukha nito. "A-Anong baby ka d'ya--" Mabilis na tinakpan ni Joe ang bunganga ni Reynald.

Pumukaw na ang atensiyon ng librarian sa 'min at masama na ang tingin.

Sa sobrang pagkataranta ko, palipat-lipat na ang tingin ko sa tatlo. "A-Ahm--"

Kumindat si Mia. "Huwag kang mag-alala asawa ko, virgin pa 'k--" Hindi na naituloy ni Mia 'yung sasabihin niya dahil kinotongan na siya ng kapatid niyang si Joe.
"Mahiya ka sa sinasabi mo, na sa skwelahan ka." Suway ni Joe kaya inirapan siya ni Mia at sumalong-baba na umiwas ng tingin.

Tumayo naman ako. "Magbabanyo lang ako." Paalam ko saka ko sila iniwan, naramdaman ko ang pagsunod ng tingin ni Kairi pero hinayaan ko lang siya.

***

PUMASOK AKO sa banyo at pumunta sa harapan ng salamin, ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa sink at nagbuga ng hininga. "Dahil ba 'to sa walang tulog kaya parang pagod na pagod ako ngayong araw?" Tanong sa sarili saka binuksan ang gripo upang maghilamos.

Nakarinig naman ako ng yapak ng paa. "Ba't parang pagod na pagod ka?" Tumingala ako at tiningnan si Dimples mula sa salamin. Nakapameywang siya habang nakangisi. "Masyado ba kayong nag enjoy ni Kairi kagabi?" Tanong niya kaya isinara ko na ang gripo para tumayo ng maayos.

"Namamangha pa rin ako na nagagawang mo akong asarin ng ganyan kahit na broken hearted ka." Humarap ako sa kanya habang kinukuha ang panyo sa bulsa ng skirt ko. Pinunasan ko ang basang mukha.

Pinitik niya ang buhok niya. "Alangan namang magmukmok na lang ako?
Saka 'di mo ba alam? Mas madali raw'ng maka move on kapag sinasaktan mo sarili mo."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Masokista ka ba?" Tanong ko nang maibaba ko ang panyo ko at muling bumuntong-hininga. "Bakit ka nga pala nandito?" Taka kong sabi.

Naglakad siya para tumabi sa akin, humarap siya sa salamin at binuksan ang gripo. "Galing ako sa speech laboratory at pupunta sana sa cafeteria para doon muna tumambay habang wala pang tao sa SSG. Eh, kaso nakita kita rito kaya sinundan na kita." At naghilamos din siya. "Baka gusto mo 'kong samahan kumain prez?" Tanong niya at sumulyap sandali sa akin.

Sumimangot ako. "Hindi pa tapos klase namin." Tugon ko saka siya humugot ng panyo sa bulsa ng skirt niya para magpunas ng mukha.

"Siya nga pala, Prez." Panimula ni Dimples saka niya tinanggal ang panyo sa mukha niya para lingunin ako. "Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero ano ang balak mo kay Kairi? Hindi ba siya hinahanap ng magulang niya?" Concern niyang tanong.

Ipinasok ko ang kanan kong kamay sa bulsa ng skirt ko, inilayo ko ang tingin.
Ano ba'ng dapat kong isagot?

"You don't need to answer. Basta kung may naging problema, puntahan kita kaagad. It's Kairi we're talking about here." Tumaas saglit ang kilay ko, namangha dahil sa sinabi niya. Gustong-gusto niya talaga si Kairi.

"Hangga't maaari rin, huwag mo muna siyang hayaan na pumasok sa speakeasy." Bilin ni Dimples na ngayon ay seryoso na ang tingin sa akin.
Nagsalubong ang kilay ko. "Iyan ang balak ko." Sagot ko sa kanya.

Nakita ko sa peripheral eye view ko ang pag ngiti niya, 'tapos ay tinapik ang balikat ko. "At huwag ka munang pumunta sa SSG room ngayon, ako na ang gagawa sa mga natira mong trabaho."

Umangat ang tingin ko sa kanya. "Ha? Bakit?" Naguguluhan kong tanong.

Itinabingi niya nang kaunti ang ulo niya. "Bakit? Prez, baka madagdagan 'yung trabaho namin kung kikilos ka ngayon habang bangag ka? Halatang wala kang tulog, oh?" At ini-stretch pa niya ang pisngi ko.

"K-Kaya ko namang mag trabaho, saka hindi ako bangag." Kumbinsi ko sa kanya kasabay ang pagtanggal niya ng kamay na nakapisil sa pisngi ko.

"Nahh, let me. Wala rin naman akong gagawin, eh." Pagkibit-balikat niya.

"No" Giit ko. "I can't let you do that, para sa'n pa 'yung posisyon ko bilang SSG president kung ikaw lang gagaw--" Pinutol niya ang sasabihin ko.

"Don't let her wait." Simpleng saad niya pero napatigil ako. "She needs you." Dagdag niya saka namuo ang katahimikan sa pagitan namin na pati ang pagtulo ng tubig sa gripo, umaalingawngaw sa banyo.

Umawang-bibig ako, may sasabihin sana nang hindi ko na lang ituloy. Gusto kong tanggihan pero ayoko ring magmatigas.

Inilabas ko ang kamay kong na sa bulsa kanina para iangat iyon papunta sa ulo niya. I patted her head. "Thank you for always worrying about her." I said as I smiled at her.

Nakabuka ang bibig niya nang may mamuong tubig sa mata niya, she was about to cry, pinipigilan lang niya. Tumalikod siya sa akin kaya umangat ang kamay ko na nakapatong sa ulo niya kanina. "Natural lang 'yan. Pero kung hindi ka pa aamin sa kanya, aagawin ko na talaga siya sa 'yo."

