Episode 9

855 63 1
                                    

Episode 9

KYRIE

"Henderson, pwede bang I-check mo 'yung gymnasium? Tingnan mo kung nakasara ba 'yung pinto sa sports room. Ibibigay ko pa kasi 'yung handouts natin kay Sir Anton." Tinanguan ko 'yung kaklase ko bilang sagot bago pumunta roon sa gymnasium na ginamit namin kanina.
Tutal wala naman talagang pwedeng maasahan sa mga kaklase ko kaya ako na lang ang pupunta.

Binuksan ko ang loob ng gymnasium at tiningnan ang bandang sports room. Tama nga, hindi nakasarado 'yung pinto. Buti na lang pala't pumunta ako rito.

Lumakad na nga ako papunta sa pinto para isara na iyon nang makita ko si Kairi sa loob na mukhang may hinahanap pa yata. Sinilip ko siya. "Ano hinahanap mo?" I asked as I entered the room.

Lumingon 'agad siya sa akin, mukhang nagulat pa yata.
"Kyrie." tawag niya na may panginginig pa ang mga mata. Napatigil ako at tinaasan siya ng kilay.

"Why are you so startled to see me? I won't--" Nakita ko ang kaunting panginginig ng katawan niya pero unti-unti ring nawala at humarap kaagad sa akin na may ngiti sa kanyang labi.

"Sorry, 'kala ko kasi kung sin--" Naputol ang kanyang sinasabi noong may tumawag sa pangalan ko? O pangalan ni Kairi sa labas.

"(Kayri)" Malalim ang boses nito at medyo malamig ang paraan ng pagkakatawag sa pangalan. Lumingon ako sa pinanggalingan niyon para tingnan. 

Tatanungin ko rin sana kay Kairi kung kakilala niya nang hilahin niya ako't ilagay sa loob ng isang malaking cabinet. Medyo maalikabok pa nga kaya magrereklamo pa sana ako pero sumenyas si Kairi na huwag akong lumabas bago niya ako ikulong. May butas naman kaya nakikita ko kung ano man 'yong pwedeng mangyari. 

Kaasar, bakit sa lahat na lang ng pwede kong pagtaguan, sa maalikabok pa?

Narinig ko ang mga mabigat na yapak ng mga paa kaya tiningnan ko kung sino iyon. May pumasok na lalaki na medyo may katandaan na. Nakasuot siya ng suit at makikita ring mayamang tao ito. Nandoon siya sa harapan ni Kairi ngayon. "Where were you last night?" may awtoridad na tanong nung lalaki.  

Yumuko si Kairi, sinusubukang umiwas sa tanong. "What are you talking about? Na sa bar pa rin naman ak--" Naputol ang sasabihin niya dahil sa pagsabat ng lalaking kausap niya.
"We received a complaint letter last night, Kairi. It was reported that you also used Stun Gun to one of the customers. What the f*ck do you think you're doing?" Bawat salita na binibitaw niya ay mayroong sakit at galit.

Sino ba itong lalaking ito at makapagsalita ng ganito? Kasama ba ni Kairi ito sa trabaho niya?

Inangat ni Kairi ang kanyang ulo upang tingnan ang lalaking na sa harapan. "Forgive me, Dad." Unti-unting nanlaki ang mata ko dahil sa aking narinig. Her father?! Siya 'yung lalaking nakita ko nung gabing iyon? 

Lasing na si Kairi nung ikwento niya na ang kanyang ama 'yung kasama niya nung gabing una ko siyang nakita malapit sa Speakeasy

Napahawak ako sa tiyan ko nang makaramdam ako nang hindi maintindihang sakit 'tapos ay napakuyom. Bakit pumunta siya rito? 

Gamit ang mga daliri ay napasuklay ng buhok ang natukoy na ama pero nagawa ring ngumiti at niyakap ang sariling anak. "Don't ever do it again, Kairi. You are my hope, aren't you?
Please, don't disappoint me."

