Episode 5

1.1K 75 20
                                    

Episode 5

KYRIE


Uwian at wala ng halos tao. Naabutan ko si Kairi sa locker area na kinukuha ang gamit sa bag para ilagay iyon sa locker. Nagmartsa ako't malakas na ipinatong ang kamay ko sa locked door bago pa man mabuksan ni Kairi iyon.

Nagulat siya pero mabilis ding ibinalik ang dating ekspresiyon nang tingnan ako. "Kyrie. Bakit?" Ngiting tanong niya sa akin na parang wala siyang ideya kung bakit ko siya kinausap ngayon. Wala kasi kaming pagkakataon na mag-usap kanina. 

Naningkit ang mata ko na tiningnan siya. "Ba't mo ginawa 'yon?" Bungad kong tanong sa kanya pero nginitian lang niya ako na para bang pinaglalaruan niya ako.

Idinikit niya ang hintuturo niya sa kanyang labi at muli nanaman akong binigyan ng mapang-akit na ngiti. "No idea." Pa-inosente niyang saogt. This girl! 

Inalis ko na nga lang ang kamay ko sa locked door at tumingin sa hindi kalayuan. 
Maraming pumapasok sa utak ko kung bakit ginawa 'yon ni Kairi, But I don't want to jump into conclusion. Honestly, hindi naman 'to big deal, but she's trying to enter into my life. 

"Huwag mo na lang isipin 'yung ginawa ko. Nakipaglaro lang ako nang kaunt--" Pinutol ko ang sinasabi niya. 

"Pero bakit nga?" Naguguluhan kong tanong. "Wala akong nakikitang rason para gawin mo 'yon. Just why are you sticking your nose in to my business? Para sa'n? Akala mo ba hindi ko alam? They only apologized because you told them to. Pero kung  hindi mo ginawa mo 'y--"

"But it turned out well, right?" Pagputol niya sa sinabi ko nang nakangiti pa rin. Lumapad din iyon pagkatapos. "But Kyrie, you actually know how to get mad." 
Nanlaki ang mata ko lalo pa noong makita ko na parang na-amused siya sa nakikita niya. 

Lumakad siya palapit sa akin kasabay ang pagbaba niya ng bag 'tapos idinikit ang hintuturo sa dibdib ko. Hindi ko pansin na nakabukas ang una't pangalawang buttones kaya nahahawakan niya ang balat ko. "And Kyrie, are you trying to seduce me?" Inilapit nanaman niya ang mukha niya sa mukha ko na iilang inch na lang ay pwede na niya akong mahalikan. "Just to tell you this, I'm a woman who's going to wear you down." She licked the upper part of her lips.  

Nanginginig lang ang mata kong nakatingin sa kanya nang magsalubong ang kilay ko. "Kairi. I have no idea what you're thinking. Let's say you're just messing around, pero kung gagawin mo rin 'to sa iba. Iba ang iisipin nila, you'll put yourself in to corner."  

Humagikhik siya. "That's actually what I like about you. No matter who I am, tatanggapin mo 'ko." 

"So, you're going take advantage of my kindness? Is that what you're pointing at?" Paninigurado ko. 

Sandali siyang hindi nagsalita at biglang tumahimik ang paligid. Naririnig ang ingay sa labas ng building at ang iba't-ibang boses ng mga ingay ng mga estudyante.
Naningkit ang mata ni Kairi at lumapad ang ngisi. "That's right." 

Nanikip ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. "You're awful."

"Maybe I am." Mahina pero sapat lang upang marinig ko 'yung naging tugon niya. Hindi pa rin naglalaho kay Kairi ang kanyang pagngiti ngunit napaawang-bibig ako dahil sa ginawa niyang ekspresiyon. Puno ng paghihinagpis ang namuo sa mata ni Kairi kaya noong tangka kong magsalita, tumagilid na siya para ipasok na lamang sa locker niya ang mga gamit at maiwasang ipagpatuloy ang aming usapan.

Ibinaba ko ang kamay ko na balak sana siyang abutin, nilagpasan ko na lang siya para umalis. Hindi ko na dapat pakielaman kung ano ang problema niya at kung bakit binigyan niya ako ng ganyang klaseng tingin. 

As long as hindi iyon ang makakasira sa akin o sa puso ko. I should also distance myself para hindi ako nababaliw kakaisip sa kung anu-ano. Pakiramdam ko kasi, nag-iiba ako 'pag nakikita ko siya. So, better to stop this. 

*** 

SIMULA NGA no'n, hindi na niya ako kinausap at siya na ang kumusang lumalayo sa akin.
Ni hindi niya magawang sumulyap kahit na isang beses, hindi tulad dati na bawat segundo, minuto at oras ay palagi ko siyang naaabutan na nakatingin sa akin. Ngayon?

Hindi talaga. 

Bumuntong-hininga ako 'tapos muling napa-bored look nang marinig ko ang kaingayan mula kay Reynald. Busy rin 'to sa Badminton for the past few weeks at ngayon lang ulit nagkaroon ng oras para bigyan ako ng oras kulitin.
Umupo siya sa tabi ko't inuurong ang upuan para akbayan nanaman ako. Ginulo rin niya 'yung buhok ko. "Kyrie! Na-miss kita!" Ang ingay! 

"Okay, fine. Fine." Inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin dahil ayoko ng dinidikitan ako. "Lumayas ka na."

"Kakarating ko lang dito, eh!" Pabulyaw nitong sabi kasabay ang pagtama ng white board eraser sa noo niya. Bullseye! Binato siya ng teacher sa harapan. "Aray, Ma'am! Sakit no'n, ah!" Hawak ni Reynald sa noo niya. 

"Kararating mo lang dito, nag-iingay ka na!" Nakikita na ang ugat sa sintido ng teacher namin sa galit. High blood din kasi ito, eh.
Saka ito kasing si Reynald, may provincial kaya ilang araw ring wala at ngayon lang ulit nakapasok. 'Tapos late pa. 

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Where stories live. Discover now