Episode 22

728 47 7
                                    

Episode 22

KAIRI

Kinagabihan bago mag 11 o'clock. Isinara ko na ang locker ko matapos kong magpalit ng damit. Maaga ang uwi ko ngayon kaya heto ako't malaya ng makakalayas sa lugar na 'to. Habang tumatagal, hindi ko na nagugustuhan 'yong amoy ng alak.
Ang sakit sa ilong 'tapos 'yong bawat usok na binubuga ng mga customers dito ay naghahalo kaya nagkakaroon ng kakaibang amoy.

Ba't ngayon pa 'ko hindi nasanay?

"Uwi ka na 'agad?" Tanong ni Cherry na kapapasok lang sa staff room. Nilingunan ko s'ya matapos kong isabit ang bag sa balikat ko. Humarap ako sa kanya't pilit na ngumiti bilang sagot. "Ayaw mo ba munang kumain? Kain tayo sa labas." Anyaya niya sa 'kin at kumapit sa mga braso ko pagkatapos niyang lumapit sa akin. Idinikit niya ang hintuturo niya sa lalamunan ko. "Alam kong nagugutom ka." Nakatingin lang ako sa kamay niya nang pasimple kong inalis iyon. 

"Pagod na 'ko. Gusto kong magpahinga, sa susunod na lang." Tugon ko at naunang naglakad. Pero nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang dibdib ko't sinisimulan na itong i-masahe.

Unti-unti akong lumingong muli. "C-Cherry, this isn't the right time to do this."

She smirked. "Right time? Hanggang kailan 'yang right time na 'yan?" Tanong niya na nagpabaling sa tingin ko. Hinawakan niya ang leeg ko habang ramdam ang mainit nitong hininga sa aking tainga. "You're pretty stressed out lately, aren't you? Let me guess," Mas inilapit pa niya ang labi niya sa tainga ko. "...broken hearted?" Hula niya na nagpaawang sa 'kin saka ako humiwalay sa kanya't inayos ang aking damit. 

"I'm not." Ngiti kong sabi 'tapos umalis na sa harapan niya. "See you tomorrow." Paalam ko bago maisara 'yong pinto. Sa exit door ako mismo dumaan para hindi makasalubong 'yung mga customers ko kanina. 

Nang makalabas, luminga-linga muna ako sa kanan at kaliwa bago magsimulang maglakad. Mahirap na kasi kung pati rito, salubungin ako ng ama ko kung sakaling nandito rin siya sa speakeasy para mag-iiinum. 

Nakasuot lang ako ng jeans at shirt pero pakiramdam ko na sa 'kin pa rin 'yong tingin ng mga kalalakihan at hinuburan ako ng tingin.

Tumungo ako. "Kailan pa 'ko naging ganito?" Tanong sa sarili at binilisan na nga lang ang lakad. Hanggang sa marating ko ang tulay. 'Di pa ako nakakalayo mula sa pinanggalingan ko kanina, 
at ito ang pinaka unang pagkakataon na dumaan ako rito.

Dito ako dinala ng mga paa ko kahit na sinabi kong gusto ko ng magpahinga.

Pahinga?

Huminto ako 'tapos humarap sa ilog kung sa'n maririnig pa ang kaunting paghampas nung tubig. Malamig din ang simoy ng hangin.
Ibinaba ko ang tingin sa ilog at nag-iisip isip. I don't want to die but I want to do this.

Gusto mo na kamong magpahinga, ba't hindi mo pa gawin? 


Humawak ako sa noo ko.  
Tama, gusto ko ng magpahinga. Pagod na 'ko, eh. Ang hirap, nahihirapan na 'ko... 
Parang walang saysay kung mananatili ako rito kung alam kong mas mahihirapan lang din naman ako. 

Hindi ko naman kasalanan kung ganito ako mag-isip ngayon, 'di ba? Hindi ko rin naman ginustong mabuhay, eh. Ang unfair, too unfair. 
Wala akong karapatang mamili sa kung ano ang gusto ko at parang nabubuhay na lang ako sa gusto ng iba. 

I want to change, but I don't know how to. 

Bawat mukha ng iba't ibang lalaki na lumilitaw sa utak ko as they asked what they want from me makes me want to puke. I can't decide on my own.
I want to escape, but after that. Ano na ang gagawin ko?

Humawak ako sa lalamunan ko noong maramdaman kong 'di ako makahinga. Nakakasakal. Nakakasakal isipin na madali na lang nila akong I-manipulate ng gano'n gano'n lang. 

"Kairi, you're amazing!"
"Ang perfect mo, how to be you?"
"Ang sporty mo, ta's ang talino mo pa. Grabe, to keep ka."

I held the cement bridge railing. "I'm not perfect at all. You've been deceived." Nanginginig kong sabi kasabay ang paglitaw ni Kyrie sa utak ko.

"We're living in the present, hindi sa past. Kung ano ang ginagawa natin ngayon, iyon ang magdi-dictate ng future natin. Kung pipiliin mong gumawa ng bagay na ikasisisi mo, choice mo 'yon. Afterall, ikaw lang ang may kontrol sa sarili mo."
Naaalala kong katagang iniwan ni Kyrie noong magkasabay kaming maglakad pauwi. 

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Where stories live. Discover now