Kumulo ang aking dugo lalo pa noong sadya niyang idikit ang pagkalalaki niya sa katawan ni Kairi. Lalabas sana ako pero tiningnan ako ni Kairi diretsyo sa mata, tila parang alam niya 'yung gagawin ko. 

"I'm okay." Iyan ang nabasa ko sa paraan ng paggalaw ng labi niya kaya wala akong nagawa kundi ang mapakagat-labi. Pumikit din ako nang mariin para makapagpigil ng galit.  

"Whenever someone is getting in my way, if I call you. You MUST come." Naalala kong sambit ni Kairi matapos kong matalo sa hamon na ginawa ko sa kanya. 

This is definitely not right! 
Paano mo nagagawang sabihin 'yung mga gano'ng bagay sa akin kung ngayon pa lang, hindi mo na magawa? Ba't hindi mo tawagin pangalan ko para humingi ng tulong?

...at bakit hindi ko magawang makalapit sa 'yo? 

Dahan-dahang inaangat ng ama niya ang damit ni Kairi dahilan para malakas na magpintig ang puso ko. Hindi dahil sa sabik, kundi sa takot at galit. Pero bakit ako nakakaramdam ng mga ganitong emosyon? 
Wala naman talaga akong dapat pakielam, eh. Labas na ako sa mga ganitong problema, hindi dapat ako nakakaramdam ng simpatya,

but, 

Sinimulan ng gawin ng lalaking iyon gumawa ng mga bagay na hindi kailanman gugustuhin ni Kairi na malaman ng nakararami-- Her darkest secrets that buried in a very deep and dark side of her heart. I wanted to get out and stop this mess but the way she looked at me with a very painful on her eyes? It freezes me. I can't even move an inch. Not a single step.

...why must I see her suffer like this?

*** 

LUMABAS NA AKO sa loob ng maalikabok na cabinet kasabay ang pagbahing ko. Wala na ang ama ni Kairi kaya ngayon ay malaya na akong puntahan kung nasa'n siya na inaayos ang sarili.
Naglabas siya ng mabigat ng hininga pagkasara niya ng kanyang buttones.
"Pasensiya ka na at nakita mo pa 'yong kababuyan na 'yon." Mahina lang 'yung pagkakasabi niya habang nakatungo. 

Samantalang hindi muna ako kumibo at tiningnan lang ang kamay niyang nakahawak sa mga braso niya. Shaking of fear, I walked towards her as my hand reached her head and patted it.
I didn't say anything. 

Wala akong alam sa pinagdadaanan niya at sa kung ano talaga ang pinaka nararamdaman niya. 
Kung may sasabihin man akong maganda, it'll only hurt her. 
Hindi naman lahat ng mga masasabi mong maganda, nakakatulong. Minsan, iyon pa ang dahilan para mas lalo silang masaktan.   

KAIRI

Your hand that is reaching out for me. Your warming touch that I need and just a little smile is making me feel that I am being protected.
Inilipat ko ang tingin sa mata niya. She isn't disgusted but she's worried.
Hinawakan ko ang pisngi niya dahilan para manlaki ang mata niya.

My heart is starting to beat fast which is I never felt before.
I'm not quite sure but I do hope that what I'm feeling at this moment isn't a mistake. 
"Dumating ka na."

Ibinaba na niya ang kamay niya na nakapatong sa ulo ko't naguguluhan na tiningnan ako. Ngayon ay pareho na kaming nakatitig sa isa't isa, wala ni isa sa amin ang nagsalita at tahimik lamang. 
Hanggang sa mayroong kumalabog sa labas. "May tao pa ba diyan?"  Tanong ng guro kaya inaya na nga akong lumabas ni Kyrie.

Hindi kaagad ako lumabas at napayukom lamang. This is probably more difficult than I could imagine. But if this is what my heart wants...
I must accept the burden in the future.

"Kairi, are you ready?" Tinutukoy ni Kyrie 'yung paglabas namin sa sports room. 
Nakalingon din siya sa akin kaya tumingala na nga ako para makita siya, hindi siya nakangiti pero hindi rin naman siya nakasimangot.

I'm ready, aren't I?

I smiled at her. "I'm ready."

***** 

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon