Episode 23

901 54 6
                                    

Episode 23 

REYNALD  

Punas punas ko ang pawis ko habang papalabas ng Badminton Gym (outside school). Katatapos lang ng training namin kaya malaya na 'kong makakauwi at makakapagpahinga. 
Gusto ko nga sanang ayain si Kyrie lumabas kaso alangan namang makipagkita ako sa kanya ng ganito ako kapawis? Nakakahiya. 

Maliligo muna ako saka ko siya ayain. But knowing her, baka 'di rin pumayag. 
Uuwi na lang ba talaga ako?

Inayos ko ang pagkakasabit ng bag sa aking balikat 'tapos nagpatuloy sa paglalakad. 

Tumigil ako sa tabi ng soccer field kung saan madalas maganap ang provincial game. Tinanaw ko ang lugar na iyon nang nakangiti. 

Dito talaga iyon, eh.
Dito ko unang nasilayan 'yong galing ni Kyrie, kung sa'n makikita mo 'yong determinasyon niya sa pangarap niya habang naglalaro. Tama, kilala ko na talaga si Kyrie simula pa noong una. Kasabayan namin sila palagi kapag may palarong pambansa.  

Siya 'yong palaging napapansin ng mata ko, siya 'yong palagi kong ninanakawan ng tingin. 
Matangkad siya, sporty, 'tapos simple lang pero maganda. Hindi ko rin alam pero ang totoo niyan, 'di siya 'yung ideal girl ko. Kumbaga ang mga tipo ko talaga sa mga babae ay 'yong mahaba ang buhok, hindi gano'n katangkaran pero maganda at mabait, palangiti at 'yong approachable. 

Kumbaga parang si Dela Valliere lang ang tinutukoy ko pero wala, eh. Si Kyrie ang pumukaw sa buong atensiyon ko. 

Kaya nga naniniwala ako na pagdating sa love, 'di na magiging importante kung ano man ang mga naging ideals natin. Kasi 'di naman sila perfect, may mga flaws sila. Tatanggapin mo lahat ng traits and personality na mayro'n siya dahil espesiyal ang taong ito sa'yo na kahit mabaho pa 'yong hininga niya, tatanggapin mo. 

Pero 'di ko sinasabing mabaho ang hininga ni Kyrie, ah? Ang bango nga, eh.  

Unang kita ko sa kanya, alam kong may something na.
Wala akong ideya kung ano iyon pero gustong-gusto ko na siya, wala nga lang akong pagkakataon na makausap siya kapag may laban ang school namin o sa baranggay namin kasi parang ang taas-taas niya. Iyong tipong ilang distansiya lang ang mayro'n sa 'min pero ang hirap niyang abutin. 

'Tapos mas lumayo pa siya noong malaman kong nag quit na siya sa team nila dahil sa na-fractured bone ang bandang hita niya. 

Kaya laking tuwa ko noong malaman kong isa siya sa mga kaklase ko sa skwelahan na pinapasukan ko ngayon. 

'Lagi siyang nakatingin sa malayo nang dahil siguro sa nangyari sa kanya kaya nung una, nahihirapan pa 'kong i-approach siya. 
Pero 'di ko naman hinayaan na magtagal dahil kung hindi ako kikilos, magsisisi ako. 

Malaki man ang posibilidad na ipagtabuyan niya ako, gagawa ako ng paraan para mapalapit sa kanya paunti-unti. Pero ang first step, kaibigan-in siya, kung ayaw niya. Kulitin mo para palagi siyang mainis at madali ka na lang niyang maaalala. Genius, 'di ba?  

...pero wala talagang epekto. Kahit na ano'ng gawin ko, kalmado pa rin si Kyrie. 

"Oh, nandito ka rin." Ibinaba ko ang tingin sa nagsalita at laking gulat nang makita ko si Kyrie. 
Nakatingala lang din siya't nakatingin sa akin. "Sup." Dagdag bati niya. 
Sh*t! Nandito siya! Ang wrong timing! 

Lumayo ako samantalang umakyat naman siya papunta sa kung nasa'n ako. "Ba't ka lumayo? Nangangamoy ba 'ko?" Biro niya at inamoy-amoy 'yong underarm niya. Umiling-iling naman ako 'tapos iwinagayway ang mga kamay sa tapat ng aking dibdib. 

Ang asim ko kaya! Pawisin ako, oh? 

"Ako nga dapat magsabi niyan kasi galing ako sa training. Baka mabaho ako." Ang awkward ko namang magsalita! 

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Where stories live. Discover now