Episode 6

1K 70 6
                                    


Episode 6

KYRIE

Sinuot ko kaagad ang school shoes ko't lumabas ng dorm para pumasok ng maaga. 'Di talaga ako mapakali kung ikukulong ko pa 'yung sarili ko sa loob ng dorm
Mas lumalalim at dumadami lang ang iniisip ko lalo na't maraming nangyari kagabi. Ni hindi nga ako nakatulog ng maayos. 

Pababa ako ng hagdan noong maalala ko si Kairi. 
Makikita ko nanaman pala siya mamaya, papasok kaya siya kahit sa likod ng mga nangyari kagabi? 

Napayukom ako sa pagkakahawak sa railings. "Kailan pa 'ko nagkaroon ng pakielam sa tao?" Tanong sa sarili't napailing na nagpatuloy sa pagbaba.
Hindi naman dapat ako magkaroon ng pakielam, eh. Pwede ko namang kalimutan 'yung nangyari at umarteng normal. Saka bakit naman kasi ako mamomoblema? Sino ba siya? 

Baka kaya naman big deal sa 'yo ay dahil napalapit ka na?

Sabi ng side ng utak ko kaya muli akong napailing. 'Di ako pwedeng ma-attach.  
Attachments lead to expectations and expectation can lead to disappointment.

Ayoko ng ma-disappoint at ayoko na ring mag expect. Pero ba't ko naman 'yon mararamdaman? Para kanino? Saan?

Muli nanaman akong huminto noong makalabas na ako ng building kung nasaan ang dorm ko. Tumingala at seryosong tinitigan ang dumidilim na kalangitan. 

Pwede ko naman talagang alisin sa utak ko 'yung nangyari kagabi dahil baka iyon pa nga ang gustong mangyari ni Kairi, subalit, 

...hahayaan ko ba siya na alam kong nangangailangan ng tulong? Kaso may posibilidad na baka ipagtabuyan niya ako dahil naghihimasok na ako sa buhay niya-- hindi, iniisip ko lang 'yun dahil gano'n ako.  

Kumuyom ang kamao ko at huminga ng malalim. 

Ganito na lang. Gagawin ko na lang 'to bilang kapalit sa ginawa niya sa mga kasamahan ko sa football. Para wala akong utang na loob sa kanya. 

Aalisin ko siya sa hawla niya, just this once. 

*** 

ANG TAPANG TAPANG kong sabihin 'yon pero kulang naman sa gawa! Nandito na ako sa skwelahan namin at nagtatago sa isang poste't nakasandal. Na sa locker area kasi si Kairi at nag-aayos ng gamit. Namamangha ako dahil pumasok pa rin siya na parang wala lang.

Bumuntong-hininga ako. 
Wala pang masyadong estudyante at kami-kami pa lang pero hindi ako makakita ng pagkakataon na lumapit dahil pinanghihinaan ako ng loob.

Humawak ako sa noo ko't minasahe iyon. "Kyrie, you idiot." Mahinang wika sa sarili at halos atakihin noong biglang may sumilip sa gilid ko. Nalaman kong si Kairi 'yon dahil sa pabango niya. Siya lang naman kasi ang mahilig dumikit sa akin kaya alam ko na kung ano ang amoy niya.

I leaned against the wall while she's just staring at me with the innocence of her eyes. Lumunok ako ng laway noong wala siyang sinasabi at nakatingin lang. 'Di ko tuloy alam kung ano ang iniisip niya.

Ngunit mayamaya pa'y naglakad siya palapit sa akin. Samantalang nanatili lang din ako sa pwesto ko't hindi gumagalaw. Nang makahinto siya sa mismong harapan ko'y tumungo siya nang hindi inaalis ang kanyang mga tingin sa akin. 

Walang kabuhay-buhay ang mata niya at medyo madilim kung tumingin.
This is her eyes-- the real her.

"Are you going to spread what you saw and what I did to you last night?" Paanas na duda niya ngunit sapat lang upang marinig ko. Hinawakan niya ang leeg ko't ngumisi. "Bakit ko pa tinatanong kung ipagkakalat mo rin naman? Kahit sabihin mo pa sa 'king wala kang intensiyon, gagawin mo rin." Wika niya na akala mo'y siguradong-sigurado na siya sa mangyayari, ibinaba niya ang kamay na nakahawak sa leeg ko. Pakiramdam ko, gusto niya akong sakalin.

"Don't worry, kahit ipagkalat mo. Aalis din ako." Mainahon lang ang pagkakasabi niya pero nandoon pa rin ang kaunting diin sa boses niya. 
Umalis na siya sa harapan ko't nilagpasan habang wala lamang akong kibo. Malakas ang pagtibok ng puso ko kahit sandali lang ang pag-uusap naming dalawa. 
But it doesn't mean, I will stop here.  

"Tama ka, pwede kong ipagkalat 'yung nangyari kung gugustuhin ko," Panimula ko saka ako humarap sa kanya. Huminto siya bigla at mukhang hahayaan akong magsalita. "Pero Kairi, gusto ko lang din malaman mo na wala akong kaibigan, kaya wala rin akong mapagsasabihan ng sikreto mo." 

"Kaibigan?" Ulit niya sa binanggit ko at nilingon ako nang kaunti. "There's no guarantee you'll keep it a secret, once na magkaroon ka ng kaibigan. You'll also betray me." 

Also? 

Huminga ako ng malalim saka malakas na ibinuga iyon. If that won't convince her.
"1v1 sa soccer!" Paghahamon ko sa kanya kaya nakita ko ang pamimilog ng mata niya.
"Kapag nanalo ako sa ginawa kong hamon, mananatili ka sa skwelahan na 'to at magtitiwala sa akin."

Naging seryoso ang paraan ng pagtingin niya't humarap din sa akin kasabay ang pag-ihip ng hangin mula sa labas. "I have no idea what you're thinking. You have broken bones, so why are you--"

"I have no idea where you got those information pero 'yan ang rason kaya ko 'to gagawin. Kasi seryoso ako, I am willing to sacrifice every part of my life para lang magtiwala ang isang tao sa akin." Kahit pa na sabihin nating ako mismo, hindi magawang pagkatiwalaan ang ibang tao. 

Tinuro ko siya, senyales na hinahamon ko na siya. "If I win this match, you MUST trust me to keep your secrets. Whether you like it or not."  

Nagsalubong ang kilay niya. "You're... crazy."  

Umismid ako. "Maybe, I am." Panggagaya ko sa linyahan niya noong huli kaming nag-usap dito sa locker area. 

Sandali siyang natahimik. May mga dumadaan ng estudyante ngunit animo'y parang kaming dalawa lang ang tao sa lugar.
Nagbuga siya ng hininga at tiningnan ako diretsyo sa mata. "And if you lose?" Tanong  niya sa akin.

"It's up to you." Sagot ko. "Hihintayin ko na lang kung ano ang gusto mong mangyari." Tumagilid ako. "Pero kahit matalo man ako sa naging hamon ko sa'yo, 'di ko ipagkakalat ang nakita ko kagabi. Besides, wala akong pakielam sa kung ano ang buhay na mayroon ka." saad ko. What concerns me is the kissed last night. What was that for?  

KAIRI

Nilagpasan na niya ako ng lakad habang nanatili lang akong nakatingin sa pwesto niya kanina. Lumingon ako sa kanya na patuloy pa rin sa paglalakad ng hindi ako nililingon. "Wala kang pakielam but how come that you're here just to tell me those things?" Tanong sa kanya kahit pa na hindi na niya iyon naririnig.  

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Where stories live. Discover now