Episode 33

603 43 4
                                    

Episode 33 

KYRIE

Pare-pareho kaming na sa table ngayon at nakahain na rin ang mga niluto kong pagkain. Katabi ko si Reynald at Kairi na pareho ring magkaharap at sa ngayon, ayon sa reaksiyon na ginagawa ni Reynald at parang lumabas sa katawan niya ang sariling kaluluwa matapos gawin ni Kairi ang panghahalik sa kanya.

Uminum sandali si Jennifer ng tsa-a na ginawa ko para sa kanya, iyan kasi ang madalas niyang inumin sa umaga. "What happened?" Tanong niya at nilingon si Reynald. "Has his soul been sucked out of his body?" Dugtong niya na pilit ko lamang na tinawanan.

Naluluhang suminghot si Reynald, pagkatapos ay tinuro si Kairi gamit ang tinidor na hawak niya. "Akala mo papalagpasin ko 'yung ginawa mo kanina?!" Hindi makapaniwalang tanong ng pulang-pula na si Reynald kaya nagpalipat-lipat ang tingin ni Jennifer sa dalawa.

"Ano ba kasing nangyari?" Curious na tanong ni Jennifer.

Inangat ni Kairi ang tingin niya kay Reynald at ngumisi. "Hmm? I see, was that your first kiss?"

Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Jennifer habang napahampas naman ng lamesa si Reynald. "Bakit parang wala lang sa 'yo na gawin mo 'yon?! 'Di mo ba alam kung gaano ako ka-reserve na tao?!"

Sa pagkakaalala ko, hindi talaga ganito kaingay ang dorm ko noon.

Sinubukan kong awatin ang dalawa sa pagpapalit sagutan nila. "K-Kumakain muna kaya tayo?"

Nilingon ako ni Kairi."Kyrie, ano ang tipo mo?" Biglang tanong niya out of the blue.

"Para sa'n?" Taka kong sabi at inilipat ang tingin kay Reynald nang tanungin din niya ang tinatanong ni Kairi sa akin. Saan ba kasi 'to patungo?
Kinuha ko ang tubig ko't ininum bago sagutin 'yung tanong na gusto nilang malaman sa akin. "To be honest, I don't want someone who's too clingy, I don't think I'd be good at showing affection." Pagbibigay sagot ko saka inilayo ang tingin.

...since it would be embarrassing in my part and at the same time, it feels weird for me. I'm not sure, but I prefer the other person to show its vulnerability. 

Napaurong ng wala sa oras si Kairi. "A-Ayaw mo ng clingy?" Tanong ni Kairi na parang may na-realize 'tapos humalukipkip. "I didn't expect that but," kumulot ang labi ni Kairi paharap kay Reynald. "Pa'no ba 'yan? Ayaw niya kamo ng clingy?"

Namula si Reynald at umayos ng upo. "H-Hindi naman ako clingy." Wika niya at dumistansiya nang kaunti sa akin. Pumikit ako at pasimpleng nagbuga ng hininga. Pareho lang kayong clingy.

Sumubo na nga lang ako ng pagkain ko saka palihim na sinulyapan si Kairi na ngiti lamang na nakikipag-away kay Reynald.
Ibinaba ko ang tingin sa labi niya na inilapat niya sa labi ni Reynald kanina bago dahan-dahang manliit ang tingin ng aking mga mata.

Hindi ko maintindihan 'tong nararamdaman ko ngayon.

JENNIFER

Pasimple kong tiningnan ang kaibigan kong si Kyrie na nakasulyap sa nakangiting si Kairi.

The fragrance of jaundice between girls who are still not yet certain about their pace continues to find their answers. If I have a chance to watch over them, I might go back here to see what will happen.

...but how far must they go to get in to each other's unconscious?

Nilingon ko si Reynald na nakabusangot na nakikipag-usap kay Kairi, sumubo ako ng pagkain ko bago labas sa ilong na napangiti.

JEGO

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon