Episode 3

1.1K 88 15
                                    

Episode 3 

KYRIE

Ipinutok na ng P.E Teacher namin ang starting pistol dahilan para matulin na tumakbo ang mga kaklase ko. Pinapanood ko lang sila rito sa gilid ng lines dahil hindi ko rin naman magagawa 'yung activity na ito.
Humawak ako sa may bandang paanan ko't napailing bago itinuon ang tingin sa mga tumatakbo. 

Tumabi sa akin si Reynald na ngayon ay nagpupunas ng pawis. Bakit nandito nanaman itong lalaking ito? "Baka naman gusto mong ibigay sa akin 'yung tubig mo na 'yan?" Turo niya sa tumblr ko na nasa aking kaliwa. Inilayo ko naman iyon lalo sa kanya.

"Bakit? Sino ka ba?" Pagtataray ko.
"You don't have act like that." Siko niya sa akin at pinilit pang kunin ang tumblr ko noong magulat akong kinuha iyon ni Kairi at tumungga. Nakanganga lang kami ni Reynald na nakatingin sa kanya nang matapos siya.

"Sorry, palitan ko na lang 'yung tubig." Sabi niya na may matamis na ngiti sa kanyang labi bago ibigay sa akin. Kumaway siya paalis para puntahan ang mga kaklase namin. 

Mas lumapit si Reynald sa akin kaysa kanina.
"Ba't siya hinayaan mong painumin sa tubig mo pero ako, hindi?" Parang nagtatampo nitong tanong sa akin. B-Bakit parang kasalanan ko pa? 

Tinawag na si Reynald ng mga kasama niya. He scratched his nape. "Ang wrong timing naman ng mga 'to." Naiirita nitong bulong na medyo nagpatawa sa akin nang kaunti. 

"Ba't ba kasi nandito ka? Pumunta ka na sa mga kasama mo." Binangga ko pa ang balikat niya dahilan para mapalingon siya kaagad sa akin na nanlalaki ang mata. Kumunot-noo naman ako. "Wha-- Hey!" Hinawakan niya ang magkabilaan kong braso para iharap ako sa kanya.

"You laughed!" Hindi makapaniwalang sambit nito saka ako inuga uga. Hindi nakakatuwa.

KAIRI

Nakatingin lang ako sa gawi ni Kyrie kung saan nagkukulitan sila ng kaklase kong si Reynald.
"Buti natitiis niyang makipagkulitan diyan kay Henderson, 'no?"
"Naku, girl. Hindi rin 'yan magtatagal dahil ayaw ngang makipag socialize ni Henderso-- Wait, hey. Tumawa siya." 

Mabilis na lumingon ang isa kong kaklase. "Hindi ko nakita!" Parang nanghihinayang na sabi nito pagkalingon sa gawi nila Kyrie. 
"Dapat gano'n siya palagi, kung tahimik kasi. Parang ang hirap niyang kaibigan-in, eh." 
"Bakit? May balak ka ba?" 
"E-Eh... Ahm..." 

Tumawa naman sila nang tumawa samantalang umalis na lang muna ako sa track and field. 

KYRIE

Mag-isa akong nagpapalit ng damit ngayon sa girl's comfort room sa first floor. Wala kasing tao sa floor na 'to at nagpapalit sa floor namin sa fourth floor ang mga kaklase ko kaya siguradong masikip doon ngayon.
Huhubarin ko na sana ang pantaas ko nang may magbukas ng pinto. Laking gulat na si Kairi pala ito na pawis na pawis. Lumapad ang ngiti sa labi niya noong makita ako't lumapit sa akin. "N-Nandito ka." Hinihingal nitong sabi. Hindi pa rin pala siya nagbibihis? 

Ibinaba ko ang tingin sa damit niyang bumabakat ang panloob. Basa kasi ang T-Shirt niya. Sumimangot ako't inangat ang tingin sa mukha niya. "You're inviting other men if you continue not to be aware to yourself." Turo ko sa damit niya kaya ibinaba naman nito ang tingin at napasinghap kasabay ang pagtakip nito.

Bumuntong-hininga ako at ipinagpatuloy na ngang hubarin ang pantaas ko.  Hindi ako sumali sa activity pero kinakailangan ko pa ring magpalit sa P.E. Uniform dahil required. 

Inangat ko na nga ang pantaas ko nang mapasigaw si Kairi, halos magulantang ako kaya napaatras akong napatingin kay Kairi. Naguguluhan sa naging reaksiyon niya. "H-hoy, b-ba't ka sumisigaw?" taka kong sabi. 

Pulang pula ang mukha niya habang nakaiwas ang tingin. "Y-you're--" Nakahawak lang ako sa damit kong medyo nakataas nang ibaba ko ito. Saang galing ba siyang lugar at ganito siya maka-react? Pero kung iisipin ko rin, kapag nagpapalit si Kairi. Whether siya lang ang mag-isa ako, o ako ang kasama niya.
Kapag kasama naman niya ang iba naming kaklase, palagi lang siyang na sa cubicle.  

Ngumiti ako ng pilit. "S-Sorry, uncomfortable ka ba?" Paninigurado kong tanong. Iwinagayway naman niya ang kanan niyang kamay sa tapat ng kanyang dibdib bilang pagsagot niya. 

"H-Hindi naman, ano lang... Sorry-- Hala, nahiya ako bigla." Tinakpan niya 'yung mukha niya sa sobrang hiyang nararamdaman. 
Napatitig tuloy ako sa kanya. May pagka-weird din pala minsan 'tong babaeng 'to, ano?  

Kinuha ko na nga lang 'yung paperbag ko para pumasok sa isang cubicle, doon na lang ako magpapalit ng damit ko. "Magbihis  ka na, baka ubuhin ka pa kung matuyuan ka ng pawis." Sabi ko't isinara na ang pinto. 

"Ah, yeah. I will." Narinig ko na 'yung pagpasok niya sa cubicle katabi nung as akin. Habang nagpapalit kami, may tinanong si Kairi pero dahil sa hindi ko narinig dahil bigla akong nawala sa pokus dahil na rin sa muntikang pagbagsak nung damit ko sa toilet bowl ay pinaulit ko sa kanya 'yung tanong niya. "Ah, nevermind." Sagot niya. Hindi ko naman na siya kinulit ay nagkibit-balikat na lamang na nagbihis. 

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Where stories live. Discover now