Nakatitig lang ako sa likuran niya nang ibaba ko na ang kamay ko't humagikhik.
This time, I won't deny that fact that maybe I'm in love.

...but as usual. I don't want to think about it.

DIMPLES

Matapos naming makapag-usap ni Kyrie, dumiretsyo na nga ako sa cafeteria para kumain sandali.

Huminto ako sa paglalakad para tingnan 'yung dalawang estudyante sa gilid na sadyang itinapon na lang 'yung kalat nila sa daan. Sinita ko sila kaya mabilis naman nilang dinampot, 'tapos umalis na sila.

Labas sa ilong akong nagpameywang.

"Don't let her wait, she needs you." Naalala kong sabi ko kanina kaya napatingala ako't mabigat na bumuntong-hininga.

This is the only thing I can do for her, in a way to help and give my gratitude for saving my life.

"Love sucks."

KYRIE

Uwian na noong magsabay na kami ni Kairi palabas ng campus.

Marahan kong pinatunog ang batok ko dahil sa pagkangalay nito kakayuko, ilang oras nga kaming pinagbasa? Ni wala akong naintindihan dahil pinapangunahan ako ng antok.

Palihim akong nagbuga ng hininga bago nilingon si Kairi na yakap-yakap ang iilan sa mga libro niya. Wala kasi siyang dalang bag at pumasok lang siyang ballpen lang ang dala,
At mabuti nga kamo na karamihan sa mga kakailanganin niya, na sa locker.

Kinuha ko 'yung kalahating libro mula sa kamay niya kaya bigla ang lingon niya sa akin. "Laking athlete ako kaya h'wag ka ng mahiya, hindi naman mabigat." Pangunguna ko saka ibinaling ang tingin.

Hindi siya sumagot pero bigla nanaman siyang dumikit sa akin. Inilipat ko ang tingin sa kaliwang bahagi. "You're close..."

Wala naman na siyang sinabi pero humagikhik siya.

Palihim kong ibinaba ang tingin para makita siya. Nanatili lang 'yung ngiti ro'n sa labi niya, pero halata mo pa rin sa mata niya 'yung lungkot.

Muli kong ibinaling ang tingin. "Ano pala 'yung comfort food mo?"

Naramdaman ko ang pag-angat ng tingin niya. "Ikaw."

Ikinalma ko ang sarili ko sa pamamagitan ng paghinga ng malalim. "Ano nga?"

Idinikit niya ang hintuturo niya sa baba (chin) niya. "Hmm... Ice cream?" Sagot niya kaya hinawakan ko ang pulso niya't nginitian siya.

"Bili muna tayo niyon bago umuwi." Hindi ko na siya hinintay sumagot at iginiya lamang siya para puntahan 'yung kalapit na store.

***

INABOT ko sa kanya 'yung swirl ice cream habang kumukurap-kurap lang ang mata ni Kairi na nakatingin do'n sa ibinibigay ko sa kanya. "Dapat hindi ka na bumili." Saad niya.

Bumaba nang kaunti ang kamay ko kung sa'n hawak ko 'yung Ice cream ni Kairi. "Ah, sorry. Ayaw mo ba?"
Kaya dapat talaga, bago bili, tanong muna.

She shook her head and grabbed my pulse para ilapit sa kanya 'yung Ice cream ko. Laking gulat nang dilaan niya. "Kasi gusto kong makipag share ng ice cream sa 'yo." Pag-angat niya nung tingin sa akin.

Umakyat ang dugo sa mukha ko. Itong babaeng 'to!

By force kong ibinigay 'yung Ice cream niya na kinuha naman niya. "Ayoko, kulang pa 'to sa akin." At dali-dali ko na nga lang inubos ang Ice cream ko nang hindi na niya kunin sa 'kin.

Bumungisngis siya. "Oh, you don't mind indirect kissing?" Nabilaukan ako kaya humalakhak naman siya sa tuwa.

"Kairi!" Asik ko.

Binelatan lang niya ako saka niya sinimulang dilaan ang Ice cream niya.
And for some reason, the way I see her eating her own Ice cream is a bit kind'a lewd and sexy.

Kinurot ko ang sarili ko para magising sa katotohanang nagiging manyakol na akong babae. Pero kahit sino yatang tao na makakakita sa kanya, gano'n din ang iisipin.

"Mmh... Ang sarap nung flavor." Kumento niya sa Ice cream niya. Ibinaba ko ang tingin sa katabing labi ni Kairi nang makita kong may kaunting cream doon. Tinawag ko ang pangalan niya kaya lumingon naman siya sa akin.

Itinuro ko 'yung bandang pisngi ko para senyasan siya tungkol doon sa cream na nasa tabi ng labi niya.
Tumitig muna siya sa akin sandali bago niya ako ngisihan at hinalikan ako sa pisngi. Muli nanaman akong namula. "Hindi ko sinabing halikan mo 'ko!" I flustered.

Binigyan niya ako ng tingin na akala mo ang inosente niya. "Ah, hindi ba?" Pagmamaang-maangan niya saka niya dinilaan 'yung cream na nasa tabi ng labi niya. She knew!

Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo. "I-I'll go get some water." Lumakad na ako paalis para bumili ng tubig.

Humawak ako sa dibdib ko at higpit na napahawak sa aking damit. Sobrang ingay nung puso ko pero para akong nabibingi dahil wala akong naririnig na kahit na ano sa paligid kundi ang malakas na tunog mula sa aking dibdib. 

Wala akong ideya na delikado pa lang magkaro'n ng something sa isang tao, anytime pwede kang mamatay dahil sa heart attack.

***** 

(A/N: 5 more episodes left!) 

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon